PART TWO: HER WISH

97 0 2
                                        

Apat na taon na.

Apat na taon na ang lumipas ng muli na namang nasira ang buhay ko.

Iisang tao ang dahilan.

Ang tatay ko.

Apat na taon na ng gawin ko ang isang bagay na nagpaguho ng mundo ko.

Hindi ko man gusto.

Pero kailangan kong gawin.

Matapos kong marinig ang sigaw ng mama ni Elis tungkol sa ginawa ng papa ko at ang kagustuhan nito na paghiwalayin kami ng araw na iyon.

Parang nasira ang lahat ng pinapangarap ko para sa amin ni Elis kaya naman pumunta ako sa isang bar nun.

Nag-inom ako ng nag-inom.

Alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Elis para makita ako ng mga oras na iyon dahil narinig ko ang bawat pag-mamakaawa niya.

Pero dahil ayoko nang masira pa ang buhay niya. Ako na mismo ang tatapos ng lahat.

Tinawagan ko ang katulong namin sa bahay kung nandoon si mama. Sinabi nito na wala kahit ang kapatid ko. Sinabi ko sa kanya na sa oras ng pag uwi ko ay may kasama kong babae at pag dumating si Elis sa bahay sinabi ko na hayaan niyang pumasok ito.

Dahil ang balak ko nun ay ang makita niya kaming naghahalikan lang pero nalasing ako ng sobra at hindi iyon ang nangyari.

Kinabukasan ko nalang nalaman ang kagaguhan kong nagawa.

Gustuhin ko man puntahan si Elis ay hindi ko na nagawa pa dahil hindi ko na kayang iharap pa ang sarili ko sa kanya.

Hanggang sa hindi ko na siya nakita pa.

Sa school.

Sa bahay nila.

Wala na siya.

Sa loob ng apat na taon.

Sinubukan ko ang lahat para macontact siya pati ang kuya niya.

Pero wala na talaga.

Sa loob din ng apat na taon na iyon ay naikulong na din si Papa dahil nga sa pagkakapatay nito kay Mr. Ford.

Ang tatay ni Elis.

-
Nalaman kong drug pusher pala ang tatay ko at ginagamit niya ang posisyon niyang pagiging pulis para maitago ito.

Nalaman ito ni Mr. Ford kaya naman agad siyang pinatay ni Papa.

Nalaman kong naging masakit talaga iyon sa mama ni Elis dahil si Papa din pala ang humawak mismo ng kasong pagkakapatay sa tatay ni Elis na siya mismo ang may gawa.

Nang bago maikulong si Papa akala ko makikita ko ang pamilyang Ford lalo na si Elis pero nag-utos lang sila ng isang abugado.

Walang araw ang lumipas na hindi ako pumunta sa bahay nila Elis.

Nagbabakasali na makikita ko siya.

Na bumalik na siya.

Pero masakit isipin na hanggang ngayon walang Elis ang nagpakita.

"ATTENTION!" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Farley.

Agad nag-tipon tipon ang team ng basketball na kinabibilangan ko sa pagtawag ni Farley.

"Guys! May gusto akong ipakilala sa inyo. Siya ang magiging new trainer niyo." Sigaw ni Farley ksabay ang paglabas mula sa likod niya ng isang babae.

Isang babaeng may mahaba at kulay pulang buhok.

Nagbago man ang kulay ng buhok niya. Alam kong siya iyon.

My WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon