ONE

2K 52 11
                                    

""MY ONLY BESTFRIEND""

bestfriend?

yan ang word na nagpabago sa buhay ko. lahat na atah binago niyan eh. pati nga ung meaning ko para jan, nabago din. wew.

bestfriend?

para sakin kasi dati, ang kahulugan ng salitang yan ay, isang mahalagang bagay na hindi mo dapat paglaruan. isang mahalagang bagay na hindi mo dapat iwala. at isang mahalagang bagay na hindi mo dapat makalimutan kahit kailan.

kasi nga, kahit ano mang malaking problema ang darating sayo, si bestfriend? anjan parin. handang tumulong sayo kahit ano man ang mangyari. kasi nga, magbestfriend kayo.

i mean, para sakin kasi, ang bestfriend, ay hindi mo dapat ibigin. baka kasi, masira pa ang pagiging magbestfriend niyo pag nagkataon.

"kapag nagkaroon ako ng lalaking bestfriend, hinding hindi talaga ako maiinlove sa kainya." yan. yan ang pinangako ko sa sarili ko noon. yan ang huling sinabi ko sa sarili ko nung hindi ko pa siya nakilala. nung hindi ko pa nakilala ang nag iisa kong bestfriend.

--------------

"naku! late na ako. hahais! first day of school, late ako. kainis naman oh. hais!" pano kasi, hndi ko man lang napansin ung alarm ko. hais! go lang Gail. kaya mo yan. makakaabot ka pa. ajah! hoooh!

nung nasa taas na ako ng building, at dahil nga sa clumsy ako, nabitawan ko ang libro ko at nahulog.

"aish! naman oh."

POK!!!

"ARAY!! ANG SAKIT!! Awh!!" boses ng isang lalaki.

O.O lagot. may natamaan. saka naman ako bumaba ulit para magsorry dun sa natamaan.

"hala! sorry po.! sorry talaga. hindi ko sinasadya. sorry po talaga."

"okay lang. ingat nalang sa susunod miss. awh!" habang hinihimas niya ung natamaan ng libro. T.T awh, masakit talaga siguro un.

"hala! sorry po talaga. hindi ko po talaga sinasadya. sorry po. sorry po talaga. sorry po. huhu. T_T" with matching bow bow pa yan huh?

"haha. okay lang. paulit ulit kana jan sa sorry mo huh? okay lang ako miss."sabi niya.

wait, parang dumudugo atah un ah.

"naku! hindi ka okay.!" bigla kong sigaw sa kanya.

"huh?!"

"may dugo sa ulo mo.! huhu. hala. T.T"

pano kasi, sa ulo siya tinamaan ng libro. ang tulis pa naman ng dulo ng cover nun. huhu. kasalanan ko to eh. T.T

"huh?! O.O san?!"

"tara. punta tayo sa clinic. ipagamot natin yan. sorry talaga. " T.T kasalanan ko 'to eh.

"hi--ndi na miss. oo-kay lang ako."

"hindi pwede. kailangan nating ipagamot yan. baka ano pang mangyari sayo. kasalanan ko pa naman yan eh. tara."

at hinila ko na nga siya papuntang clinic. umaayaw pa kasi eh.

habang ginagamot siya, tawa lang ako ng tawa sa kaniya. grabe kasi ung mga facial expression niya. takot na takot talaga. haha. XD.

kaya pala lumaki ung mata niya kanina at nautal pa. sinabi niya kasi sakin na, takot pala siya sa dugo. haha. XDD

"oi, miss! grabe ka naman. kanina mo pa ako pinagtatawanan eh. (sabay pout) :(" hala. nagpout?! ang cuuute. ang landi. haha. pero promise, ang cute nya. ^^

"eh. sa nakakatawa ka eh. hahaha."

"grabe ka naman miss. ganyan ka pala magsorry. :(" hala? nangonsensya pa?

MY ONLY BEST FRIEND (CHOHAN) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon