Call Center

15 1 4
                                    


"Is there anything I may help you with?" Nakangiting plastik nasabi ko sa harap ng computer.

The phone call ended. 34 mins 35 seconds.

Napahilot ako sa sentido pagkatapos ng huling call ko ngaung araw.

"Mag memo ka na para rekta shop na tayo, kailangan kong mag pa rank up ngaung araw" sabi ni Allan sa masayang boses.

Napatingin ako sa kanya, nawala ung iritasyon ko panandalian.

Isa sa mga taong masasabi kong nag pa totoo ang epekto ng enervon. Yung tipong nakangiti buông araw. No stress mark at wrinkles na pwede nang umextra sa koreanovela sa sobrang kinis ng mukha. Eto pa, ung tipong fresh all the way tignan kahit ang alinsangan ng panahôn, samantalang ako kalalabas pa lang ng bahay, pawisan agad.
Ang hirap kaya na maging isang walking happy pill at may nakalagay sa nôong "Gusto ko, Happy kà". Binalaan ko nga wag masyadong tumambay sa mataong lugar, baka madampot ng DSWD ng wala sa oras.

Si Allan ay naging katukayo ko ditô sa trabaho màging sa paglalaro ng paborito naming computer online game na LOL. Maputi na parang nyebe añg balat niya, hindi gaanong katangkaran at may matikas na pañgangàtàwan. May katamtamang hugîs ng ilong at laging nakangiting labi. Ang maaliwalas niyang singkit na mata na pilit nyang pinalalaki ay nakaka aliw naman talagang tignan.Kung baga, may ipag mamalaki namàn ang tropa ko.

"Wow naman, e hindi ka pa nga tapos diyan, teka lang, naririnig mo ba siya ng maayos? Magtino ka nga, mukha kang abnoy. Nasabi ko na lang

Nakasuot kase sya ng headset na nakasabit pabaliktad sa chin nya. Ang walang hiya, upong hari pa . He just wink at me.

Bilib talaga ko sa kanya, magaling kase siyang mag manipula ng phone call. Hindi halatang mag dadalawang buwan pa lang sa trabaho. Samantalang ako nag aadjust pa. Binalik ko na lang sa monitor ang paningin ko. Bwisit na bwisit talaga ako dun sa buraot na customer. Gustong mang hingi ng credit e may utang pa nga siya. Hindi daw gumagana ung service nya ilang araw na.

Malamang patay wifi, so binigay ko ung instruction kung panu buksan. Inabot pa kami ng kalahating oras dahil pinipilit pa talaga ung gusto nya. Ang malupit pa, talagang pinu push nya na he has rights daw para sa credit. Ang sarap lang sungalngalin . Sa huli, binabaan lang ako ng telepono.

Customer Assistance ang serbisyo namin hindi charity o money loaning.

Anu sya sine-swerte? Ako nga kapag mangutang ng bente pesos pulang pula na ko sa kahihiyan. Tapos siya kung kung mang hingi at mag mura akala mo presidente sa bansa nila.

Napa- isip tuloy ako, ang hirap pala talaga maging call center agent. Bukod sa buhay bampira ka, ilang mura at galit na customer ang ma e-experience mo araw-araw. Ang resulta, sandamakmak na stress at malaking eye bags.

Nung nag apply ako dito , akala ko sobrang saya at relax lang. Sa napapanuod ko sa t.v at fb mukha syang madali tignan. Biruin mo, makikipag usap ka lang sa telepono ng halos walong oras sa loob ng air conditioned na room. Idagdag pang mas mataas ang pasahod sa call center kaya maraming gustong makapasok sa ganitong industriya. .

Napatingin ako sa paligid ko, kung titignan marami sa kanila hindi mo aakalaing magaling mag Ingles. May nag pakulay ng buhok, nag pumilit mag suot ang contact lense na ansakit sa mata, pansin ku din na halos may kaputian ang iba na alam ko namang resulta ng glutathione at syempre hindi mawawala ang Starbucks coffee sa station nila. Kailangan daw kase angkinin ang 'American culture' . Nakakalungkot lang na dun ang priority halos karamihan.

Kung sa bagay, tayong mga pilipino ay tuwang tuwa sa imported na bagay lalo na sa Americanong hilaw . Kahit ako, inggit ako sa perpekto hugis ng kanilang ilong at bughaw na mata. Iyon na marahil ang dahilan kung bakit pursigido halos karamihan maging katulad nila.

Hindi na din ako nagtaka na dito sa Pilipinas, lamang ang marunong mag salita ng bilingual kesa sa pagiging bihasa sa Mathematics.

Napangiti ako nung naalala ko si Kris Aquino sa isang prestihiyosong competisyon na sobrang elegante kumilos papuntang center stage, sa kalagitnaan bumagsak siya.

"Uy, ayos ka lang ? mukha kang baliw diyan na nakangiti sa kawalan" sinabi ni Allan . Nakatayo sa tabi ko hawak ang headset nyang nakarolyo sa kamay nya. Andiyan na pala si kumag, akalain mong mas mabilis siyang nakatapos kesa sa akin.

Nagseryoso na lang ako para makaalis na kami. Habang nag la-log out ako naalala ku ung swimming namin last week. Napatawa na lang ako ng wala sa oras.
" Minsan talaga tinatanung ko kung panu kita naging kaibigan, I'm choosy , ya know?", umiiling pa ang loko.
"Wow naman, ang special ko naman po pala." na sabi ko na lang
"Hindi mu lang alam" he mumbled.
Napatingin ako sa kanya bigla. Minsan talaga hindi ko alam kung ano umiikot sa utak nito. Eto ung mga panahon na sana hindi sya mag bigay ng mga ganyang dialog. Kaya nachi chismis kami dito sa opisina.

" Oy, Ano yan? Kayo na ba ang papalit sa My husband's lover?" Ang entrada ni Froi.
Syempre kung may gagawa ng mga issue sa opisina, walang iba kungdi ang kolokoy. Balingkinitan ang katawan, parang malapit na sa chocolate ang kulay at makapal ang pulbo sa mukha. Typical na magiliw at napakaraming energy dahil na nga rin isa syang dancer.
Halata naman sa kilos at pananamit, hindi ku nga lang alam kung ang paglalagay ng malaking fake eyelashes kahit nakasalaming may grado at umiilaw na sapatos ay kasama sa katangian ng isang choreographer. Naging ka wavemate ko sya nung training. At ang loka- loka , pumasok daw bilang agent and I qoute, "To be famous, versatile all the way , enhance my beautiful me and english mastery and to have more ... fun in the Philippines! ". Hagalpakan talaga kami sa pagpapakilala nya .
Sa pag kaka-alam ko, pangarap talaga ni froi ang mapanuod sa telebisyon at maging isang sikat na talkshaw host, ngunit sa kasamaang palad hindi nya rin nakamit dahil nga sa hirap ng buhay. Sa kasamaang palad, dito pa talaga nag practice ng pagiging boy abunda at word play, ang ending? Naging top agent lang naman after 3 months at top din sa pagiging most reliable source ng mga tsimis. Kung ang balita may pakpak, sya with matching jet pack sa bilis makasagap at makagawa ng usapin sa floor. Hindi talaga mawawala sa trabaho o kahit saan ang tsismis. Kaya hindi na ko nagtaka kung patok ito sa  TV.
Nakakainis kase, ayoko masyadong umasa na meronMay mga panahon kase na bigla bigla na lang syang mag yayayang lumabas. Mangungulit disoras ng tanghali na alam naman nyang ganung oras lng ang tulog ko. Pero kahit gaano ka kolokoy nya masaya din akong naging kaibigan ko yan.
Maaasahan kase at talagang loyal. Katulad nga ng sabi ni Mike Enriques
" Oh? Ingat ka mamaya , ma tukhang ka" nasabi ko na lang
" Wala ka talagang sense"

.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Future MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon