Chapter 5

90.1K 1.4K 96
                                    

The worst part of holding the memories is not the pain. It's the loneliness of it. Memories need to be shared."

― Lois Lowry


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Bebe girl! Andito na si Shiela!"


Pagkasigaw ni daddy nito, agad akong lumabas mula sa kwarto. Baka ma-abuse na naman ang pintuan at pader ko eh.


Bumuntong hininga ako nang maalala kong may long quiz nga pala kami ngayon sa Chem. Bigla kong naalala si Ren. Oo. Yung tutor ko. He's been a great help naman. Ilang araw na rin syang pabalik-balik dito sa bahay at naging patient naman sya sa sobrang kabobohan ko sa Chemistry.


But hanggang dun lang 'yon. Well, duh, trabaho nya 'to.


"Zhaira! Baka ma--" Napahinto si Shiela sa pag-akyat sa hagdan. Oh, naunahan ko rin sya sa wakas. "Naks, aga natin ngayon ah." Pang-aasar niya.


I just rolled my eyes at her. "Tara na."


"Bye, tito!" Same routine.


Lumabas na kami ng gate at saktong may bumusina sa tabi namin.


"Ay anak ka ng kalabaw!" napalundag si Shiela. Oops. Wa-poise.


Ibinaba ng nasa driver's seat ang bintana nya at bumungad sa amin si Geoff na naka-shades, at mukhang medyo natatawa pa. Mukhang nahuli nya ang reaction ni Shiela. "Sabay na kayo!"


Tatanggi na sana ako pero bigla akong kinurot ni Shiela. Oo nga pala. 'Chance ko na 'to, Zhai.' Pusta, yan na yung pilit niyang ipinapahiwatig sa akin.


I sighed. "Fine."


Binuksan ko na ang pinto sa backseat at inunahan ako ni Shiela na sumakay. WTF?! Bakit di sya sa unahan umupo? Nagtataka akong tumingin sa kanya at umiling lang sya na namumula pa. Aba, may hiya din pala ang luka.


"So, Zhai, kamusta naman kayo ng tutor nyo?" sabi ni Geoff pagkasara ko ng pinto. Wow, ha. Walang warning.


"Tutor?!" alam nyo yung bumubuka lang ang bibig na walang lumalabas na boses pero alam mong sumisigaw sya? Yeah, yun ang ginagawa ni Shiela ngayon.


Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya yung tungkol dito.


"Fine so far." Simple kong sagot.


Mukhang na-relax naman si Geoff, "Good. Akala ko uuwi yun ng may black-eye. Sorry ha, sabi kasi ni tito mas maganda daw kung nerd ang mahanap kong tutor eh."


"NERD?!" walang tunog na sigaw ulit ni Shiela.


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon