Chapter 1:Move on

61 2 0
                                    

Hey guys.. I've been thinking for the plot of this story. Gonna be a slow update you guys. Only updating this in my free time. :') And yeah, sorry for the typos.

Chapter 1: Move on.

Jadelyn's POV 

Hmmmm.... 

Ugh. Yung ulo ko. -.- Ano bang nangyari kagabi? Ang sakit talaga ng ulo ko. 

Pagkamulat ko ng mata ko nakita ko sa tabi ko yung bestfriend ko. Tulog na tulog. Gisingin ko kaya? Para lang matanong ko kung anong nangyari kagabi.

"Chloe." sabi ko habang tinutusok tusok yung tagiliran niya. 

"Five more minutes, mom." aba't naging nanay pa ko! -,-

"Hoy Chloe!! Hindi ako si tita Martha!! Hindi ako yung nanay mo!" sigaw ko sabay palo sa kanya.

"Ano ba? Natutulog yung tao eh!" sabi niya sabay bangon.

"Tao ka pala." sabi ko sabay smirk.

"Nakakarami ka na ah. Dapat nga pinasasalamatan mo ko eh." sabi niya.

"Huh? Bakit?" Mas lalong dumami yung tanong sa isip ko.

"Ay, oo nga pala. Nakakalimutan mo pala LAHAT ng nangyari pag lasing ka." sabi niya 

"Ganto kasi yun, kinontak ako ng mommy mo pinapakamusta ka. Hindi ka daw kasi niya matawagan. Sabi ko hindi ko alam. Sabi niya 'Oh God. That girl. Where is she? Can you please find her for me Chloe?' siyempre nag-yes ako." sabi niya habang ginagaya yung pagsalita ni mom na may accent. Hahahah. British kasi yung mommy ko kaya ang pangit pakinggan pag si Chloe yung gumagamit ng accent na yun. Tawa nga ako ng tawa eh.

"Hoy baliw. Hindi pa ko tapos." sabi niya.

"Pffft…Hahahaha. sabihin mo nga ulit. Hahahaha!" sabi ko tas nag-death glare siya, kaya naman umayos na ko.

"May nagsabi sakin na nasa bar ka daw. May nakakita daw sayo. Kaya naman agad agad akong pumunta sa bar kung saan ka laging umiinom every 8th of the month." sabi niya. Naalala ko na naman yung boyfriend ko. Haaay. 

May tumutulo na namang luha.

"Jadey, sorry." sabi ni Chloe ng mahina. Yumuko ako. 

"Friend. I'm so sorry. I didn't mean it." sabi niya ulit na parang malungkot yung boses.

"Don't worry. Wala kang kasalanan." sabi ko nang tinitignan siya sa mata at nag-smile sa kanya.

"Friend. I know that your smile is fake. Let it out." sabi niya. Shit. Kilala niya talaga ako.

"Sabi niya kasi forever kami. Forever ba yun?! Iniwan niya ko. Hindi siya nagpaalam sakin! Tapos hindi na siya babalik. Hinding hindi na! Alam mo ba kung gano kasakit yun?!" sabi ko. My emotion controlled me. 

"Friend! Ano ba?! You're unbreakable? Hindi ka fragile. Kilala kita!!" sabi niya na parang iiyak na din. 

"F-friend, hindi ko na kaya. " sabi ko at tuluyan ng umiyak. Shit. Ayokong nakikita ako ni Chloe nang ganito. 

"Smile ka na nga. Baka biglang pumasok yung dad mo at kuya mo, baka sabihin pinaiyak kita." sabi niya ng nakangiti. Pero yung mata niya worried.

"Pinaiyak mo naman talaga ako eh. Hahahaha." sabi ko para hindi na siya magworried at para tumawa na siya. Ayoko kasing nadadamay siya sa kalungkutan KO.

"Hahahaha. Adik ka uh. Halika nga dito. Hug mo ko." sabi niya.

Lumapit naman ako at hinug siya.

Fairytale ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon