Chapter 3: Foodscxz! ^_^

7 0 0
                                    

Nath's POV

Hayyyy! Maganda pako sa umaga! :D Maaga akong nagising ngayon, ewan ko kung bakit e. Haha! Parang gusto kong gumala? Haha. Exciting. Matawagan nga si Bes! Mwehehe.

*Ring...ring..ring..toot.. toot* Halla namatay. Yaan na nga, punta na lang ako mamaya sa condo niya. Yes! Alam namin ang passcode ng condo ng isa't isa.

Bianca's POV

*Ring...ring..ring- Tangina! Kinuha ko yung cp ko at hinagis sa kung saan. Muntik na akong mahulog sa kama ko. Istorbo! Kung sino man yun. Trinay ko ulit matulog pero di na ako makatulog.

"Biancaaaaa!" Sigaw ni Nath habang tumatakbo papunta sa kama ko. Ang aga aga, ang ingay! -.-

"Ang aga aga nag-iingay ka" reklamo ko.

"Tinawagan kita kanina e, di mo sinagot" sabi niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Hinayupak ka! Ikaw pala yung istorbo sa pagtulog ko!" Bulyaw ko sa kanya sabay hinagis ang mga Minion kong unan sa pag mumukha niya.

"Wahhhh! Sorry na bes! Gusto ko lang namang gumala e" with matching pout pa.

"Kadiri ka" sabi ko sa kanya sabay tayo at pumunta ng CR.

"Gala tayo hah?" Puppy eyes niyang sabi habang nasa may pinto ng CR.

"Oo na" irap ko sa kanya.

"Yeyyyy! I love you na talaga bes" sabay yakap sakin.

Lumabas nako ng CR at nakabuntot pa rin si Bes sakin. Naalala ko yung sinabi ni JV.

"Anyway, Jerald said that we will meet him in the mall and we're gonna go at his condo" sabi ko na naghahanap ng makakain sa ref.

"Really? What we're gonna do in his condo?" Malapad na ngiting sabi niya.

"He said, he will cook for us" sabi ko.

"Eyyy! Mwehehe sige sige" tuwang tuwa na sabi niya. Tinignan ko naman siya at nakatingin siya sakin ng nakakaloko.

"Ikaw bes hah! Di mo sinabi sakin na nakatext mo na pala siya" sabi niya habang kinikiliti ako.

"Umayos ka nga! Tsaka nagtanong ka ba? Hindi naman di ba?" Sabi ko sa kanya.

"E basta! Excited na ako mamaya! Sabi niya.

Nakahanap na ako ng lulutuin ko ngayon. Ham and hotdog lang! ^_^

"Uyy Biancx dito ako kakain hah? Labyuuu" sabi niya na parang nanlalambing.

"Ang tamad mo talagang magluto kahit kailan" pairap kong sabi sa kanya.

Tahimik lang kaming kumain at pagkatapos, nagprisinta si Bes na siya na lang maghugas kaya pumunta muna ako sa kwarto ko. Nakita ko naman yung cp ko sa sahig na may crack kaunti sa gilid pero gumagana pa naman. Tinignan ko at may nagtext

From: JV
Good morning Jane :) See you later, 10 am.

Di ko na nireplyan at lumabas ako ng kwarto ko at naabutan ko si Nath na nanunuod.

"Bes 10am raw sabi ni Jerald. Mag-ayos ka na" sabi ko.

"Okay bes. 9 naman na e, mag-ayos ka na rin bes" sabi niya at lumabas na.

Pagkatapos kong maligo e pumunta na ako sa closet ko para maghanap ng masusuot. Ripped jeans, hanging and vans shoes. Viola! Ang ganda ko talaga! ^_^ Paglabas ko, nasa sala na pala si Bes.

"Wow bes! Ang ganda mo" ngiting ngiti niyang salubong sakin.

"Thankyou. Ikaw din naman bes e" sabi ko at nginitian niya na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Girl Na MoodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon