♡♥♡2nd Chapter With You..♡♥♡
"Ouch! Dahan-dahan!." Nandito kami ngayon sa loob ng kotse, ginagamot ni Dr.Guel 'kuno' yung sugat ko sa tuhod -__-
"Ehh sino ba naman kasing may sabi sayong habulin mo yung butterfly?" Tanong niya habang nililinis ang sugat ko.
"Ang ganda kasi eh. Atsaka hindi naman mangyayaring makikita ko yun kung hindi ka basta-basta nawala. Hindi manlang nag-paalam." I pout.
"Psh. Sige na, sorry na. Ako na ang may kasalanan."
Oh? Biglang bumait? Sige, samantalahin. Madalang lang yan.
"Ikaw naman talaga eh" :P
"Wait lang.." Tumayo siya.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Saglit lang.. baka may makita ka nanamang butterfly nyan? Nagpaalam na ako sayo baka sisihin mo nanaman ako pagnapahamak ka ulit."
"Tss." yun nalang ang nasabi ko. Saan ba kasi pupunta yun. tsk.
After a minute, bumalik na din siya agad. Pero may dala na siya...
"Flowers for you."
Then he smiled.
"For me?"
"No, for you." He said na parang naaasar.
Ang moody naman nitong lalaking 'to.
Kinuha ko na yung bouquet. Color blue 'to tapos maliliit yung flowers niya.. ang itsura nito ay parang sampaguita. Ngayon lang ako nakakita ng ganto aah.
Atsaka bakit niya ako binigyan ng bulaklak? Manliligaw ba siya?
"Walang ibig sabihin yan. Hindi porque't binigyan kita ng bulaklak may gusto na ako sayo.."
Napaka-pranka talaga ng lalaking 'to. May feelings din ako na dapat ingatan at galangin pero wala yata sa vocabulary niya ang pagiging 'gentleman'
Masama bang magkagusto ako sa kanya? Siguro nga.. kasi hindi naman niya ako gusto.
"So bakit mo ako binigyan ng bulaklak?"
"Kasi mukha ka lang talagang puntod."
"ANOOO?" Walangya talaga 'to.
"Wala kang karapatan para paulitin ang sinabi ko." He imitated me and my tone... remember sinabi ko sa kanya yun kanina?
"BAKLA KA! Lumayas ka nga sa harapan ko."
"Ayoko nga. Mamimiss mo ako eeh."
"Hindi aah. Kahit kailan. Baka ikaw ang maka-miss sa akin. If I know, may lihim kang pagnanasa sa akin." Pang-aasar ko.
Tumawa siya ng malakas. "Ako?" Sabay turo sa sarili. "BALIW lang ang magkakagusto sayo."
"Ganun baliw lang? -_- "
"Oo."
"Kung patayin kaya kita. Isilid sa drum tapos balutan ng semento at itapon sa ilalim ng dagat?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Wag kang ganyan. Edi mamamatay ang kaisaisahang BALIW na may GUSTO sayo?"
LOADING...
20%
40%
80%
98%
CONNECTION TERMINATED.
Tumigil bigla ang pag-process ng utak ko. Hindi ko ma-digest ang sinabi niya.
"A-Ano?"
"Wala, sabi ko ang slow mo." Tapos pinitik nanaman niya ako sa noo.
Naku! >_< ISA PA, MAKAKATIKIM NA SA AKIN ANG MOKONG NA 'TO.
"Ma'am naayos ko na po yung makina ng kotse!" Sigaw ni manong na nasa labas. Pumasok na siya at pinatakbo na ang kotse.
Hayy. Salamat. Anong oras na ba?
4:30pm.

BINABASA MO ANG
4 Chapters With You...
Teen FictionWho could have thought that I will met the person that I will love in the last 4 chapters of my life? This is my story and the story of our tragic love..