@2nd Story :D
♦♦♦
Hindi ko ginusto ang lahat, kasalanan ko bang nahulog na lang ako ng tuluyan! Sabi nga sa kanta ni Jolina Magdangal 'Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito'.
Masisisi mo ba ako kung nainlove ako sa BoyFriend ng BestFriend ko na naging BestFriend ko din? OO alam kong maLi. Pinigilan ko ang nararamdaman ko hanggang sa kaya ko pang itago pero sino ang malalapitan ko kung kailangan ko ng Payo? Hindi naman pwede na ang mismong BestFriend ko diba? Hindi pwede.
○○○
♥Andrea♥
"Babe, pupuntahan ko pa si Mommy sa Hospital. Ihatid mo nalang si Andrea ha." sabi ni Helen sa BoyFriend nya na BestFriend namin, si Jeff.
"Sige Babe." humalik muna sa Jeff sa pisngi ni Helen bago kami tuluyang umalis.
Uwian na kasi namin, mga 4th year student kami magkakaklase at magkakatabi nasa gitna namin ni Helen si Jeff, kaya nga kami naging magbestFriends eeh.
Ang galing no? Parang LOVE lang, nasa pagitan din namin si Jeff pero ako lang ang nakakaisip nun dahil di naman nila alam ang nararamdaman ko.
Ayoko sabihin, baka gumulo ang lahat. Mas mabuti ng kimkimin na lang ang lahat wag lang masira ang Relasyon nila at Relasyon naming tatlo.
Pano ko ba pipigilan kung sa bawat galaw ko nakikita, nakakasama at nakakausap ko sya? Kung iiwas at lalayo ako magtataka sila, SIYA . Siguro kailangan ko ng Lumingon sa iba baka kasi mangalay at masaktan na ang leeg ko kakatingin sa kanya habang sya nakalingon din sa isa.
" Drei, tulala ka nanaman. Ano ba kasi yang iniisip mo? Aw, sino pala ?" pukaw sa atensyon ko ni Jeff.
"Tss. Sino mo mukha mo." Inirapan ko nalang sya
Saglit na katahimikan, tanging ang mga Sasakyan lang ang maririnig. Naglalakad kasi kami Walking Distance lang naman sa mga bahay namin yung School eeh .
" Ilang Months nadin pala kami ni Helen no Drei."
Napatingin ako sakanya bigla, pano ba naman kasi nasaktan ako kahit kaunti. Hays. Saya saya no, kasama mo nga yung taong mahal mo pero ang bukambibig nya ay yung taong mahal nya tas ang masaklap pa eh BestFriend mo pa.
Sound Effects please' yung tinatabunan ng Lupa :D
"A-ah. O-oo nga eeh." sabi ko nga hindi tumitingin.
"Selos ka ?"
O__O
Kakagulat na tanong . Ano isasagot ko ? OO ?
" h-ha ? Lul mo naman."
" sus. Namumula ka na jan eeh ! Sinungaling."
Ganon kasi ako pag nagsisinungaling ( na medyo natataranta ) namumula yung mukha.
" Kakaselos kasi may LoveLife ka, kayo ako wala pa." Sorry Jeff di pwedeng umamin. TT_____TT
"asfghjklllllzccbmqwerty iyhkiohkholkhbolihoik" bumulong sya kaso hindi ko narinig.
Tss -__-
" ano ?"
"La"
"k"
♥Jeff♥
" edi sana tayo ang may love life ngayon at hindi si Helen, kung di ka lang kasi Manhid eeh. Napilitan pa tuloy akong BestFriend mo, natin gamitin panakip butas sayo ><" bulong ko. Pero sinigurado ko naman na di nya ako narinig.