2nd Day Of Heartbeats----Part 4

11 0 0
                                    

Ika’s pov

DUB ! DUG ! DUB ! DUG ! DUB ! DUG.

Napahawak ako sa dibdib ko ang lakas ng tibok ng puso ko pero this time dahil na sa sakit.

Nagsimula na siyang magstrum sa gitara. Naiinlove ako lalo habang tumitingin ako sakanya kaya pinikit ko ang mga mata ko….para magpigil ng sakit.

 (a/n: play the song ----------> love at first sight by lester giri)

Nung unang Makita,

di namalayan ang sarili

 nakatitig pala sayo

Balak lumapit,namamalipit.

Kumakabog pati na rin ang dibdib

Ayan na nagsimula na siyang kumanta. Ang sarap isipin kung ako sana to. Kaso hindi eh kaya pasensiya na lang sa sarili ko.

“Ehem”

Bumalik ako sa katinuan ng nagsalita si jiyo sa harap. Inihinto niya ang pagsstrum ng gitara. Nagtaka ang lahat pati na rin ako pero nagsalita agad siya.

“Diba sabi ko naman po sainyo eto na yung chance para umamin. Medyo korni man tong gagawin ko pero ayos lang. unang kita ko pa lang sayo ewan ko kung bakit pero may kung ano sayo na dahilan kung bakit napatitig ako,ang awkward pa nga nung una tayong nagkakilala eh. May naramdaman ako na kung ano sa puso ko pero hindi ko alam kung ano yun, di ko akalain na love na pala yun”

Nagstrum na ulit siya ng guitar

Tutuloy pa ba?o aalis na?

palapit ka ng palapit

Sana naman mapansin mo,

 ang puso kong tinamaan sayo

“Alam ko masyadong mabilis ang mga pangyayari pero mahal na kita eh. Ano pa bang magagawa ko?”

Todo pacute na nga ako,

hindi pa rin napapansin

Nais kong malaman mo,

meron akong pagtingin sayo

“Sana naman kasi mahalata mo na,na ikaw talaga ang sadya ko ang dami mo na ngang pictures sa akin eh.”

Di na makatulog sa kakaisip sayo

Woah woah yeah

“Ganito na siguro kita kamahal. To the point na hirap na hirap na kong makatulog. Siguro ikaw din din a makatulog. Ganun daw kasi yun pag may umiisip sayo tuwing gabi. Hindi ka raw makakatulog.”

Nung unang Makita,

di namalayan ang sarili

 nakatitig pala sayo

Balak lumapit,namamalipit.

Kumakabog pati na rin ang dibdib

Tutuloy pa ba?o aalis na?

palapit ka ng palapit

Sana naman mapansin mo,

 ang puso kong tinamaan sayo

Todo pacute na nga ako,

hindi pa rin napapansin

Nais kong malaman mo,

meron akong pagtingin sayo.

Di na makatulog sa kakaisip sayo

Ramdam na ramdam ko na sana yung sweetness ng atmosphere sa buong audi kundi ko lang mahal tong kumakanta. At dahil mahal ko nga siya isa lang ang masasabi ko NABIBITTER AKO.

Ang sakit.. ang sakit sakit….. Hay ganito na lang ba palagi pag nagmamahal ako? Laging sawi, laging nasasaktan. Ganito talaga siguro, sa love kakabit na ng salitang ‘mahal kita’ ang ‘masakit pala’.<///3

Pagkatapos niyang kumanta ay nagpasalamat na siya at nagpalakpakan na ang lahat ng tao sa audi. todo ‘AYIEEEEEH’ ‘TENENEN’ ‘PUSH MO YAN TOL’ ‘SAGUTIN NA YAN’ ang mga sinisigaw nilang lahat.

Hay mga peste wag ganyan, may nasasaktan ditto oh,hello!!

Pagkatapos ng kantahan inaannounce na ang mga nanalo sa mga category,maya-maya na lang daw nila sasabihin kung sino ang nasa top 3.

Karamihan sa mga nasa Filipino team ay pasok sa top 10 kinakabahan tuloy ako. Hhuli pang sasabihin ang news writing at photoj category kaya eto KAMI pala ni sha ang kinakabahan.

“Sa mga news writing at photoj jan papakabahin muna naming kayo ng konti at medyo may inaayos pa sa ranking kaya sa ngayon,iaannounce ko muna ang napiling top3 na maglalaban laban sa talentadong journalist blah blah blah” di ko na naintindihan yung sinabi niya dahil hindi naman ako interesado at di ako umaasa na isa ako dun.

“Uyyyy” Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng kinalabit ako ni sha. Hindi ko siya pinansin kasi baka inisin lang ako.pero kinalabit niya ulit ako “uyyyy”

“Oh bakit ba?” humarap ako skanya at sinabi yun

“Gaga umakyat ka na kasama ka sa top3!! Di mo ba narinig ang sinabi? Contestant number 7 daw ay broken na nga tanga pa!!” awww masakit hah. Napaka supportive niyang kaibigan grabe.

Lumakad na ko papuntang stage at nagulat ako kasi nakita ko na andun din siya.

“Jiyo…..”

Two Days Of Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon