Trip ka pa, Dre? (one shot)

653 26 33
                                    

Pasensya na po kung hindi ako marunong mag-kwento ng ganito. Hindi po kasi ako magaling sa genre na isusulat ko. 

This thing happened last year. My sister's birthday. Marso 3, 2012 Third year ako noon. Nagkaroon ng proyekto samin sa Filipino, alam ko nangyayare ito sa inyo? Right? Noong first quarter filming about Noli Me Tangere, Ganun rin yung nag-second quarter pati fourth year. Pero nang nag-last quarter na ay binago ng teacher namin. Pipili raw ng nasa Batikan (A/n: Batikan, may laman siyang istorya na related sa filipino tapos sasagutan mo. Ganun!) 

Dahil common na ang sa Pula sa pute, inerase namin 'yon sa listahan. Merong istorya roon na nagpukaw ng atensyon ng lider namin yung Himala... Yung pinagbidahan ni Nora Aunor. Natatawa nga kaming mga members kung bakit yan pa ang napili.

"Walang himala!" Sabi ko. Sabay gaya sa gesture ni ate Gay. 

"Oo nga ang pangit kaya! Pffft--" Pagrereklamo ng classmate ko si Grace.

"Wala rin naman kayo magagawa. 'Yan lang rin ang magandang gawin. Muka kasing bago."

Kahit nagrereklamo pa rin ang iba ay wala na silang nagawa kasi 'yun na e. Kapag binago namin. Baka magsawa nga ang teacher kasi puro sa pula sa puti, noli me tangere kung anu-ano pa ang meron sa batikan na paulit-ulit lang naman dinidiskusyon.

Sinimulan na namin yung gagawin namin, nakahanda na lahat. Yung script, yung camera, yung costume, yung lugar... Lahat lahat.

Sabi ng lider namin na dapat tapusin ngayong araw kasi marami pa raw project na gagawin.

Eh kami oo na lang. Maganda na rin 'yun para di disturbo sa mga requirements dahil matatapos na rin naman 'yung klase para sa third year.

Pumunta kami ng Citta Roma boundary ata ng Caloocan at Bulacan. Putcha! lahat kami todo reklamo kasi ngayon ko lang nalaman na ang layo ng lugar. Gayong di naman ako layasing tao. Biruin mo mga 3 kilometro ata 'yon.

Malapit na kaming lahat sa Citta Roma ng may napansin daw siya. Huminto kasi kami sa magubat na lugar. 

May napansin daw yung classmate ko na babeng nakaputi mahaba ang buhok. Tapos naglakad daw sa puno. Hindi daw basta lakad ang ginawa kumbaga nakalutang unti yung paa. 'pag deretso niya raw sa puno nawala na. Natakot kaming lahat.

Pero yung isa kong classmate nagtapang-tapangan sinabi niya "Wow ha? Multo tanghaleng tapat."

Bigla na lang kaming natauhan. Tanghale nga naman.

"Baka guni-guni mo lang." Sabi ko.

Hindi na lang namin pinansan yung nakita niya. Dumerecho na lang kami.

Nang nakarating na kami sa pagkalayo-layong lakad ay agad na naming sinimulan ang gagawin dahil Time is gold raw.

Nang nakalahati kami sa ginawa namin at sa iba na ang gagawin nabalakan na namin na umalis na. Tuwang tuwa kami dahil maayos at maganda naman ang pagkakakuha. Mahaba-haba na naman na lakaran.

Pauwi na kami nun ng dumaan kami sa sementeryo... Sementeryo sa Phase 8 ata or phase 7 kunganomanyun.

Yung kaklase ko raw may napansin na naglakad raw sa likod ko na itim na itim tapos maya-maya'y naglaho. Kumbaga tinatangay ng hangin. Ganun raw.

Tangina! nagkaroon ako ng mini-heart attack non. Syempre sa likod ko pa. Nung time na rin 'yon nakaramdam ako ng lamig sa likod ko tapos parang may sinabi bulong na hindi maintindihan.

Hindi ko na lang ulit 'yon pinansin kasi parang di naman kasi kapani-paniwala rin dahil hapon pa non mga 4PM ganun. Dahil nga gutom na gutom kaming lahat sa paglalakad at pag-gawa ng proyekto na 'yon. Umuwi kami sa bahay dahil birthday ng kapatid ko. Nakain kami sa bahay.

Itunuloy nmin yung filming namin sa bahay ng classmate namin na si Albert. Mga ala sais na non.

Nang ako na ang magiging Star, pari ang karakter ko non, diba ang bait? HAHAHAHA.Syempre gagalingan ko.

Nasa labas kasi sila non. Ako lang ang nasa loob. Kumbaga eexit ako sa pinto tapos mag-mamano sila. Kaso paulit-ulit dahil sa katangan ko.

Maya maya'y naisipan kong pagtripan sila. Gabi na rin kasi baka matakot sila. Kaandaran ng aking kapilyohan.

"Psst... psst... psst..."

Paulit-ulit ko 'yon ginawa. Sila naman mukhang tanga natakot ata. Tawa ako ng tawa non ng may narinig ako tumawag rin sakin nanggaling sa lutuan nila. Nasa dining nila ako bale... dining tapos sunod lutuan nila.

Napatingin talaga ako non. Baka kaklase ko pinagtripan rin ako... pero hindi... bata siya nakangiti sakin.. may dugo yung tagiliran niya. Mga 5-6 ata yung bata tansya ko lang. Tapos bigla nagtago yung bata sa gilid nun. Syempre inisip ko baka pinsan ni Albert na bata. Lumapit ako tapos tinignan ko yung gilid non. Kaso sink lang ang nakita ko. Wala bata. Bigla talagang bumilis ang ang tibok ng puso ko non.

Bigla naman nagbukas ang pinto. Mga classmate ko.

"Hoy! ikaw na ah. Ba't nandiyan ka?"

Naiwan akong tulala nung mga oras na 'yon. Pinagpawisan rin ng malamig sa nangyari.

"Albert, sigurado kang kayo lang nakatira dito? May nakita kasi ako."

Nagulat sila... siguro dahil seryoso mukha ko. Ako kasi yung taong kapag nandiyan yung mga classmate ko para akong gag0 kumilos. Pero may limitasyon naman 'yon.

"Bata ba?" sabi niya.

"Oo between 5-6 e."

"Nakikita rin yan ng ate ko rito. Alam ko nagpapakita siya sa mga masasayang tao e. Kumbaga mahilig siyang makipaglaro."

Ewan ko,  nagseryoso agad ako noong mga oras na 'yon para matapos na yung proyekto. Syempre nakakaramdam parin ako ng takot. Sinamahan na ako ng classmate ko non si Grace at si Dexter dalawa kong bestfriend.

"Ikaw kasi... mangtritrip ka rin 'yan tuloy ikaw pinagtripan."

Simula noon. Kapag mangtritrip ako may limitasyon na. Tsaka kapag mangtritrip ako dapat may kasama. Syempre! sariwa pa sakin 'yon. Taena! first time 'yon no. Kung nasa sitwasyon niyo ako noon baka bigla kang bumait. Hahahahaha!

Trip ka pa, Dre? (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon