Naaalala ko pa noon , nagmamadali akong makarating sa trabaho ko,magkasalubong tayo nun,dahil may pagkabulag ka,nagkabungguan tayo.
Nagalit pa nga ako sayo nun eh, kasi nahulog lahat ng gamit ko.nagalit ka rin sakin. galit tayo sa isa't-isa..dahil sa napaka-babaw na dahilan----nagkabanggan tayo.Naalala ko pa nga yung bangayan natin,
"ano ba yan miss! hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh"sabi mo.
"Ay ! Sorry ha! Nagmamadali po kasi ako ! " inis kong sagot.
"paharang-harang ka kasi! "
"eh . Daanan kaya to ! "
"ewan ko sayo. Tabi nga!suplada !"
"Hoy ! Hindi ako suplada!"
"suplada."
"yabang!!"
Nung mga oras na yun, naiinis ako sayo,kasi ang yabang mo.
Pero nawala yun, nung nginitian mo ako.hindi ko alam kung nangti-trip ka lang o ano,pero
Dun palang, alam ko nang talo na ako.Ang ganda mong ngumiti.Pero late na ako. Kaya umalis na rin ako.
Pagdating ko sa trabaho,hindi ako maka-concentrate.naaalala ko yung pag-ngiti mo.yung pag-ngiti mo sakin.
.....................
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung magkabungguan tayo.Ilang araw na, pero hindi parin kita makalimutan.at naiinis ako sa kadahilanang yun.
Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin.gusto kitang makabungguan ulit,gusto kong makita ang maamo mong mukha,ang mga ngiti mo.naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ilang buwan lang ang nakalipas,akala ko nakalimutan na kita."AKALA" ko lang pala.kase nagtagpo ulit tayo.same time,same place.at yung nararamdaman ko? Bumalik nanaman.
Nag-sorry ka.nag-sorry rin ako.
Nakipag-kaibigan ka saken.ganun din ako sayo. In short, naging mag kaibigan tayo.Nakakatawa nga eh.dati,magkaaway tayo.ngayon,magkaibigan na.
Nagsimula lang tayo sa pagiging mag kaibigan. Hanggang sa lumalim ng lumalim.
Inamin mo sakin na mahal mo ako. ako ? Ewan. Hindi ko alam.
Natatakot akong masaktan.natatakot akong sumugal,sa larong hindi ko kayang laruin.
Natatakot ako,dahil malaki ang chance na matalo ako.Ayaw kong mahulog,sa taong hindi ako kayang saluhin.Kase masasaktan lang ako.kaya hangga't maaari,pinipigilan ko ang sarili ko.
Pero hindi ka sumuko,tapos sumabay pa itong puso ko.
Nanligaw ka.Sinagot kita.nagkaroon ng "TAYO".
YOU ARE READING
.... Strangers
Short StoryNagsimula tayo sa pagiging "strangers", hindi ko alam na dito rin pala tayo magtatapos.