*Beep*
[ 1 message received ]
From unknown:
Hi
_________________
To unknown:
?
_________________
*Beep*
From unknown:
Ang ganda mo. Can I court you?
O_o >>>> Ganito un itsura ko nun mabasa ko un message niya.
To unknown:
Bakit nakita mo na ba ako?
_________________
From unknown:
Oo. Ikaw un naka- P.E. t- shirt na NSCI at pants, tama ba ako?
_________________
O_o Lumaki na naman un mga mata ko. Paano niya ako nakilala, paano niya nakuha un number ko at higit sa lahat paano niya nalaman kung ano suot ko eh sa dami ba naman ng tao dito sa S.T.A. ?
To unknown:
Paano mo nakuha un cellphone number ko?!
_________________
From unknown:
Secret. J
_________________
Hindi pa ako nakapag-rereply may nag-message uli sa akin.
From unknown:
Ano name mo?
_________________
To unknown:
A.T. ang name ko.
_________________
From unknown:
Anong A.T.? Let me guess Ana Tolentino. Kita naman sa I.D. mo .Ana name mo. ^_~
_________________
Shocks. Paano niya nalaman un? Hindi ko naman pinagsasabi kahit kanino un ibig sabihin ng A.T. well maybe a few know.
To unknown:
Paano mo nalaman un?
_________________
From unknown:
Secret :P Pwede ba tayo magkita?
_________________
To unknown:
Ok lang total nandito ka din sa S.T.A. ..Basta ba libre mo ko?
_________________
From unknown:
Sige ba..labas ka muna..
Kita tayo sa gitna ng school dun sa may tapat ng statue.. ^_^
_________________
To unknown:
Okie dokie..
Hay, it’s time for me na umalis na sa trono ko este sa upuan ko.
“ Oh, Hannah, himalang aalis ka ng upuan mo.. “
“hehehehehe..may pupuntahan kasi ako.. “
Mike ‘s POV
Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari sa first day ng battle of the privates. Nalungkot ako nun hindi nanuod si Hannah sa laro ko sa badminton. Nag-ensayo pa naman ako ng mabuti para ma-impress ko siya kasi simula nun nalaman ko na mahilig din siya maglaro ng badminton at idol niya ako lalo akong ginanahan sa paglalaro. Hindi ako nagpakita sa kanya niya nun second day ng labanan kasi may pinaplano ako para masabi ko na sa kanya un feelings ko. Oo tama kayo may gusto ako kay Hannah. Naging close kami. Palagi nga kami pinagkakamalan na mag-syota pero friends lang kami. Yun nga lang may gusto ako sa kanya. Natatakot ako na sabihin sa kanya un feelings ko baka kasi mawala siya sa akin na parang bula. Napaka torpe at npakaduwag ko pagdating kay Hannah. Matalino nga ako kaso torpe naman. Pero I’ve decided na mag-confess na sa kanya ngaun bago pa mahuli ang lahat at baka pagsisihan ko pa ito sa huli. Hindi ko kaya makita siya na may kasama na ibang lalaki. Wala ako pakialam kung kaibigan lang niya un basta akin lang siya. Possessive na kung possessive. Basta gusto ko ako ang magpapangiti sa kanya araw – araw bawat segundo ng buhay namin. Gusto ko ako ang palaging kasama niya. Hindi niya alam na may ibang cellphone ako meaning ibang number. Kaya ito katext ko siya.