Ay Mahal Ko--! [OneShot]

32.6K 612 102
                                    

Dedicated sa kanya dahil ang gaganda ng mga one shots niya lalo na yung "Uy! pakopya!" More power sa inyo! *O* Must read talaga.

----------------------------------------------------------------------

"Ay tae!" Nagulat ako nang may sumundot sa tagiliran ko habang naglalakad papuntang school.

Napalingon ako sa likod ko.

"Makatae ka naman. Sa itsura kong ito?" Sabi niya habang gwapong gwapo siyang hinahawakan ang baba niya.

Leche. Nakalapit pa ang mukha niya sa mukha ko.

Kinikilabutan akong lumayo sa kanya.

"Oh talaga? Eh kahit saang anggulo, mukha kang tae eh." Kunwaring namangha at tiningnan ko siya tapos inikutan ko pa.

Napatawa siya sa ginawa ko at ginulo yung buhok ko. "Kaya gusto kita eh."

Napatingin ako sa kanya.

"Oh? Makatingin ka?" Tanong niya.

"Leche ka Ricky Mercado! Yung buhok ko!" sabi ko habang inaayos ito.

Fuuuuu. Buti na lang nakarecover ako sa sinabi niya. Malamang gusto niya lang ako as a friend.

"Haha. Bayaan mo na Jaydee, pangit ka pa rin naman." Sabi niya pa kaya iniwan ko na lang siyang tumatawa doon baka kung ano pa magawa ko sa kanya.

"Uy! Jaydee!" sigaw niya.

Hindi ko na lang pinansin ang tawag niya at dire-diretsong naglakad sa room.

Pumwesto na ako sa upuan ko.

"Oh eto na pala ang aso't pusa." Salubong sakin ng bestfriend kong si Shayne.

"Tsk. Iniwan ako." Sabi nung mokong habang umupo sa tabi ko. Yes, unfortunately katabi ko siya. -__-

"Che!" 

"Hahaha! Nako Ricky hayaan mo na ‘yan, broken hearted kasi." Sabi ni Shayne.

Nakita kong napatingin sa kanya si Ricky. "Kanino?" Tanong nya kaagad.

Parang wala ako sa tabi nila ah? -_-“

Tumingin sa akin si Shayne. "Edi kanino pa ba? Syempre kay --ehehe-he."

Ganyan dapat Shayne, makuha ka sa tingin ko. +___+

"Ha? Sino yung ehehe-he?" 

Ay shunga. Ginaya niya talaga!

Hinarap ko siya. "Heh! Tsismoso!" tumingin naman ako sa muntikan-na-akong-itaksil bestfriend. "At ikaw babae ka, lumayas ka na dito!"

Tumatawang lumayo naman siya pero wala eh ganito bestfriend ko nagsasalita pa...

"Chill JD. Ang puso mo. Ang puso mong nasasaktan~! HAHAHA."

May araw ka rin +____+

"Huy sino ba? Sabihin mo na!" Pangungulit nitong katabi ko.

"Wala ka na doon. At anong pake mo?" Pagtataray ko pa.

"Syempre naman may pake ako." Ngumiti siya. Parang ... may mali yata? "Kaya sabihin mo na. Dali. Bubugbugin ko para sayo."

Napangiti ako ng mapait.

"Hindi mo makakaya ‘yun." Tapos tumingin na lang ako sa gilid ko na bintana.

Ay mahal ko--! [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon