Prologue & Day1:Incomparable Day

34 3 2
                                    

Prologue

Hayh ! kalagitnaan na ng school year pero eto ako wala pa ring thrill ang buhay.

School->Bahay -> School

Lagi lang ganyan ang cycle ng buhay ko.

Pero TAKE NOTE dati lang 'yan ng hindi ko pa s'ya nakikita.  

  Pumasok siya sa buhay ko ng walang pagkatok as in bigla-bigla. Kaya siguro ganun na lang ang nangyari.

Day1: (Incomparable Day)

"uyh ! guys napanood n'yo ba yung G2B kagabi?"

Ayan na naman si Aya sa kaadikan n'ya kay DJP.

"ayh ! oo 'yong pencil case ?"

"ihhhh ! oo ang cute n'ya di ba dun :)))"

Ishh ! ano namang nakakakilig dun sa kinanta ni Daniel?para lang namang

Pencil Case...

Ako ang kilala n'yong 

may Pencil Case

Pencil Case

At nagsuka sa Picture Frame...

  ano namang nakakakilig dun? sige nga ha? alin sa mga salitang iyon? at ipaliwanag n'yo sakin kung bakit.

  Anubayen ! umaandar na naman ang pagkabitter ko. at sa kalagitnaan ng pagbibitter ko ay nagvibrate ang aking phonny/ cell phone.

-~. 

Iya, pumunta ka dito sa rum ko mamayang uwian.

From: utOserO:p

-~.

  Naku, lalo tuloy sumama 'yong araw ko. pero bago ang lahat ako nga pala si Iya. at yang taong nagtext sakin ay si Athan president ng Science Club, at ako,sa kasawiang palad ang naging vice president n'ya.

  Teka nga muna anong oras na ba? tumingin muna ako sa phonny ko kasi wala akong wrist watch hindi kasi ako sanay 'dun ei. nagkakapantal-pantal ang balat ko. ang arte ba masyado? hindi naman slight lang.

  Three-thirty na ng hapon at iyon ang oras ng uwian namin kaso maglilinis muna ako sa room baka mapagalitan pa ako ni ma'am. Tsaka hayaan n'yo ng manigas sa kakaintay 'yong utOserong 'yon dapat lang 'yon sa kanya.

  Pagkatapos kong maglinis ng room nilagay ko na sa tool cabinet namin 'yong walis tambo at dust pan na ginamit ko. tapos nagsakbat na ako ng backpack ko.

  Napasulyap din ako sa salamin namin sa may dingding at naisipan dising tingnan ang aking kahitsurahan kaso..

"wag na nga lang, ayos na naman siguro ang itsura ko, as long as hindi naman ako mukhang panakot sa horror house."

One Week In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon