The first time I loved forever was when you whispered my name.
Naranasan niyo na bang magmahal? Eh yung masaktan? Siguro nga kaakibat ng bawat pagmamahal ay ang sakit lalo na kapag minahal mo talaga yung tao ng buong-buo.
Third year high school ako ng una ko siyang makausap. Pumunta ako sa tagong parte ng school ko para umiyak dahil sa masamang balitang natanggap ko, ayokong kumausap ng kahit sino dahil baka kaawaan lang ako at galit ako sa mundo ng mga panahon na iyon. Masyado akong wasak at sarado ang isip ko sa kahit kanino na kakausap sa akin..
Tahimik lang akong nakayuko habang nahihikbi sa isang sulok ng makaamoy ako ng kung ano na naging dahilan ng pagkalam ng tiyan ko bigla.
"Ang bango naman n'un, amoy masarap," sabi ko sa sarili ko habang sumisinghot-signhot.
"Sukiyaki siguro yung naaamoy mo," napalingon ako sa kaliwa ko kung saan nanggaling yung boses. Nagkatinginan kami at parehas kaming nagulat.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin niya ako sumagot siya ng, "Narinig mo yung sinabi ko?"
"Malamang ang lakas ng pagkakasabi mo. Sino ka nga? Saka bakit ka andito?"
"Ang sungit mo naman, bakit pag-aari mo ba itong lugar na ito? Ikaw lang ba pwedeng tumambay dito?"
"Oo na, oo na! Ako na masungit. Dito ka ba nag-aaral?"
"Nakasuot ako ng uniform ng school na ito. Anong sa tingin mo?" Sagot niya habang hawak-hawak niya yung polo niya. Tinignan ko lang siya ng masama, pilosopo masyado.
"Maganda ka sana kung ngingiti ka." Inirapan ko siya. Pake niya kung nakabusangot mukha ko?
"Huwag ka na masungit, ako nga pala si Maki. Ikaw anong pangalan mo?" Tinignan ko lang siya ng maigi.
"Buti naman naisipan mo ng sagutin yung tanong ko na sino ka. Abigail."
"Ayos pala pangalan mo ah, anong ginagawa mo pala rito Gail?"
"Gail mo mukha mo! Close agad tayo? Huwag ka ngang epal!"
"Ito naman, siyempre sa pagiging FC nagsisimula lahat. Huwag masyado mainit ang ulo mo, Gail."
Kakasabi ko lang na ayoko kumausap ng kahit sino pero hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa Maki na ito. At doon nagsimula ang pagiging close namin ni Maki.
Pumupunta ako sa parte na iyon ng school kapag break time at after class dahil yun lang yung time na nagkikita at nagkakausap kami. At sa tuwing nagkakausap kami, nand'un yung amoy ng sukiyaki.
"Dalawang buwan na tayong nagkakausap pero 'di ko pa alam anong year mo saka section," sabi ko one time kay Maki.
"Ahh, Curie section ko t'as fourth year na ako." Napaiwas ako ng tingin kay Maki. Sa dinami-dami ng pwedeng maging section at year bakit parehas pa kay Kuya?
"Alam ko na surname mo, Maki." Iniba ko na lang ang usapan.
"Talaga? Ano?"
"Maki Baka. Hahaha! Makibaka huwag matakot! Hahaha!"
"Sige, pagbibigyan ko na yung joke mo. Ako naman may tanong sa'yo."
"Ano naman yan?"
"Bakit ka umiiyak n'ung unang beses kitang makausap?" Nagulat ako sa tanong niya bigla.
"Wala ka na d'un."
"Bakit nga?"
"Huwag ka na ngang tsismoso! Masyadong private yun."
BINABASA MO ANG
Sukiyaki [One Shot]
Short StoryYung araw na nakilala kita ng lubusan ay ang araw na ako'y pinakamasaya at pinakamalungkot.