"Ang pagtawa ng malakas ng isang babae ay isang patunay sa pagka-simple niya."
----------
"Gising na Jericho! Uwian na!"
"Woohooo! Jerichooo! GISING!"
"JERICHO! HOY! AALIS NA KAMI HAA! ILA-LOCK KA NA NAMIN DITO!"
.
.
Ang ingay naman nitong mga kaklase ko. Tss.
.
.
"WAAAAAAAAAAAAHHHHH! MAY SUNOOOOOOOOOOOOG!!!"
Agad kong minulat mata ko at sa dahil hilo pa ako, nalaglag ako sa upuan. Hinawakan ko ang ulo ko at kinurap-kurap ang mata ko para mahawala yung hilo ko. Tumingin tingin ako sa paligid at..
WALA NAMANG SUNOG AH?!
"HAHAHAHAHA." napatingin ako sa may pinto at tinignan ko ng masama yung kabarkada ko na si Karl.
"Brad kasi. Batugan ka nanaman! Kanina pa kita ginigising. Iniwan na nga ako ni utol ee." pagpapaliwanag niya habang nakaupo malapit sa pintuan.
"Bading mo. Ikaw yung sumigaw kanina?" Asar na asar na tanong ko sakanya.
"Oo. HAHAHAHA!" loko 'to. =__=
"Panira ka ng tulog ee." tumayo na ko at kinuha na ang bag ko at nilagay ito sa kanang balikat ko. "Tara na nga. Ilibre mo nalang ako ng kwek-kwek sa baba."
Ipinabulsa ko yung kamay ko at naunang lumabas ng room.
"Kwek-kwek? Seryoso? Tol, ayos ka lang?" tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng mabuti. Pumunta naman siya sakin at hinawakan ako sa kanang balikat ko.
"Pare, ang pagkakaalam ko kasi, rich kid ka. Di kumakain ng street foods."
"Tss. Remove your dirty hands off me, will you?" utos ko. Inalis naman niya yun agad dahil kabisado na niya lahat ng ibig sabihin ng tingin ko.
"JERICHOOO!" napatingin naman kaming dalawa ni Karl sa likod namin at paksyet lang dahil nakalimutan kong ngayon pala dadating 'to.
"Tiffany." walang emosyon kong bati sakanya. Tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako. Umalis ako sa yakap at tinignan siya.
"Ohmygosh Jericho! Mas gumwapo kna ngayon! Ang cute mo pa din!" akmang yayakapin nya ulit ako ng hinawakan ko yung dalawa niyang pulso.
"Bakit ka nandito?" inis na tanong ko sa kanya.
"Isn't it obvious? Binibisita ka!" sigaw niya.
"Uhm.. Tol, una na ko. Usap lang kayo dyan." tinignan ko si Karl pero biglang nawala. Fvck. Malalagot yun sakin bukas.
BINABASA MO ANG
TAWA (One Shot)
Teen Fiction2014 © noodlerella | Sa isang TAWA, nabuo ang isang labstory na hindi inaasahan.