Repairing

27 2 4
                                    

FLASHBACK:
Si Professor Lester Palafox ay may mission para kay Green. Dapat ipakita ni Green ang video kay Indigo. Pero, nung bumabiyahe na siya, biglang nabasag ang border sa langit kung saan nandun ang nakaraan. Isa si Green sa mga nakaligtas sa nangyareng iyon.

Yun nga, sinabi ni Professor Lester Palafox kung pano ayusin ang timelape ng mundo. Eto daw ang mga steps:

1. Kailangan niya daw bumalik sa taon na kung saan siya galing.

2. Pag ka balik na niya sa taon na kung saan siya galing, kailangan niya pumunta sa mundo na nasa ibabaw ng border.

3. Pag ka punta niya sa border, Kailangan niya itanggal ang mundo sa border na iyon, pag natanggal niya ang mundo na iyon, mawawala na din ang border. ( Para ma tanggal ang mundong iyon, hihigupin niya yun gamit ang kidlat niya. May ganun din kasi na taglay ang kanyang kidlat. )

4. At kailangan na niya bumalik sa kasalukuyan at ayos na iyon.

So yun, lahat yun kailangan gawin ni Indigo. Inuna niya muna ang pangunang step pero di niya sinama si Green dahil mas magiging komplikado pa. Ang step 2 ay nagawa na rin niya pero may nagawa siyang mali sa step 3. Hindi niya nahigop ang mundo na nasa border, at ang nagawa niya ay nakapag summon siya ng malaking kidlat at medyo nabasag ang border. Sinubukan niya ulit higupin ang mundo sa border pero ganun pa rin ang nangyare at nababasag na ang border. Pumunta ulit siya sa taon na kung nasaan si Green at niyaya niya na puntahan si Professor Lester.

Nakapunta na sila sa Lab ni Prof. Lester pero di nila mahanap dahil malaki ang laboratory na iyon. May aksidente na nangyare! May mga na tulo pala na kemikal at nadulos doon si Green. "Aray!" malakas na sigaw ni Green dahil nakaramdam siya ng paso sa buong katawan niya. Nakita ni Prof. Lester ang nangyare at hindi naman siya nabigla. Sa katunayan nga, ayos lang iyon para sa kanya dahil ang kemikal na iyon ay pampalakas ng tao.

So yun, tinanong ni Indigo kay Prof. Lester kung pano niya ba magagamit ang abilidad niya na makapag higop ng panahon. Meron pala kasi nagagawa si Indigo na mali, nilalabas niya ang galit niya at bigla biglaan siyang maglalabas ng kidlat. Ang sabi ni Prof.Lester na kailangan lang daw kumalma, pumikit lang at pag may naramdaman na usok sa kamay niya, pwede na siya dumilat at saraduhin ang kanyang kamay. Nagpasalamat si Indigo kay Prof. Lester, nagpaalam na kay Green, at bumalik na sa kasalukuyan.

Nang bumalik na siya sa kasalukuyan, ginawa na niya ang sabi ng professor at successful ang naging resulta. At tila ang mga tao ay biglang napatunganga ng isang segundo at parang nagtataka kung ano ang nangyare.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man That Can Control TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon