CHAPTER 1
Hindi ko akalain.. talaga bang totoo to? Omygasss!! ang gwapo niya talaga kahit sa picture lang.. na adik at first sight yata ako sa lalaking yun. Sino kaya siya? Ano kaya pangalan niya? Ano kaya yung course nya? Kung anong year na ba siya? Hayyy!! ang dami kung tanong na hindi ko alam kung papano ko sasagutin. Hmmm, nahihiya naman akong magtanong sa mga kaibigan ko, baka kasi tuksuin ako nun maghapon, kaya lang pano ko malalaman kung hindi ako magtatanong diba?
Teka nga.. alam kung nalilito kayo at gusto niyong malaman kung bakit at sino tong pinagpapatansyahan ko, hehe, kasi alam niyo.. talagang kinilig ako kanina. Kanina kasi, pagpasok ko palang sa gate may napansin akong mga picture na nakapaskil sa taas ng school building namin, siguro yun yung mga tatakbong kandidato para sa.. para sa.. hmmm, nalimutan ko na ehh.. hehe, basta para yun sa election2x na gagawin nila, hmmp!!
Tapos, ano pa ba gagawin ko, edi tinigyan ko yung mga pictures isa-isa.. Pero may isang picture na talagang nakaagaw pansin sa akin. Hindi ko talaga lubos maisip na may ganoong klaseng estudyante ang nag-aaral dito sa school namin.. Oo, kasi nga diba, simple lang tong university namin, tapos akala ko pa na halos lahat na mga lalaki dito ehh, mababaho yung mukha, yung tipong hindi ko magugustuhan kasi puro chaka. Well, hindi naman lahat, meron rin namang iba na pwede na kaso yung ugali, pangbruha..
Hindi nga kasi ako makapaniwala, kasi nga ang GWAPO niya.. waaahhh!! omygass talaga.. Ang gwapo niya grabe lang, para siyang korean, well, adik kasi ko sa mga KPOP, kaya ayan, daling nahumaling yung puso ko, saaaarrr!! anong sabi?? Oo nga kasi, ang gwapo niya talaga as in korean ba talaga siya.. pwede na siyang panlaban kay leemin ho, hehe.^^
Na adik at first sight nga yata ako sa lalaking yun, kasi kanina pa siya hindi mawala sa isip koehh.. gustong gunsto ko talagang malaman yung pangalan niya, lahat kung anong tungkol sa buhay niya.. Haaayy.. he's my korean boy.. <3<3
"Ms. Salita!! are you listening?!"
"Ahhh.. yes mam.. hehe" patay ako nito.. :((
"Get out.."
"Mamm?"
"I said get out!!"
Ano pa ginawa ko, edi lumabas.. kaysa naman makipagtalo pa ako sa masungit naming prof. hmmpp!! Akala naman niya ang galing niya magturo.. :(( Saan na ako nito pupunta.. ><
Alam niyo ba kung anong ginawa ko? siyempre hindi.. bumaba lang naman ako at hinarap ko ang aking maylabs.!! yeee, pipicturan ko yung picture niya para pag uwi ko, mabusog ko yung mga mata ko.. hehehe, galing ko talaga.
"Hmmm.. excuse me?"
May nagsalitang babae sa tabi ko.. hindi ko nman to kilala ahh, pero parang familiar yung face niya.
"Yes.. bakit miss?"
"Hehehe, hindi mo ako kilala nuh?"
"Ahh.. hindi kasi ehh, sino ka ba?"
"Hehe, ako yung isa sa mga classmate mo.. I'm bangshee.." sabay lahad niya ng kamay sa akin.. siguro makikipag shake hands to.. saaarr, sosyal!!
Tapos, tinanggap ko, hindi naman ako malditang bruhalila nuuhh..
"Nibeje.. Teka, kung classmate kita, ibig sabihin, pinalabas kadin ng prof. natin?"
"Haha, oo, ang boring niya kasing magturo ehh.. kaya tulad mo hindi din ako nakinig.. hehe"
"Ahhh, ganun pala.. hehe"
"Ano pala yang ginagawa mo?" sabay turo niya sa cellphone ko.
"Ahh.. hehe, wala lang to.. hehe"
"Ayeee, kinuhanan mo siya ng picture?"
"Hehehe, ahhh, kasi.. hmm.. hehe"
"Ano kaba, wag kanang mahiya nuh.. diba friends na namn tayo?"
Agad-agad? iba rin ang babaeng to.. kung makapag kaibigan wagas.. hahaha
"Hahaha, sige na nga.. Ahh, kasi ang gwapo niya kasi ehh..hehe"
"Oo nga, gwapo nga siya.. kaya lang.."
"Huh? kaya lang ano?"
"Hahaha, wala.. sige hali kana.. punta tayo ng canteen, libre kita.. hehe"
Pshhh!! kakaiba talaga.. haaayy.. ano kaya yung sasabihin niya "kaya lang" nyee.. wag na ngang pansinin. :)))
WASHANGSAHSAJKAGS!! HELLO.. SANA MAGUSTUHAN NIYO :D :))
VOTE AND COMMENT PO PUHLESSEEESHH.. MAAWA PO KAYO SA AUTHOR NA NAGPAHIRAP GUMAWA NITOO.. HAHA ANG OA KO.. PERO SANA MAGVOTE KAYO. "))))))
-YEPPEUJIJENIBE
BINABASA MO ANG
Crush ko si Gay?
Teen FictionMasaya magkaroon ng crush sa mga buhay nating teenagers.. Parang nagkakaroon tayo ng inspiration, nagaganahan tayong bumangon ng maaga para pumasok sa paaralan. Gusto nating mag-aral ng mabuti para kahit papano mapansin tayo ng crush natin.. Aminin...