A laugh that never ends (Sequel ♥)

44 2 1
                                    

Laurrice's POV

"Good morning Jeklog!" sigaw ko sa cellphone nung sinagot na ni Jek yung tawag ko.

"Morning din bigas." matamlay na sagot niya. HAHAHA. Halatang kakagising lang nito.

"Kakagising mo lang Jeklog?"

"Opo. Ikaw? Kumain ka na ba?" tanong naman niya.

"Opo! Tapos na. Kumain ka na Jeklog!" masayang sagot ko. Gloomy ako ngayon. HAHAHAHAHA. :'3

"Oo. Eto na po. Ay! Late na pala ako. May pupuntahan pa ko. Sige, bye bigas!"

"Aww. Sige sige. Labyu Jeklog!" medyo nanlumo ako dahil binaba nya yung phone niya bago ko pa nasabi yung labyu. Haaay. Di man lang siya nagsabi ng ganun.

Ang mas nakakalungkot nyan, anniversary namin ngayon pero ano? Di man lang siya bumati.

Tumayo na ko sa kama ko at naligo na. Habang nagbibihis ako saka ko lang naisip na.. ANG TANGA KO! HAHAHAHA! Di ko man lang natanong kung san siya pupunta para masurpresa ko! Ay jusko! =___="

"Ano ba namang buhay 'to!" sigaw ko sabay tapon ng sapatos ko sa may pintuan ng kwarto ko. Kasabay nun, ay ang pagbukas nun. At pumasok yung kaibigan kong maliit pero sute. JOOOOKE! :p Si Ally.

"Morning bebs!" sigaw niya sabay yakap sakin. Tinulak ko siya palayo sakin at sinamaan ang tingin.

"Anong ginagawa mo dito sa gantong oras?" natatawang tanong ko. Natatawa kasi ako sa itsura niya nung tinulak ko siya. XD

"Tutulungan lang naman sana kita mag-ayos dahil anniversary niyo ngayon ni Jericho pero mukhang ayaw mo. Uuwi nalang ulit ako." mag-wowalk out na sana siya ng binato ko yung unan sa kanya.

"Aray naman! Lagi nalang nanghahagis!" sigaw niya.

"HAHAHAHAHA! Chill.. HAHAHAHAHA. Wag ka nang mag-inarte at tulungan mo nalang ako mag-ayos!" inirapan nalang niya ako at saka siya pumunta sa walk-in closet ko. 

Hinayaan ko nalang siya maghanap dun ng damit na pwede kong suotin.

"Uy bebs. Nakatulala ka dyan. Himala, di ka tumatawa mag-isa ngayon! Haha. Diba dapat masaya ka dahil anniversary niyo ngayon?" sabi ni Allyson out of the blue sabay upo sa tabi ko sa kama.

Tinitigan ko lang siya at biglang tumawa.

"Ikaw ba naman kasi 'tong binabaan agad ng boyfriend mo ng di ka pa tapos magsalita. Tapos di pa siya bumabati ng happy anniversary..." 

"ANOO!?! Walanghiyang lalaking yun! Di ka binati?" namumula niyang tanong.

"Oo. Ngayon lang niya ako di binati. Sya kasi laging nangunguna bumati. Sya unang tumatawag. Pero kanina, ako. Tapos may pupuntahan daw siya ngayon. In short, kinalimutan niyang araw namin 'to ngayon." malungkot kong sabi. Pinipigilan ko nalang umiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAWA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon