“Oh, gusto mo? Ang anghang eh bwiset.” sabay abot sa akin ng Cheetos.
“Himala may dala kang pagkain.” Pang-aasar ko. Araw-araw kasi siya yung nanghihingi sa amin ng pagkain.
“Hindi naman maanghang, arte mo.”
Saya ng buhay namin dito sa gilid. Pakain kain lang habang nagkaklase. Mabait naman si Sir eh. Ayos lang ‘yan.
“Oh, tapon mo nga” ABA. Supalpalin ko kaya ‘to.
“Utot mo. Kanino ba ‘yan in the first place?”
At ‘to na naman po kami. Mag-aaway na naman. Halos Wala yatang araw na ‘di kami nag-away. Nasasanay na nga mga katabi namin pag nagbabangayan kami sa pwesto. Lagi kasi akong inuutusan ng siraulong ‘to. Hindi naman ako mukhang chimay.
“Oh, Raine, Luke. Nag-aaway na naman kayo. Tama na yan. Mamaya kayo pa ang magkatuluyan niyan eh. “ sabi ni Sir Je.
Wth.
“Ew. Ay nako Sir.” Siyempre kunyari ayaw ng lola nyo. Haha! Magdilang anghel sana si Sir. Charot. At as usual, walang imik ‘tong katabi ko kahit na inaasar kami. Feeling ko kahit magka-fire drill NR pa rin ‘to. Mas moody pa sa akin eh. Psh.
Kaklase ko siya nung first year, old student ang lolo nyo. Hindi ko siya masyadong napapansin nung first week nung klase. Pero natatandaan ko nung first day, pinansin siya ng adviser namin kasi yung upo nya parang tinatamad sa buhay, tapos nag-asaran na sila ni Sir. Lol. Nasa harap ko yata siya nun.
“Raine, kanino ka naggwapuhan sa klase natin?” tanong ni Aria habang naglalakad kami papuntang school bus area.
Kanino nga ba? Anak ng. Wala naman kasing gwapo sa mga kaklase ko. Yung nasa kabilang section gwapo yung pangalan. Pangalan lang, pero at least may gwapo pa rin sa kanya. Hahahaha mean.
“Uhhhhh.. siguro kay..Luke?”
“Ako rin eh. Nggwapuhan din ako sa kanya….Ay ayan na yung school bus namin. Bye!”
Nagbbye na ako kay Aria. At simula noon, hindi ko na alam. Pero medyo napapansin ko na siya. Medyo lang, di naman masyado. Lol.
“Tulala ka na naman. Wag mo na kasi akong isipin magkatabi naman tayo eh.” Pang-aasar ni Luke sakin.
Napaka-assuming ng mokong na ‘to.
“Psh. Ewan ko sa’yo.“
“Aminin mo nalang kasi na may gusto ka sa ‘kin.”
“Asa!” Sabay hampas sa braso nya.
“Aray! Ang bigat talaga ng kamay mo!” sabay tawa
Tawa pa sige lang.
“Teka nga, pasulat nga ako ng front page ng Portfolio sa Math”
“Ikaw nalang. Marunong ka naman magsulat eh”