1 month, 2 weeks and 3 days to be exact.
kumusta naman yung unforgettable vacation experience ko sa Boracay!?
"kumusta na kaya siya? haaaaay! Asa ka pa Laviña! ano bah!?"
moving on...
Saturday. 7am. kung makatilaok naman ang mga manok ng kapitbahay namin, walang patawad! teka nga! sarap na nga ng tulog ko eh tapos biglang.... "krrrrrr krrrrrr krrrrrr!!!!!!" the phone is oh so ringing! sino ba tong tumatawag!? ang aga aga! di naman naka phonebook sa sim ko. fffff!
"HELLO?" inaantok kong sinabi. "Laviña? ikaw ba to?" aba sino ba tong lokong nagtatanong eh siya itong tumawag. "ako nga. sino ka ba?" taraaaaay. "remember me? Miggy, the one you met in Boracay."
all of a sudden, nawala ang antok ko! "ano ka mo!? sira ulo ka ba para magpanggap na si Miggy!? how come nakuha mo ang number ko!?" Laviña kalma please! "I swear this is me!" and he sang the first stanza of Sleeping Station.
the voice sounds so familiar diba Laviña!? HAHA! siya nga! "MIGGY!? MIGGY CHAVEZ!?" gulat to the max! "oh yes it's me!" nakangiting sumagot.
"teka pano mo nakuha ang number ko? wala naman akong naaalalang nagbigay ako sa iyo diba!?" kinikilig na pala ako. witweeew! HAHA! "loooong story! anyway, itatanong ko sana kung ano ang address ng bahay ninyo. hehe..."
ano daw? tama ba yung pagkakadinig ko? like he's actually asking for my address!? waaaaah! powder firewoks for an early morning please! wahahaha! "ha? ah.. uhm... Zone 3, Poblacion El Salvador. teka, ba't mo ba naitanong?"
naku! umasa na naman yata ang Laviña! boom! "ah wala naman. basta! hehe.. sige bye!" at tinapos ni Miggy ang convo sa phone ng ganun lang. okay. CALL ENDED. saklap ba Laviña?
eh di na tuloy ako nakabalik sa tulog sa soooobrang kilig ko! kung anu-ano na lang ang ginagawa ko para matago ang shiver na ito! linis, luto, ayos ng damit at kung anu-ano pa! haaaay!
sabi nga ni daddy, "himala! naglinis ka ng ganito kaaga. ano'ng meron? may hihingin o may lakad ka?" syempre wala akong ibang na say kundi "daddy!" kainis! CHAROT! haha!
afternoon that day... 1pm..
"tao po? tao po? tao po?" timing na wala lahat ng kasama ko sa bahay dahil may kanya-kanyang nilakad. kaya ako lang talaga ang magbubukas ng pintuan. "teka!" at pagbukas............. "surprise!" BOOOOM! greeting from my crush! "Miggy!?!?"
letche! si Miggy Chavez! woohoo! waaaaahhh! gusto kong tumambling! pero pansamantalang ako'y nanigas. at yung dila ko! LORD! PATAWAD! hahaha!
"paano!?" at di ko natapos ang tanong ko cause I really got speechless! "anyway, tuloy ka! maupo ka! teka, so paano ka napunta dito!?"
"uhm, I heard maraming pwedeng gawin dito sa Northern Mindanao. I'm thinking if pwede mo kong samahan?" nakuuuu! makakatanggi pa ba ako niyan? eh tunaw na tunaw na ako sa smile niya! shiiiiiit!
"ah, oo naman. sure!" oh landi din eh noh!? sure kaagad! haha! "so sa'n ka ba nag-si-stay now?" hoy Laviña! ba't ganyan ang tanong mo!? may plano!? HAHA! just kidding! "uhm, I'm staying at N Hotel right now... kasama ko yung mga ka banda ko. pero nagpaiwan muna sila sa hotel."
say whuuut!? nandito rin pala sina Macoy, Mong, Ariel at Calde! OMG!!!! "I also heard about Divine Mercy Shrine. pwede ba tayong pumunta dun ngayon?"
goooosh! niyayaya niya ako sa Divine Mercy Shrine! seryosong lugar! may chaaaance! HAHA! "aww oo ba! total, malapit lang naman yan from here eh. eh kailan mo ba planong pumunta?" ayyyeeee! "kung pwede sana, ngayon na?"
agad-agad!? Miggy ha! ikaw na! haha! chos! "ah oh sige! magbibihis lang ako!" nahihiya ko pa ang sinabi. "uhm, okay. I'll wait for you." with all the smile in the world! pero ayo ko namang mag collapse right on his front noh! HAHA!
just 10 minutes after at lumabas na ako sa kwarto at wala nang maraming ka-ek-ekan, gora na kami sa Divine Mercy Shrine!
haaaaaay! magkasama kami ni Miggy sa isang napakaganda't tahimik na lugar! we prayed together and he got his cam to take some photos of us together! I wonder if i-a-upload niya sa instagram? ASA! haha!
tapos di ko namamalayang while we are walking, he started to hold my hand and freeeeeeeze! I GOT FROZEN! anyareh!? anong gagawin ko!? shemaaaay! LOOOOORD! eto na ba yun!? HAHAHA!
"bitiwan mo nga ang kamay ko!" suuuus! as if di ko gusto ang ginagawa niya! LOL! "bakit?" Miggy! tinatanong pa ba yan!? enebeeeeeh! "ano ka ba! baka isipin ng mga tao dito, tayo!" rrrrroooow! HAHA! "eh pano kung ayoko?"
letche ka Miggy! pinapakilig mo ako! halikan kita diyan eh! bwahahaha! but of course! I had to look like takang taka and not kinikilig! "HA!?" so kunwari nga takang taka lang ako sa ginawa niya...
and we ended up up just smiling ...Thank you LORD for this day! :)