Dear Bias,
Sa bawat araw,minuto, oras nasa isip kita, sa bawat bukas ng bibig ko ikaw agad ang nasasabi ko. Hindi ko alam kung ginayuma mo ko o sadyang tanga lang ako.
Tanga na alam ko naman talaga sa sarili ko na hindi mo ko makikilala. Tanga dahil pinagpatuloy ko pa run ang pag-ibig ko sayo na kahit hindi pa tayo nagkikita ay mahal na kita. Pero aaminin ko sa mga oras na yun at naging masaya ako. Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita. Kahit sa panandaliang oras ay napasaya mo ako.
Minsan iniisip ko na sana ako na lang ang mahal mo, sana kahit alam mo yung pangalan ko. Sa sanang yun ay magiging masaya na ako pero alam ko sa sarili ko na hindi yun magkakatotoo.Ang sakit, ang sakit isipin na hanggang pangarap lang kita, na hanggang panaginip lang kita, na kahit kailan hinding hindi matutupad yung pangarap ko. Kasi isa lang naman ako, isa lang sa Milyong milyong humahanga sayo.
Nakakalungkot dahil ang tingin mo lang sa akin at tagahanga mo, pero kahit na ganun, ang tingin ko sayo at isang pinakamagandang regalo sa buhay ko.
Kung dumating ang araw na magmamahal ka rin, na balang araw mababalitaan ko na may mahal ka na.
Masakit man sakin, kasi naging parts ka na ng buhay ko. Pero dadating ang araw na bibitawan din kita, kakalimutan din kita, pero isa lang ang hindi ko makakalimutan na
"I fell inlove with my idol"Your Fangirl,
Scarlet ❤
