Last Love Song (Part One)

282 12 3
                                    

A/N: Para sa katuparan ng lovestory nila Jodie Anne at Gustavo Simon ♥ ♥ ♥

I dedicated this story to @GreatPretender04 sorry kung sobrang na-delay na ang lovestory mo.

LAST LOVE SONG
(A short story)

PART ONE

Napahinto ako sa paghakbang nang matanaw ang mga bagaheng nakahilera sa pintuan ng amin bahay. Kasabay ng pagkunot ng noo ay ang pagbangon ng kakaibang kaba sa akin dibdib.

"Jodie!" Tawag ni Lola Soledad na humahangos na sumalubong sa akin. "Halika at may bisita tayong dumating!"

Bisita? Bago pa ako makahuma ay isang pamilyar na tinig ng lalaki ang tumawag sa akin.

"Jad!"

No way! Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganoon pangalan. Pag-angat ko ng mukha ay isang matangkad na lalaki ang humahangos na lumabas ng pinto at agad akong sinalubong ng yakap.

"oh god! I miss you so much!"

I was momentarily stunned that I couldn't react. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya, lalung-lalo na ang makita siya.

"What? Titigan mo na lang ba ako?" He said as he finally let go of me. "It's me, Simon! Huwag mong sabihin na hindi mo na ako naaalala?"

"Of course not. How can she forget you?" Si Lola Soledad ang sumagot para sa akin.

"Welcome back!"

Isang pilit na ngiti ang isinukli ko sa bagong dating at saka humakbang papasok ng kabahayan. Dire-diretso ako sa sariling silid at saka nag-dive padapa sa ibabaw ng kama. Nahiling ko na sana ay hindi na muna ako umuwi ng bahay. Na sana ay tinanggap ko na lang ang imbitasyon ni Mike. Kung alam ko lang na darating siya at muling magbabalik sana ay kahit papaano ay naihanda ko ang sarili ko. Dahil kasabay ng pagbangon ng kirot at sakit sa akin dibdib ay ang pagbalik ng mga alaala na inakala kong naibaon ko na sa limot.

Summer of 2012.

Na-freeze ang kamay ko sa ibabaw ng piano nang maramdaman na tila mayroong mga matang nakamasid sa akin. Paglingon ko ay ay isang binatilyo ang nakita kong nakatayo sa bungad ng pintuan. Para itong estatwa na itinulos sa kinatatayuan habang namamangha na nakatitig sa akin.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Naiinis kong sita dahil hindi lang siya nakaistorbo kundi in-invade niya rin ang privacy ko. "Ang sabi ko sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay namin?"

"K-Kanina pa ako tumatawag sa labas. Nakabukas ang gate ninyo kaya pumasok na ako," aniya na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Jodie, sino na naman ba iyan inaaway mo?" Lumabas mula sa komedor si Lola Soledad at nagulat pa siya sa nakita. "Simon, dumating ka na pala! Kanina ka pa ba? Pasensiya ka na kung hindi ko namalayan ang pagdating mo." Tuwang-tuwa na sinalubong niya ang binata. "

"Okay lang po."

"Jodie, ipasok mo ang mga bagahe ng bisita natin. Dali!"

Atubili na sumunod ako kahit na naguguluhan sa nangyayari. Naipasok ko na ang kahuli-hulihan na traveling bag nang bigla akong hilahin ni Lola Soledad at ipinakilala sa akin ang bagong dating na bisita.

"Jodie, ito nga pala ang Kuya Simon mo."

"Hi, Jodie. I'm pleased to finally meet my little sister." Akmang yayakapin ako nito subalit agad akong napaatras.

"Sandali lang. Kuya? Little sister? Lola, anong ibig sabihin nito?"

"Hindi mo ba naaalala? Siya ang stepbrother mo na sa picture mo lang madalas na nakikita."

Short Story CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon