Meet Again

838 16 13
                                    

Karylle POV

“Manang san mo ba kasi nabitawan si Princess”

“Maam nasa likod ko lang po siya sabi ko naman po wag siyang lalayo”-manang

“Prince dito ka muna kay manang ah” inabot ko naman si Prince kay manang “Manang wag na lang kayong aalis dito baka hindi pa nakakalayo si Princess”

Habang nag lalakad ako para hanapin si Princess ay agad naman ako napahinto at pinanood ko lang ang  isang batang babae at lalaking naka luhod sa harap ni Princess. Hindi ko alam ang gagawin ko parang may part sa loob ko na agawin si Princess at meron din naman part na gustong gusto ko siyang yakapin How I miss him. Nag pasya na akong lapitan sila.

“Princess”

“MommY”agad naman tumakbo si princess at binuhat ko naman siya

“Karylle” lumapit naman si Vice samin

“Hey kamusta ka?” hindi ko naman ginawang awkward ang pag kakausap ko sakanya

“Im fine Anak mo?” at tinuro niya si Princess

“Yeah si Princess”

“Mommy kamukha niya si Prince”  sabi naman ni Princess

Shhh..Say hi to tito Vice”

“Hi tito im princess karylle tatlonghari” sabay kaway naman ni princess

“Hello baby ” sabay smile niya kay princess ewan ko ba pero namiss ko yung smile ni Vice “How old are you princess?”

“Im 3 yrs. Old” pinakita niya pa sa daliri niya yung 3 “Pero malapit na po ako mag 4” ang daldal talaga ni princess hays

“Ahh ganun ba ang cute cute mo naman kamukha mo ang mommy mo” at napatingin naman ako kay Vice nakatingin din sakin hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko dahil nag kita ang mag ama ko. Nagugulat parin ako sa nangyari.

Thanks po” kinikilig naman na sabi ni princess

“Vice mauna na kami mag gagabi na kasi” tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso kaya naman napaharap na ako saknya

“Pwedi ba tayo mag kita ulit? I mean pwedi ba tayong mag usap?” bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko mahal ko si Vice hindi na nawala yun since nung annuled na kami. “Karylle?”

“Sure wait” binaba ko muna si Princess at kinuha ang calling card ko sa wallet ko “here call me”

“Thanks Karylle and ang ganda ng anak mo” anak mo din to Vice maski gusto kong sabihin yun natatakot ako baka kunin niya ang anak ko.

“Say ba-bye to tito Vice Princess”

“GoodBye tito” kumaway naman si princess

“GoodBye baby” at humalik pa ito kay Princess “See you karylle” at ngumiti siya sakin.

Binilisan ko na ang pag lalakad at dumaan na kami kung saan ko iniwan sila prince. Agad agad naman kami umuwi sa bahay namin.

“Princess next time wag ka ng lalayo kay Manang ah Muntikan ka ng mawala” medyo tumaas na ang tono ng boses ko.

“Im sorry mommy promise hindi na po mauulit” at yumuko naman na at mukhang iiyak na.

Agad ko naman siyang niyakap “Shhh don’t  cry”

“Princess your so Kulit kasi” sabat naman ni Prince na naka upo sa sofa at naka tingin lang samin.

“Prince! Stop it Manang paki paliguan na nga po si Prince” yakap yakap ko pa rin si Princess

“I don’t want to take a bath mom” sabi naman ni prince na naka kunot ang noo

“prince you need to take a bath amoy pawis kana” binuhat ko naman si princess at tumabi kay Prince.

“Halika na prince” sabi naman ni Manang

“I don’t like” matigas na sabi ni prince “I want you mommy” at tumingin naman siya sakin.

“Wait” hinawakan ko naman siya sa noo at hinarap ko na si Princess

“Im sorry again mommy” at yumakap ulit siya sakin

“Hey princess your not a baby anymore don’t act like a baby”sabi naman ni Prince na umirap pa hays nag seselos nanaman to

“Mommy inaaway nanamn ako ni Prince” sabi naman ni princess at humigpit ang yakap.

“Manang pakitulungan na nga lang ako ang ku-kulit ng mga bata”

“Sige po maam ang cute cute nga po nila maam ang cute cute niyo pong tignan”  sabi naman ni manang na lumapit na samin at kinuha si princess.

“Lets go Prince” humawak naman si Prince sa kamay ko at umakyat na kami sa kwarto at pinaliguan ko na. Habang binibihisan ko siya. “Baby Prince your still my baby “

“But mom Im a big boy” at nag pouts pa siya at sinuot ko na ang pajama niya.

“No your still my baby” at sinunod ko naman ang tshirt niya

“Mommy ?” at hinawakan niya ang mukha ko

“Yes?”

“Mommy bakit nasa heaven na si Daddy?” nag simula nanaman siyang mag tanong about sa daddy niya.

“Baby sasabihin ko na sayo kung big boy kana ah” at hinalikan ko siya sa pisnge

“But im a big boy now” nag kunot nanaman ang noo niya.

Sabi ko nga sayo Baby kapa diba. Sige na lets go paliliguan ko pa si Princess” at bumaba na kami hindi ko alam kong handa na akong sabihin sakanila ang totoo na hindi naman talaga patay ang daddy nila at sa katunayan andito na siya sa Cebu. Nang maka baba kami ay kinuha ko naman si Princess kay manang na nanood ng TV pinaliguan ko na din ito at after ay nag dinner na kami.

Binabasahan ko na ng fairytale ang kambal sa kwarto nila pinag patuloy ko lang yun hindi ko natapos kahapon. Nang alam kong nakatulog na sila ay hinalikan ko na sila sa noo at pumunta na s kwarto ko sa kabila magkatabi lang ang kwarto namin. Naligo ako at nag palit na ng pangtulog hindi ako makatulog kaya naman naisip ko munang tumayo sa balkonahe.

Pumikit ako at naalala ko nanaman ang mukha niya kanina na mimiss ko ang boses niya parang hanagang ngayon naririnig ko parin ang boses niya. Napaisip ako paano kaya kung hindi kami nag hiwalay.ano kaya ang mangyayari samin? Masaya naman na ako kasi may kambal na ako. Naputol ang pag iisip ko ng biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko to sa ibabaw ng mesa at tinignan ko kung sino ang tumatawag pero UNKNOWN NUMBER kaya sinagot ko na din.

“Hello Karylle” sabi ng sa kabilang linya kilala ko ang boses na yun.

“Vice”

~~~~~~~~~

Sorry ngayon lang naka Update pero medyo hinabaan ko naman yung itong chapter na ito pang bawi lang thanks po sa mga patuloy na nag babasa 2K read na eh salamat po :))

@143sarahkate

@143ViceKarylle 

Tanging Mahal (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon