Kasaysayan ng Pambansang Awit
Kasaysayan ng Pambansang Awit
•Hunyo 5, 1898 kinomisyon ni Emilio Aguinaldo sa si Julian Felipe, isang kilalang pyanista at kompositor na taga-Cavite na lumikha ng isang martsa upang mapagkaisa ang damdamin ng mga Pilipino sa paglaban sa mga mananakop na Kastila.
•Pinamagatan ni Julian Felipe ang kanyang nalikhang martsa na Marcha Filipino Magdalo.
•Hunyo 11, 1898 - itinanghal ni Felipe ang musika sa harap ni Aguinaldo at sa mga tinyente nito.
•Hunyo 12, 1898, unang tinugtog sa saliw ng bandang San Francisco de Malabon
•Jose Palma- isang kawal na naglapat ng titik sa martsa na hango sa kanyang tula na Filipinas
•1920 - isinalin nina Camilo Osias at Mary A. Lane sa wikang Ingles.
•1940 - nagkaroon ng maraming salin sa Filipino/Tagalog ngunit ang pinakapopular ay ang salin nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo ("O Sintang Lupa")
•1943 -Sa ilalim ni dating Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang titik ng pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino. "National Ideal" ang naging pamagat nito sa Ingles at "Diwang Bayan" naman sa Pilipino.
•Noong Mayo 26, 1956 unang inawit sa katutubong wika na Tagalog ang pambansang awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang
•1962 - pagbabago sa liriko at ang bersyong ginagamit hanggang sa kasalukuyan
😄😄😄😄😄😄😄😄😄
Kasaysayan ng Watawat ng Pilipinas
Kasaysayan ng Watawat ng Pilipinas
Emilio Aguinaldo – nagdesinyo ng watawat ng Pilipinas
Hongkong – sa bansang ito ginawa nina Marcela at Lorenza Agoncillo, at
Delfina Herbosa de Natividad (pamangkin ni Jose Rizal)
May 28 1898 – unang ginamit ang pambansang watawat ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898 – iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
Puting tatsulok - sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib
ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon.-pagkakapantay-pantay at kapatiran
Asul - kalayaan, katotohanan, at katarungan;
Pula - kabayanihan at kagitingan
Tatlong bituin – Luzon, Visayas (Panay) at Mindanao
Walong sinag ng araw - sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas.Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat
•Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay.
•Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak.
•Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club, casino at ibang lugar ng pasugalan.•Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme.
•Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat.
•Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda.
•Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Filipino.
