'' taxi!...........''
Tawag ni Arah sa isang taxi na papalapit sa kanya. At kahit na medyo malayo pa ito ay halos gumitna na siya sa kalsada para lang parahin ito na tila ba may kaagaw siya. Nagmamadali siyang sumakay sa taxi pagkahinto nityo sa kanyang tapat.
"saan po tayo ma'am?" magalang na tanong ng taxi driver.
Sinabi naman ni arah ang isang hindi kalayuang restaurant sa lugar na iyon. Habang binabagtas ni Arah ang daan patungo sa pupuntahan, isang tawag sa kanyang cellphone ang tila kanina pa niya hinihintay.
"nasaan ka na?" tanong ng isang lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.
"malapit na, inip ka na ba? sorry ha? late ko nabasa yung text mo,e; kagigising ko lang " excited pa siya habang kausap ang lalaki sa cellphone. Sinabayan pa niya ng mapang-inis na tawa ang pagkakasabi niyon.
"kanins 'to" parang nagtatampong sabi ng lalaki sa kanya , pero halata sa boses nito na naglalambing lang siya. ''wala kang ginawa kundi matulog.......nakakalimutan mo na ako ah!" pahabiol pa ng kausap.
"echos ka! daig mo pa ako sa kaartehan ah! malapit na ako, humanda ka saken pagdating ko diyan." pananakot ni Arah na mukhang may balak na agad siya sa binata pag nagkita sila.
"uh! talaga? wala ka ngang panama sken e. Bilisan mo na para magkasubukan na tayo!" sabi naman ng binata na tila hinamon pa talaga ang dalaga.
"sige.....bye"
"bye" at tapos ay ibinaba na ng dalawa ang cellphone ng magkasabay.
Habang nagmamaneho naman ang mamang driver ay nagawa pa nitong tuksuhin ang dalaga na ugali talaga ng isang taxi driver ang makipagbiruan sa sakay nila. Masaya ang pinatutugtog ng mamang driver sa kanyang taxi na tama lang naman sa mood na nararamdaman ni arah sa oras na iyon.
"miss, boyfriend mo yun ano!?" pabirong tanong ng mamang driver pagkatapos ibaba ni arah ang cellphone..
"oho" sagot naman ni Arah at nagblush pa ang kanyang mga pisngi.
At kasama pa sa pagbibiro ng mamang driver sinabyan niya ang kantang pinatutugtog ng mga sandaling iyon na akma naman sa damdamin ng isang inlove. Nagtawanan pa ang dalawa na tila talagang napakasaya ng mga oras na iyon. Masaya, at inlove si arah ngayon; inspired siya at hindi mo mababakas sa mukha niya ang negative side of feelings. Ang damdaming iyon, gustong-gusto niya talaga at ayaw na nga niyang mawala pa kahit batid niyang bawat araw ay iba-iba naman ang damdamin ng tao.
Nahawa yata sa magandang mood ni arah ang mamang driver; paindak-indak pa ito habang nagmamaneho.
Pagdating sa may pagliko ay hindi napansin ng mamang driver ang humaharurot na truck na makakasabay nila sa kalsada mula sa ibang daan. Huli na ng mapansin ng driver ng taxi ang truck, mabilis ang takbo ng truck na tila ba pagmamay-ari nito ang kalsada. mabilis na inararo ng truck ang sinasakyang taxi ni Arah, dahilan upang halos madurog ang ang sinasakyang taxi at pumailalim sa truck. Sinuyod pa ng truck ang kahaban ng daan habang nasa ilalim nito ang taxi na sinasakyan ng dalawa bago tuluiyang huminto.
at dahil sa bagal din naman ng rescue operations inabot ng dalawang oras bago tuluyang nadala sa ospital ang mga sugatang biktima. Ang lahat ng sakay ng truck at ang dalawang sakay ng taxi ay kapwa sugatang itinakbo sa ospital. Subalit halata namang ang dalawang sakay ng taxi ang siyang nasa delikadong lagay.
"CLEAR!"
Sigaw ng doctor habang nire-revive ang naghihingalong katawan ni arah. Paulit-ulit siyang kina-cardiac arrest. Bumababa na ang kanyang dugo at tila ba ayaw ng lumaban ng kanyang katawan. Ngunit ang mga doctor ang siyang hindi nawawalang ng pag-asang isalba siya. Unti-unti na ding tumutuwid ang guhit ng alon-along linya sa isang aparato kung saan nakikita ang kanyang heartbeat..

BINABASA MO ANG
N.D.E. ( Near Death Experience ) [One Shot]
Paranormala special series of ''in my extraordinary eyes'' Ano nga ba gagawin mo kung sa isang iglap ay maranasan mo ang isang sitwasyong hindi man lang sumagi sa isip mo o kahit sa panaginip ay hindi mo inaakalang mangyayari ito? Ano ang mababago sa buhay...