Day2 :Defensive mucH?

13 4 2
                                    

Day2 : Defensive much?

  Gumising ako ng may mga ngiti sakin mga labi. Hini ko alam , walang basagan ng tip ei sa good vibes ako ei.

 Bumaba na ako sa kwarto ko na nakauniform na. Kakain na lang ako ng breakfast para makapunta na akong school.

"Good morning mama. :)"

"Aba ! aba ! mukhang ansaya saya naten ah ? anong meron at abot tenga ang ngiti mo ? "

"wula laang po. bakit nakakamatay na po bang ngumiti ngayon? :) "

"Ahm ! hindi naman anak. pero pano 'yan? wala pa akong naluluto . Ang agap mo naman kasing nagising ngayon ei."

Ano pa lang bang oras? tumingin ako sa wall clock namin 5:49am pa lang pala.

"Sige mama sa school na lang po ako kakain ng umagahan."

  Hindi ko alam pero alam n'yo 'yong pakiramdam nung bata kayo ? 'yon bang excited na excited kang makapasok sa school. Parang ganun kasi ang nararamdaman ko ngayon.

"Huh? ei baka magutom ka n'yan? Sige dalhin mo na lang 'tong sandwich na inihanda ko para sa papa mo."

"Ei pano naman po si papa?"

"Problema ba 'yan. Ei maya maya pa naman 'yun paalis samantalang ikaw ngayon na.. napakaKARAKARAKA ka naman kasi ei hindi ako sanay na maagap ka."

  Aba ! si mudra Vice Ganda lang ampeg? ano na bang nangyayari sa mga tao ngayon ako na lang ata ang hindi IN sa panahon ngayon.

"Sige po mama aalis na ako."

  Humalik na ako sa pisngi ni mama at dumiretso sa paglalakad. Nang nakalabas na ako ng gate ng bahay namin, napaisip ako.

Hmm ! sumakay kaya ako ng tricycle o maglalakad na lang ako ?

  Naglakad na lang ako papuntang school malapit lang naman ng konti. Tsaka panload ko na din 'yun.

Lakad lang ako ng lakad hanggang nakadalawa na akong kanto.

"Hayh ! mapagod akala ko malapit lang. Pag kasi nakatricycle anlapit lang tingnan. :< "

"pssstt. "

  Sa sobrang pagod ko hindi ko na namalayan na may tumigil pa lang motor sa gilid ko at sinusutsutan ako. Kung hindi pa n'ya ako susundan at kukuhitin hindi ko s'ya mapapansin.

"Bakit ?"

  Hindi ko pa hinaharap 'yung tumatawag sakin kanina at pagharap ko sa tinanong ko parang may biglang bumabang anghel sa sobrang liwanag ng pagkakatingin ko tapos parang agad agad nawala ang pagod na nararamdaman ko kani-kanina lang.

"Bakit agang aga naglalakad ka?"

Iya, magpretend ka muna na hindi ka kinikilig. Mahirap na baka mapansin n'ya agad.

"Wala trip ko lang. bakit may angal ka?"

"Wala naman pero gusto mo bang umangkas sakin? mukha kasing pagod na pagod ka na."

  Ako? Aangkas sa kanya ? YES ? o NO? mamaya nyan kaskasero s'yang magdrive maaksidente pa kami. pero gusto ko umangkas.

ROSALIYA ! safety first.

Linter na safety First 'ta naman iyan ay. :<

"No thanks maglalakad na lang po ako"

"Sabi mo 'yan ha? ikaw bahala. Hayh ! ang init init pa mandin ng sikat ng araw. Sige kitakits na lang sa school."

Hindi pa man s'ya nakakalayo..

"HUYH ! pasabay na pala ako !. "

  Sinigaw ko na agad 'yun sa kanya. Mahirap na baka mamaya nyan magkatotoo yung sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi.

One Week In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon