First time kong magsulat ng one shot story. Gusto ko lang i-try para maiba naman. Lately, mga ganitong kaiksing story na lang ang nababasa ko sa wattpad dahil sa kakulangan ng time. Mabilis kasing basahin at may ending agad. At dahil medyo nainggit ako, kaya ito ang resulta.
Anyway, this is based on a true story... except for the last part.
And Josh... this is for you!
RIGHT NEXT TO YOU
(A Short Story)
Cause I'll be there,
One day and you will be right next to me…
Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing maririnig ko ang kantang ito ay ganon pa rin kalaki ang epekto sa akin. Siguro dahil hanggang ngayon ay umaasa ako na babalik si Josh. At katulad ng kantang ito, isang araw ay makikita ko na lamang siya na nasa tabi ko.
It's been five long years since the last time I saw him. Magmula noon ay hindi na siya nagpakita o nagparamdam man lang sa akin. Kasalanan ko naman kung bakit bigla siyang umalis. Unintensionally, nasaktan ko ang damdamin niya. Kung hindi ko lang sana ako natakot magmahal ulit, kung naging matapang lang sana ako... Sana hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya.
Ang sabi nga nila, mare-realize mo lang daw ang halaga ng isang tao kapag tuluyan siyang nawala sa buhay mo. Hindi lang ako nawalan ng isang kaibigan nang umalis si Josh. Pakiramdam ko kalahati ng puso ko ang tinangay niya na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sa mga taon na nagdaan ay hindi ko magawang magmahal ng iba. Pasaway kasi ang puso ko. Ang hirap turuan!
Hanggang isang araw nakatanggap ako ng tawag sa cellphone mula sa isang anonymous numbers.
"Hello Allie..."
"Josh?"
He's here. He came back. Ngayon ako naniniwala na totoong may himala. And with crossed finger, I'm hoping that this is it. Lord God! Ibalato nyo siya sa akin. Promise, magpapakatotoo na ako sa tunay kong nararamdaman.
Nagkita kami ni Josh sa isang mall nang araw din na iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. I really miss him so much!
"Hey! Umiiyak ka ba?" Panunukso ni Josh nang mapansin ang napapadalas kong pagsinghot.
"Ang kapal mo! Bakit naman kita iiyakan?" Pagkakaila ko. Kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong bumulanghit ng iyak. Siya kasi eh! Pinatagal pa niya ng limang taon bago siya ulit nagpakita sa akin.
"I miss you, Allie!" This time, siya naman ang yumakap sa akin na halos ikapugto ng hininga ko.
"Josh…"
"Hmm..."
"Hindi ako makahinga!"
Imbes na bitiwan ako ay tumawa lang siya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayap sa akin.
Physically, malaki ang pinagbago ni Josh. Hindi na siya ang dating boyish at patpatin na kilala ko. He grown up and turned into a matured man. Pero bumagay sa kanya ang suot niyang eyeglasses na lalong nagpadagdag sa appeal niya. Gayunpaman ay hindi ko maikakaila na siya pa rin ang dating Josh na matakaw at makulit kong best buddy na lagi kong ka-jamming sa mga foodtripings.
"Kamusta na kayo ni Nelson?"
Napatigil ako sa pagkain sa tanong niya na iyon. "Naman! Ang dami mong pwedeng itanong kung bakit siya pa?"
"Okay na ba kayo?"
Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Limang taon na ang nakakaraan nang mag-break kami ng pinsan mo. Magmula noon ay hindi na ulit kami nagkausap. End of the story."
Saka ko lang ulit nakitang ngumiti si Josh. "Akala ko ay nagkabalikan kayo. Iyon kasi ang kuwento sa akin ni Kuya Jeremy."
"Naniwala ka naman sa gunggong mong kapatid! Alam mo naman sa sampung sinabi nun eh dalawangpu ang mali. Oo nga pala..." Tinapik ko ng kutsara ang hawak niyang tinidor. "Saan lupalop ka ba nagpunta at parang bula ka na lang nawala."
Ikinuwento sa akin ni Josh pagpapatransfer nito sa Baguio upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. And right after his graduation ay nagdesisyon siya na magpunta ng Dubai upang doon magtrabaho.
"At natiis mo ako na hindi kontakin sa loob ng limang taon?" May hinanakit na sumbat ko sa kanya.
"Kinontak kita baka akala mo. Pero out of coverage na ang number mo. Pagkatapos nabalitaan ko pa na lumipat kayo ng bahay. Hindi ko alam kung paano at saan kita hahagilapin."
Oo nga pala! Mga limang beses siguro ako na nagpalit ng sim card. At saka nung time na umalis siya, mga ilang buwan lang ay nagpasya ang parents ko na lumipat ng bahay sa mas malayong lugar. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nawalan ako ng communication sa mga common friends namin.
"Bakit ka ba bigla na lang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin?" Lakas loob kong tanong kahit na alam ko na ang dahilan.
For a long moment he was silent. Bahagya tuloy akong kinabahan sa isasagot niya.
"Ikaw kasi!" Parang bata na sagot ni Josh sabay iwas ng tingin.
"Anong ako? Ikaw kaya!"
Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Josh at walang babala na pinisil ako sa ilong bago pa ako makaiwas.
"Josh, ano ba?" Saway ko sa kanya pero mukhang wala siyang balak na bitiwan iyon.
"Ganti ko iyan sa pananakit mo sa akin noon!”
Hindi ako sigurado kung nagbibiro siya . Subalit kahit biro pa iyon ay tinamaan pa rin ako sa sinabi niya. Dahil ang totoo ay kulang pa iyon sa ginawa ko sa kanya dati. Siguro nga ito na tamang pagkakataon para pag-usapan namin ang tungkol sa nakaraan.
"Josh, I think we need to..."
Nagulat na lang ako nang may iabot siyang sobre sa akin. Sa itsura pa lang parang nahuhuluan ko na kung ano ang laman n’yon.
"Ikakasal na ako next month… at gusto ko ay nandoon ka."
Shocked could not describe the way I felt. Kung hindi ko nahawakan ng mahigpit ang kutsarang nasa kamay malamang ay nahulog na iyon sa sahig.
"Huwag kang magugulat kung nandyan ang pangalan mo. Ni-request ko talaga na maging isa ka sa mga bridesmaid,” sabi pa niya.
Huwag magugulat? Nagbibiro ba siya? Sa sinabi pa lang niya na ikakasal siya ay gusto ko nang sumigaw ng ‘WHHHAAAATT?!’
"Huy, Allie! Bakit hindi ka na kumibo dyan?"
Pilit akong ngumiti kahit na gusto kong simangutan siya. "N-nagulat lang ako. Akala ko kasi..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil anumang oras ay baka tuluyan akong bumigay.
"Akala mo ano?" Kunot-noong tanong ni Josh.
"A-akala ko kasi mas mauuna pa akong ikasal sayo. Ang daya mo! Inunahan mo pa ako,” sabi ko sa pinagsiglang tinig at pilit na ngumiti. May pride din naman ako at hindi ako iiyak sa harapan niya.
Tinitigan lang ako ni Josh na parang nanantiya. Pero syempre bakit naman ako magpapahalata na nasasaktan ako. Ayokong guluhin ang isip niya. Ayoko siyang bigyan ng alalahanin. At higit sa lahat ayokong malaman niya na sa limang taon na lumipas ay umasa ako at minahal ko siya.
Kahit anong gawin kong pag-iwas kay Josh ay palagi na lang siyang sumusulpot. Ang sabi niya gusto niya lang daw bumawi sa mga panahon na nawala siya. Pero kung ako ang masusunod mas gugustuhin ko na hindi siya makita. Dahil sa tuwing nariyan siya, para akong unti-unting tino-torture. Kahit anong pilit kong maging masaya para sa kanya ay hindi nawawala ang sakit na nararamdaman ko.
Nang araw na iyon ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Josh. Naisip ko na baka pagod lang siya. Halos araw-araw kasi niyang inaasikaso ang preparasyon ng kanyang nalalapit na kasal. Kung ilang beses kong tinanggihan ang paanyaya niya subalit naging mapilit pa rin siya na lumabas kaming dalawa.
"May problema, Josh?" Nag-aalala kong tanong.
Tumingin lang siya sa akin at hindi kumibo. Ngunit kapansin-pansin ang pagkabalisa sa kanyang mukha.
"Josh?"
"Allie, what if... what if, hindi ko na ituloy ang kasal?"
"Huwag ka nga magbiro ng ganyan!"
Nang muli siyang manahimik ay doon na ako kinabahan.
"Josh..."
"Joke!" Bigla na lang siyang bumulanghit ng tawa sa aking pagkamangha. "Biro lang. Katulad ka pa rin ng dati. Ang bilis mo pa ring utuin!"
"Adik ka talaga!" Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay binatukan na siya. Palagi na lamang niya akong kinu-goodtime.
"But kidding aside, ano kaya ang mangyayari kung mag-back-out ako sa kasal?"
"It's either mapapatay ka ng bride mo o mapapatay ka ng mga kamag-anak niya." Naisip kong sakyan na lang ang tripping niya.
"Hindi naman siguro. Mababait na naman silang lahat."
"Pero kung sa akin mo gagawin iyon, mapapatay talaga kita!"
Muling tumawa si Josh kahit na alam kong pilit lamang iyon.
"Allie, anong gagawin mo kung ikaw ang maging dahilan kung bakit hindi ko itutuloy ang kasal? Anong gagawin mo kung ikaw ang piliin ko kaysa sa kanya?"
"Pipilitin kita na ituloy mo ang kasal. Pipilitin din kita na siya ang piliin mo," walang gatol na sagot ko. Sa umpisa pa lang ay alam ko na ang kauuwian ng pag-uusap naming ito. Hindi ako manhid para hindi malaman ang gusto niyang tumbukin.
"Katulad ka pa rin ng dati.” May lungkot ang mga mata na tumingin sa akin si Josh. “Mas pipiliin mo na masaktan kaysa--"
"Dahil iyon ang tama, Josh!" Agap ko sa sasabihin niya at tumayo na ako. "Umalis na tayo. Gusto ko nang umuwi." Nagpatiuna na ako bago pa siya ulit magkapagsalita.
Kung kaduwagan man ang tawag sa pag-iwas ko, then be it. Wala ng dahilan para ipagpatuloy ang pag-uusap na iyon. Maling-mali at hindi na tama. Bukod sa kinakabahan ako sa mga kinikilos ni Josh, natatakot din ako baka totohanin niya ang sinasabi. Hindi ako papayag at kung kinakailangan na pigilan ko siya ay gagawin ko. Mas pipiliin ko na masaktan ulit kaysa makasakit ng iba at makasira ng isang relasyon.
Iyon na rin ang huli naming pagkikita ni Josh. Dalawang linggo na lang bago ang kasal niya nang mag-back out ako bilang bridesmaid. Sa umpisa pa lang ay ayoko na talagang maging parte ng kasal niya. Napilitan lang ako dahil kaibigan ko siya. Pero sa pagkakataon na ito gustong magpakatotoo sa sarili ko. Nangako naman ako kay Josh na pupunta pa rin ako sa kasal niya. Siguro baka sa reception na lang ako sumipot.
"Allie, please come. I want you to be there. Promise me, please!"
Tinawagan pa ako ni Josh nang umagang iyon sa mismong araw ng kasal niya. Siniguro niya na pupunta ako sa simbahan. Hindi naman ako makatanggi. Bukod sa naka-oo na ako sa kanya ay gusto ko rin naman siyang akita kahit sa huling pagkakataon.
Nagmamadali akong bumaba ng taxi sa pag-aakala na baka nag-uumpisa na ang kasalan. Wala na kasing tao sa labas ng simbahan. Pero ganon na lamang ang pagtataka ko nang wala akong maabutan sa loob. Walang katao-tao maliban sa akin.
Muli kong sinipat ang suot na relo. Tama naman ang oras ng dating ko at saka sigurado ako na ito ang simbahan ng venue ng kasalan.
"Allie!"
Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Josh.
"Stay still. Huwag kang lilingon!"
I frozed. Napahinto ako sa tangkang pagkilos.
"At huwag ka ring magsasalita hanggat hindi ko sinasabi." Pagpapatuloy niya. "Gusto kong makinig ka muna sa lahat ng sasabihin ko."
Sa kabila ng pagtataka at kalituhan ay sinunod ko ang utos niya.
"Siguro nagtataka ka kung bakit wala kang naabutan dito sa simbahan. Ang totoo ay hindi na matutuloy ang kasal namin ni Nadja."
Oh my! Ibig sabihin...
"It's not your fault, Allie. Huwag mong isipin na kasalanan mo. Aaminin ko na noong nagkita tayo ulit, na-realized ko na mahal pa rin kita. Totoong minahal ko si Nadja. Pero mas mahal kita at kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko."
Namalayan ko na lang ang mga luha na naglandas sa mukha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng pagtatapat niya ay may nararamdaman akong kalungkutan. Dahil ba alam kong may nasaktan akong tao kahit na hindi ko sinasadya?
"Maniwala ka... sinubukan kong paglabanan ang nararamdaman ko para sayo. Ayokong maging unfair kay Nadja. Lalo na sayo. Pero kahit anong pigil ko sa sarili ko, sa bandang huli ay ikaw pa rin ang hinahanap ko. Ikaw ang gusto kong laging nakikita. Ikaw lang ang gusto kong makausap. Ikaw lang gusto kong makasama."
"Josh... stop it! This is not right..."
"I'm not finish yet, Allie…”
But he can't stop me anymore. Mabilis akong pumihit paharap sa kanya.
"I can't just stand here and shut my mouth. Lalo na ngayong alam ko na mayroon akong naagrabyadong tao. Ngayon pa lang kinakain na ako ng konsensya ko, Josh."
"Allie, wala kang kasalanan."
"Ako ang dahilan kung bakit nagbago ang isip mo!"
"Pero si Nadja ang nag-back out sa kasal namin."
"Oh!" Ang tanging nasabi ko.
"One week ago, she told me that she can't marry me. She rather choose to let me go than see me unhappy with her. Kung paano niya nalaman ang tungkol sa'yo ay hindi ko alam. But I'm thankful that she understands me."
"N-nasaan si Nadja ngayon?" Tanong ko pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik. Tila hindi pa rin mag-sink in sa isipan ko ang mga sinasabi niya.
"She went home in Davao yesterday. Ang sabi niya, kung hindi mo raw ako bibigyan ng chance mapipilitan daw siyang bumalik para bawiin ako."
"Aray!" Bigla ko siyang hinampas sa balikat sa kanyang pagkamangha. "Para saan iyon?"
"Nakakainis ka!" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay napaiyak na ako. "Nakakarami ka na. Ilang beses mo na akong pinaiiyak. Now, I hate you!"
Nangingiti na kinabig ako ni Josh at mabilis na niyakap. "Don't hate me, Allie. I promise, this is the last time that I will make you cry. Ssshh... please don't cry. Alam mo bang pumapanget ka kapag umiiyak ka."
Ngunit imbes na mapikon ay natawa na lang ako sa sinabi niya. Maybe this is one of the reason kung bakit minahal ko ang gunggong na ito!
"Allie... will you marry me?"
Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Agad-agad?"
"Alangan naman na pakawalan pa kita!”
“P-pero…”
“ I've been looking all my life for someone like you. Now that you're here, I realized mali pala! Dapat hindi kita hinintay. Sana hinanap kita. Noon pa sana, ganito na ako kasaya." His eyes dark and filled with love and passion. It warmed my heart that I was speechless for a moment.
"Well?" Naghihintay si Josh sa isasagot ko.
"Sigurado ka? Baka naman nabibigla ka lang."
He rolled his eyes. "The moment I saw your face again, siguradong-sigurado ako na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay."
"Eh bakit binalak mo pang ituloy ang kasal nyo ni--"
"Ang dami mo pang sinasabi. Why don't you just say yes?"
"Y-yes."
And he claimed my surprised mouth to sealed our love.
The End.