Gaano nga ba kalawak ang pangarap ng bawat tao? Maraming tanong ang pilit gumugulo sa isipan ko pero kagaya ng lahat, ang tanging sagot lang ay ang pangarap ko. Kung habang iniisip ko pa lang ito ay abot langit na ang aking galak, Ano pa kaya kung magkatotoo diba? Kaya heto ako ngayon, pilit na gumagawa ng milagro para mapansin o para magustuhan ng isang taong ginawa kong mundo ko ngunit hindi alam na nag-eexist pala ako. Bawat storya naman ata e ganito, pero ang di lang alam ng bawat manunulat ay kung magiging masaya ang katapusan o puro kalungkutan. Ako si Essa, at ako mismo ang manunulat ng aking istorya, ngunit hindi kagaya ng sa iba, pipilitin kong makuha ang lalaking tinatawag kong pangarap ko, gagawa ako ng sarili kong istorya kung saan ako ang magpapasya kung ano ang kakahinatnan ng kwento ng aking buhay. Makukuha ko sya, makikilala nya ako, wala akong pakialam kung ano man ang maging hadlang dahil sabi nga nila, kung gusto ay may paraan....gusto ko talaga sya, gustong-gusto.