3-Akiro

102 6 1
                                    

Nakarating na din ako sa condo.,una kong hinanap si Akiro.,

"Akirooo.,tsu.,tsu"

'Asan naman kaya yung batugang aso'.,Lazy dog, laging tulog.., Hinanap ko na sa buong unit ko pero hindi ko nakita., Inaalala ko kung nailock ko ba yung pintuan., kung nauna pa ba syang nakalabas sa akin, hindi ko lang napansin., Imposibleng naiwan kong bukas yung pinto kasi dumating ako from school., naka lock pa din.,

'Yun na nga lang kasama ko dito mawawala pa.,' naupo muna ako sa couch ng makaramdam ako ng pagod., Daming nangyari ngayon araw na 'to., mamaya ko na lang hahanapin si Akiro., kung nadampot naman ng mga guard yun.,sure akong ilalagay naman nila sa isang cage.,

DING-DONG

DING-DONG

DING-DONG

Napabalikwas ako ng tayo.,nakatulog na pala ako dito ng hindi pa nakain.,pagtingin ko sa wall clock.,8pm na., napahaba pala yung tulog ko. Naglakad na ako papunta sa pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.,

"Good evening sir., sa inyo po ba 'tong aso na ito?"

Pagbukas ko., nakita ko agad yung security guard ng building., na hawak si akiro.,

"Opo akin po yang aso na yan., pasensya na manong kung hindi ko agad nakuha sa inyo ang alaga ko" agad nya din inabot sa akin si akiro.,

"Ok lang sir., next time check nyo na lang po muna kung andyan sya sa loob bago po kayo umalis., mahirap na rin kung may ibang makapulot.," paalala nya

"Salamat po., sige po next time yun ang gagawin ko na" pasasalamat ko bago umalis si manong guard.

"Ikaw naman akiro,.wag kang basta basta naalis dito.,mamaya nyan ibenta ka at gawing asusena., mawawalan ako ng kasama"

"aawww-aaaaaawwww" sumagot pa parang maintidahan ko naman siya.

"Dito ka lang.., lalabas lang ako.,bibili ng makakain"

Baka isipin nyo baliw ako., natural lang kausapin ang hayop., wag ka nga lang maghintay ng words from them.,baka tumakbo ka palayo.,

Lumabas muna ako saglit sa unit ko.,nakaramdam na kasi ako ng gutom., may pag kain naman akong stock..lahat yun panay instant., bumaba na ako at nagtungo sa isang convenient store malapit dito sa building., bumili lang ako 3 hotdog sandwich., dalawa sa akin isa naman kay akiro.,

 Laging ganto takbo ng buhay ko araw araw., simula nang umalis ako sa bahay namin., mas gusto ko muna yung ganito.,gusto kong mahanap ang sarili ko.,Basta sa ngayon masaya ako kung anong takbo ng buhay ko.,

-----

"Daryle!!" Napalingon kung sino ang tumawag sa akin., Dahil hindi naman akong sanay na may natawag.,

"Hi Nicole.," I greeted her ng makalapit na sya.,

"Sabi na nga bang ikaw yan'., nag breakfast kana ba?., kung hindi pa pwede ba ulit akong sumabay., hindi pa kasi ako nakakain kanina bago umalis.,"

"Oo naman.," Sabay na kaming naglakad papuntangg canteen., nang makasalubong namin si Jack., Tumingin lang siya sa akin ng masama., Dumeretso na lang kami ng lakad ni Nicole.,

"Una kana dun sa table., ako na lang mag order ng food., treat ko na din"

"Wag na nakakahiya naman sa'yo., dalawa na lang tayong magorder.,"

Sabay na kaming pumila para bumili ng breakfast namin.,

"Nicole bakit mo nga pala naisipan na sumabay sa akin kumain ng almusal?"

"Bakit ayaw mo.,? Ayaw mo nung gaganahan kang kumain kasi kaharap mo ako hehe., joke lang"

"Hahaha joker ka rin pala., pero tama ka gaganahan nga akong kumain  kasi kasabay kita"

BRRIIIZZZZ-BRRIIIZZZZ

Naramdaman kong nag vibrate ang phone sa bulsa ko., tingnan ko kung sino yung tumatawag.,

'Ano naman problema? Bakit natawag 'to'

"Nicole excuse lang ha.," senyas ko sa kanya na sasagutin ko lang yung tawag.,

Tumango na lang din siya,. at sumenyas na siya na magooder at umuna na ako sa table.,

"Hello.,"

[I'm here., where are you]

"Anong 'im here' bakit asas ka ba? at andito ako sa school"

[Nandito nga ako sa school., sa school na pinapasukan mo.]

"AANNOOOO??!!" [O___O] 'Anong ginagawa nya dito?'

[Dito na ako papasok para makasama ka]

"Paano mo naman nalaman na dito ako napasok? sino ang nagsabi sa'yo?"

 [Your Mom]

"Bahala ka.,sige na" Asar na paalam ko., Agad ko din binaba yung phone ko ng makita kong palapit na si Nicole

Agad ko naman tinanggal sa tray yung mga pagkain namin., 

"Thank you ha., nakakahiya naman kasi ikaw pa umorder., kung ok lang sa'yo sabay tayong mag lunch mamaya., libre ko.," Alok ko sa kanya.,

"Sige., para may kasabay ako.,"

"Bakit wala ba yung mga kaibigan mo?" takang tanong ko.,

"Wala., kadalasan mga classmates ko lang kasabay kong kumain., wala din akong masyadong kaibigan dito sa campus., karamihan kasi sa kanila...., alam mo yun"

Lalo naman akong natutuwa sa kanya., Karamihan kasi sa babaeng studyante dito mga maarte., dahil nga mga anak mayayaman., pero iba si Nicole., simpleng babae lang., walang make up., kaya naman litaw na litaw ang natural nyang ganda.,

*****

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Mr. Ugly... For Real? [SUD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon