1: Ulan

2.3K 37 11
                                    

June 03, 2016.

Malakas ang ulan ng araw na iyon. Kaya naman nagmamadaling umuwi si Andrea para hindi siya mabasa. Isang dahilan narin ay  ang pagkagusto niyang kamustahin ang lagay ng kanyang kasintahan.

Andrea, a 15 year old matured girl. Hindi mo aakalaing labinlimang anyos pa lamang ito sa paraan ng kanyang pananalita, pag-iisip at sa kilos. Kaya rin siguro nagtagal sila ng kanyang boyfriend ng limang buwan dahil hindi na ganun kabata ang kanyang pagiisip.

"Oh siya, sige na! Ingat bessy!" sigaw ng kangang bestfriend na si Rose. Matalik niya itong kaibigan magbuhat pa noong nasa elementary pa lamang sila. Ngayon ay pareho na silang nakatungtong ng high school.

Simpleng ngiti na lamang ang sinagot ni Andrea sa kaibigan habang ito'y sumasakay ng jeep na nakatigil sa harap ng University na pinapasukan niya. Hindi niya mapigilang magmuni-muni habang hinihintay na umandar ang jeep na sinakyan niya.

"Kamusta kaya si Drei? Hmm. Ano ba yan. Nagaalala talaga ako. Ang bagal pa naman ng mobile data dahil sa ulan. Ang bagal din ng jeep. Kainaman nga naman oh!" reklamo niya sakanyang isip.

Si Drei ang kasintahan ni Andrea. They met because of their common friend, John, nang minsang dumayo ang binata sa Pampanga para makapagbakasyon. Drei stayed for a couple of months at palagi silang nagkikita ni Andrea. Minsan may mga kasama silang kaibigan pero madalas ay wala. Kaya naman hindi narin nila napigilan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit, dumating na ang araw na kinatatakutan ng dalawa, ang pagbalik ni Drei tungong Valenzuela.

Dahil sa kanilang pagkakalayo, napagkasunduan nilang sa messenger na lamang mag-usap at mag video call kapag pareho silang hindi busy sa school. Mahirap man sa una ngunit, kinaya naman nila ito. Hindi rin naman pwedeng laging pinupuntahan ni Drei si Andrea dahil umaasa pa ito sakanyang mga magulang.

Sa kabilang banda, si Andrea ay nasa Grade 10 pa lamang ngunit nasa ikaapat taon na ni Drei sa kolehiyo. Ito ay accelerated kaya kahit na labing-siyam na taong gulang pa lamang siya ay malapit na siyang makapagtapos. 

Patakbong naglakad si Andrea sa kanilang bahay upang hindi mabasa ng todo ang kanyang mga gamit at uniporme. Mahirap na at baka wala siyang gamiting palda dahil nagiisa lamang ito.

"Oh! Magbihis kana kaagad. Baka magkasakit ka" sabi ng kanyang tatay pagkapasok niya ng bahay. Agad na nagmano si Andrea bago itinabi ang bag at tinanggal ang sapatos na basa dahil sa ulan.

"Ano pa kasi ang nalalaman nilang leather shoes! Madali lamang itong masira lalo na pag nagtag-ulan na!" relamo niya sa kanyang isip.

Ang tatay niya ay naiiwan lamang sa bahay pagkatapos niyang sunduin at ihatid ang nababatang kapatid ni Andrea. Ang nanay niya kasi ang nasa abroad upang magtrabaho para sa kanilang pagkain at iba pang gastusin. Samantalang ang panganay niya namang kuya ay nagtatrabaho narin ngunit di gano'n kalaki ang sahod kaya hindi rin nila ito pwedeng asahan para kumayod sa pamilya. Gayunpaman, kahit papano'y nakakapagbigay naman ito sakanyang mga magulang. Ang pangalawa niyang kuya ay malapit ng magtagpos ng pag-aaral. Nasa elementarya naman ang kanyang nakababatang kapatid. Si Andrea lamang ang nagi-isang babaeng anak nila Tino at Rina.

Nagmadali siyang magbihis at humiga sa kanyang kama habang nakahawak sakanyang cellphone. Nagulat siya ng may makitang now sa baba ng pangalan ng kanyang minamahal. Maaga siya ngayon ah? nasabi na lamang ni Andrea sakanyang isip.

Bilang college na ang kanyang kasintahan, naiintindihan naman niyang umaabot talaga ng gabi ang klase nila. Minsan nga'y sa sobrang dami ng gawain, madaling araw na nakakauwi si Drei.

Andrea: Bubby!

Drei: Bubby.

Nagulat siya ng magkaibang ekspresyon ang pagtawag nila sa isa't isa. Nagsimula na siyang kabahan dahil seryoso ang pagkakatawag sakanya ng kanyang kasintahan. Alam niya kasi na kapag may tuldok sa dulo ang sinasabi ng binata'y seryoso talaga siya.

"Siguro ay may importante lamang siyang sasabihin. Wala ng iba pa. Wag ka ngang panic Destiny Andrea! Kalma lang whoo!" Nasa isip ni Andrea. Kahit pa sa totoo lang ay kabang kaba na siya sa inaasal ng kanyang mahal.

A: Ay sabay tayo? :)

D: We need to talk.

A: Uhm. Sige ba. Ano yun?

D: I've been praying to God since then.

A: Bubby...

D: O? Mukhang may ideya kana ata.

A: Wala. Ano ba yun? Ay teka. Hintayin mo ako hah. Kakain lang kami sandali.

Kinabahan na ng todo si Andrea. Alam niyang meron siyang nararamdaman na may mangyayaring hindi niya magugustuhan. Tahimik lang siya habang ang kanyang mga kapatid ay nagi-ingay habang sila ay kumakain. Nagpasalamat na lamang siya na hindi siya napansin ng kanyang mga kapatid sa pagkatahimik niya. Pag katapos ng hapunan ay dumiretso siya sa kanyang kwarto. Binuksan ang kanyang cellphone at tinignan ang naging tugon ng kanyang kasintahan. Nanigas sya sa upuan niya.

D: Let's be friends again.

Nagulat siya sa sinambit ng kanyang kasintahan. Hindi niya ito inaasahan. Wala rin naman silang naging away kaya nagtataka talaga siya kung bakit nakikipaghiwalay ang kanyang minamahal sakanya.

A: P-pero. Drei. Shit. No!

D: Andrea, yes. Tignan mo oh. Hindi na kita naasikaso. Minsan sine-seen ko nalang ang mga message mo dahil sa sobrang busy ko. Alam ko na nasasaktan na kita kahit hindi mo sabihin saakin. Hindi naman ako mawawala sa'yo Destiny. Label lang mawawala. Kailangan kong gawin ito.

A: Drei naman. Drei please. If yung pagtulog at pagkain ko lang pwede ko naman ayusin yun. Drei please. No..

D: No. Gusto kong may maipagmalaki ako sa mga magulang mo pag nagkita tayo. This is my final decision. It's for our future.

A: Iloveyou drei..

seen

Hindi na napigilan ni Andrea ang kanyang nararamdaman. Para bang gusto na lamang niyang sumabog at mawala sa lugar na iyon. Duon na unti unting bumuhos ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Hinang hina siyang humiga sakanyang kama. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang unan.

Sabay sa pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Wala siyang magawa sa gustong mangyari ng lalaking mahal niya. Hindi niya ito magawang pigilan dahil alam niyang hindi na magbabago pa ang kanyang isip.

Nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa ni Drei. Alam niyang inaadjust niya pa lamang ang kanyang sarili kaya hindi siya gaanong makatulog at makakain ng maayos. Ngunit makulit talaga itong si Drei at hindi inunawa ang totoong nangyayari sa kanyang girlfriend. Buong akala ni Drei ay dahil ito sakanya kaya naging mas buo ang kanyang desisyon.

Akala ko ba walang bibitaw. Akala ko ba tatagal tayo ng ilang pang taon wag lang kitang bibitawan. Drei. Ikaw ang bumitaw at hindi ako. Tinupad ko ang mga pangako ko sa'yo na kakayanin ko kasi para din sa atin ito. Ang hirap hirap ng gusto mong ipagawa. Hindi ko kayang hindi ka kasama. Drei. Mahal na mahal kita. Nirerespeto ko ang naging desisyon mo. Pero sana respetuhin mo rin ang nararamdaman ko dahil masakit. MASAKIT NA MASAKIT. Sana niloko mo nalang ako para nagkaroon ako ng dahilan para kalimutan ka...

NO LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon