N.D.E. ( Near Death Experience ) [One Shot]

561 12 4
                                    

                                                                HAERONHERC'S WORDS

                      Isang gabing hindi ako makatulog; kunsabagay normal yun sken dahil sa aking INSOMIA. Nagsimula ang lahat sa isang bagay na naglaro sa aking isipan at iyon ay ang hiwaga ng mundong ating ginagalawan;  subalit bigla kong naisip, ang mundo nga ba ang siyang mahiwaga o ang mga taong naninirahan dito? At habang ako ay nag-iisip, napansin kong hindi pala kung ano lang ang pumapasok sa aking isipan. Oo, masyado ngang malawak ang aking imahinasyon.....at nagsisimula ito sa isang maliit na bagay na animo'y walang halaga hanggang aking napagtanto na nakabuo na pala ako ng isang kwentong may halaga. Isang kwentong kapupulutan ng aral ng marami; 

                      At bago ninyo umpisahang basahin ang kwentong ito, nais kong ipauna sa inyong kaalaman na ang kwentong ito ay hango lang sa aking malawak na imahinasyon, wala akong nais na patungkulan o masagasaan. Ang nais ko lang ay ibahagi sa inyo ang isang kwentong naglaro sa aking isipan kung saan kapupulutan ng aral.

                           Ang aklat na ito ay isang special series ng ''in my extraordinary eyes'', sa katunayan, itong aklat na ito ay ang ikalimang libro ng nasabing kwento subalit hindi naman kailangang mabasa ang unang apat na aklat sapagkat ito ay isang special series at hindi sequel.

                                Hindi lang talaga ako makatiis na hindi isulat ang kwentong ito sapagkat batid kong napapanahon at hindi ko rin mapigilan ang sarili kong ibahagi ito sa inyo. 

                                    Maraming salamat sa inyo at sana magustuhan ninyo ito.

N.D.E. ( Near Death Experience ) [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon