(ESSA’S POV)
…Hindi ko na alam ang gagawin ko, ayan na sya, malapit na…papalapit sya ng papalapit sakin.
Ethan: ESSA TANGHALI NA!
(ha? Wait teka lang? bat bigla tong sumisigaw saka anong kinalaman ng oras dito?)
Ethan: HOY BANGON NA ABA! ESSA HOY!
Essa: tahi…… (booghssssss)
…Wala na, di na natuloy yung tahimik na word dahil heto ako ngayon pilit bumabangon mula sa pagkakahulog ko sa kama dahil ang magaling kong bestfriend ay isang dakilang alarm clock.Marga: My God Essa walang balak gumising? Don’t tell me si Ethan na naman yang nasa panaginip mo kaya ayaw mong magising. Aba Bhes sabihin mo lang sakin kung gusto mong laging nananaginip, aba andito ko para sayo tutuluyan kita no hahaha
Essa: Bestfriend ba talaga kita? Grabe ka sakin Marga ha. Alam mo naman na dun ko lang sya nakakaharap tapos eto ka taga gulo ng lahat. Kainis ka.
Marga: Bhes kung ako sayo mamaya na ko mag-eemote kasi girl 6:29 na po o!
(sabay turo sa relo nya)
Essa: What? Bat ngayon mo lang sinabi sakin e alam mo namang 7:00 lang ang klase. Di pa ko nakakaligo siomai ka naman o!
Marga: Dali! Bihis na, tama na daldal late na tayo first day pa naman.
…At dahil nga tanghali na, heto kami ngayon nagmamadaling maglakad papuntang school habang nagsusuklay. Aba ang hirap kaya gumayak ng mabilis di na tuloy kami nakapag-ayos ng apartment bago umalis buti na lang at walking distance lang ang university namin ni Marga. Sa St. Nicolas University nga pala kami nag-aaral. Pareho kami ng course since were bhesties simula pa noong first year high school kami, at dahil nga mag bestfriend kami ay kailangang magkasama kami sa lahat ng bagay. Sa ngayon third year college na kami ni Marga, BSEd ang course namin. BSEd is the short term for Bachelor of Secondary Education, English nga pala ang major namin. Bakit kami naka-apartment? Well malayo kasi ang house namin pareho ni Marga e since we’re besties nagdecide kami to share on one house na lang and of course may thrill yun diba? To think na magkasama kayo sa house ng best friend mo is one of the best friend goals nowadays, at dahil nga first day ng class…lahat ng basic ay ginagawa like introduce yourself then the election and just like the previous year, I’ve been elected as their muse again. Sino nga ba naman kasing mag-aakala na kaya ko palang ilevel-up ang sarili ko. From the Fat, Dark skin, too simple and nerdy girl…heto ako ngayon at ginagawang muse ng lahat ng kaklase ko.
Flashback: 2 years ago
Marga: Aba… First day of class pa lang na-elect ka na kaagad na Treasurer ng class natin. I’m so proud of you bestie.
(sabay yakap sakin ng mahigpit)
Essa: Ano ba bhes di ako makahinga…Akala siguro nila mayaman ako at kaya kong abonahan lahat. Tsk tsk dagdag alalahanin lang tong pagiging officer ko e.
Marga: ok lang yan at least dagdag credentials diba?
…Im not one of the losers either the famous stuff. Isa ako sa mga students na nasa middle. Middle dahil not like the whimps, hindi ako nabubully and also hindi din famous dahil how can I be one? I’m fat, not that white or fair skin one, frizzy hair and hindi mahilig mag-ayos ng sarili. I mean I look presentable tho but not in the way that everyone would like. I’m too simple. I’m too boring to make it clearer.
End of Flashback: Present
Marga: Congrats, muse ka na naman. Haba ng hair bhes biruin mo wala pang ayos yan ha.
Essa: Sige Marga mang-asar ka pa.
Marga: Omyghad bhes!
Essa: What? Anong nangyari?
Marga: Natapakan ko yung hair mo haba kasi e hahaha. O eto flowers pinapaabot ng isang I.T student.
Essa: I.T?
Marga: Yes. I.T, pero hindi Ethan ang pangalan ng nagpapaabot nyan kagaya ng iniisip mo. It’s from mike, remember the guy from the mall na pilit kinukuha yung number mo? He transferred here girl.
(sabay tapik sa balikat ko habang ngumingiti ng kakaiba)
…Tama sya. Paano nga ba naman to manggagaling sa isang tao na di alam kung nag-eexist ako sa mundong to.
Marga: It’s been more than two years bhes, di ka ba nalilito sa feelings na meron ka? Look andaming nagkakagusto sayo, andami mong manliligaw yet sya parin yung inaasahan mong darating para sayo e ni hindi ka nga nya kilala e. Crush mo parin ba sya hanggang ngayon? Crush nga lang ba talaga bhes o love na yang nararamdaman mo para sa kanya?
…Hindi ko na nasagot ang tanong ni Marga dahil pinatatawag na sya sa office dahil isa sya sa writer ng school paper namin and also…hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kanya. Habang iniisip ko yung tanong ni Marga, Nakita ko syang bumababa sa sasakyan nya. Dumating na ang lalaking pilit ginugulo ang isip ko ngayon. Kitang-kita ko sya mula dito sa Rooftop na tinatambayan ko. Kada hakbang nya, kada ngiting binibigay nya sa bawat kakilalang nakakasalubong nya, sa kada tingin nya sa phone nya. Parang ang bagal ng takbo ng oras sa bawat minutong tititigan ko sya, sa bawat hakbang na parang walang destinasyong pupuntahan. Noong mga minuto na yun ay naisip ko ulit ang tanong ni Marga, Crush ko nga lang ba talaga sya? Hinahangaan ko nga lang ba talaga sya? Kung ganon bakit umabot ng dalawang taon? Bakit sumasaya ko sa bawat araw o minuto na makikita ko sya? Nalilito ako dahil hindi ko alam ang sagot sa bawat tanong ko. Tama nga kaya si Marga? Mahal na nga ba talaga kita Mr. Luke Ethan Velasco?
YOU ARE READING
Chasing the Man of my Dreams
Teen FictionGaano nga ba kalawak ang pangarap ng bawat tao? Maraming tanong ang pilit gumugulo sa isipan ko pero kagaya ng lahat, ang tanging sagot lang ay ang pangarap ko. Kung habang iniisip ko pa lang ito ay abot langit na ang aking galak, Ano pa kaya kung m...