Andrea's POVPagod na pagod ako kahit nakahiga lang ako buong araw. Pagod ang sistema ko kaya tamad ako gumalaw. Tumawag narin sila Erika pero hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil asa Manila siya, binibisita ang kanyang mga pinsan.
Umuulan kaya medyo malamig. Niyakap ko yung teddy bear na binigay ni Ate saakin. Sabi niya yakapin ko raw ito pag malungkot ako at isipin ko na lamang na siya ang yumayakap saakin.
I miss my sister so much. Hindi ko siya tunay na kapatid at magpinsan lang talaga kaming dalawa. Bata pa lamang kami, madalas na kaming magkasamang naglalaro hanggang sa parehas kaming nagkaroon ng isip. She helped me grow. Yet she died because the doctor found a small hole in her heart, 23 years old pa lang siya non. Huli na bago pa nila malunasan iyon. Sadly, may isa siyang anak na naiwan sa akin.
Wala na rin ang daddy niya dahil nabangga siya ng isang 10-wheeler na truck. The driver said he was drunk tapos nawalan pa ng preno yung sasakyan. I guess mahal niya talaga si Ate. I mean, hindi naman dahil sinundan niya si Ate sa kabilang buhay. He was so stressed no'ng nawala si Ate. Nawala siya sa katinuan at hindi na namin siya makausap ng maayos.
And now, I'm living with my sister's baby. Though my dad hired a nanny for her, mas gusto kong ako ang nag-aalaga sakanya. Isa yun sa mga pinangako ko kay ate bago siya mawala. Para ko na tuloy siyang anak. Her bed is beside mine para nababantayan ko sya. Para rin kapag umiiyak siya nasa tabi narin ng kama namin ang mga gatas nya at iba pang kailangan.
Nilalaro ko lang ang kamay ni Aeisha nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Si Mark. Yung bestfriend kong lalaki na baliw. Ahead lamang siya ng 2 taon sakin, Grade 12 na siya at STEM ang kinuha niyang strand. Buti hindi pa siya tuluyang nabaliw.
"Andy nagkukulong kana naman daw sa kwarto mo." seryosong sabi ni Mark. Napanguso nalang ako. Close talaga sila ng papa ko kaya ayan at nagsumbong na naman si papa sakanya.
I know that tone also and yung tawag niya sakin. When he's calling me "Ands" means he's in his usual mood. "Andy" kapag medyo seryoso siya at "Andrea" naman kapag talagang papagalitan na niya ako dahil matigas na naman ang ulo ko."May problema ba?" tanong niya. Umiling nalang ako habang nakangiti. Kinukuha ko si Esha sa kama niya at pinwesto siya paharap sakin. Agad naman siyang ngumiti at mas lalong naningkit ang mga mata niya.
"You know you can't fool me Andrea." seryoso niyang sabi kasabay ng paglubog ng kaliwang bahagi ng kama ko. Nakaupo na kasi siya sa tabi ko. I sighed. He knows me too much. Well, we've been the best of friends since we were kids, di ko naman siya masisisi.
Inaayusan ko ng buhok si Esha nang biglang niyakap ako ni Mark mula sa likod ko. I was caught off-guard. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya. Anong ginagawa ng lalaking 'to?
"Mark.." halos pabulong ko nalang na sabi. Hindi ako sanay na ganito sya. He's been acting strange since yesterday. He kissed me on my forehead and now he's hugging me behind my back.
"Andrea.." he whispered. I sighed heavily. Mangungulit 'to ng mangungulit kapag hindi ko pa sinabi sakanya.
"Fine. Papatulugin ko muna si Esha." sabi ko bago tumayo na para patulugin ang batang kanina pa inaantok. Hay. Ang cute mo talagang bata ka. Nakakalungkot dahil hindi ka man lang naalagaan ng mommy mo.
Feel na feel naman ni Mark ang paghiga sa kama ko habang nakikinig siya ng music. His eyes were closed. Binalik ko ang tingin ko kay Esha. Tulog na nga siya. Ngumiti ako at nilapag siya sa kama niya.
Now i'm confused kung tulog ba tong lalaking nakahiga sa kama ko o hindi. Nagkibit balikat ako at humiga sa tabi ni Esha. Matutulog na sana ako ng tinawag niya ako. I pouted. I thought I was free.
"Kwento." mariin niyang sabi. I started telling the whole story. Bumalik na naman ang sakit. Magmula sa pakikipaghiwalay ni Drei hanggang sa pagbabago niya. I know he is mad right now. Nakapikit man siya, halata naman sa nakakunot niyang noo na dinaig pa ang pretzel knots.
"Bakit hindi mo sinabi saakin agad?" inis niyang tanong. Kinabahan ako kahit pa alam kong magiging ganito talaga ang reaksyon niya.
"Eh kasi alam kong--"
"Kung alam ko lang noong una palang, kinausap ko na sana siya." seryoso niyang sabi. "A girl like you doesn't deserve this kind of pain." Napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya sa kisame habang nakaunan yung kamay niya sa ulo niya.
"I'm sorry, Mark." He sighed. I smiled. Alam kong hindi ako matitiis nito ramdam kong medyo nagtatampo siya dahil hindi ko sinabi kaagad.
"Fine, fine. Sleep now. You need to rest." tumango ako naman ako at natulog sa tabi ni Esha.
Mark's POV
I sighed. Hindi ko talaga siya magawang matiis. Gusto kong magalit sakanya dahil ganoon na pala kahirap ang sitwasyon niya pero hindi siya nagsasabi saakin.
Natutulog na siya ngayon ng mahimbing. I smiled. Mukha talaga siyang inosente pag tulog. Mukha rin siyang nanay ni Esha dahil medyo may hawig silang dalawa.
Tinitigan ko si Andrea. I kissed her forehead. I love kissing that part of her face. Sa paghalik ko kasi sa noo niya, naipapakita ko sakanya ang respeto ko. Gustong gusto ko ring nakikita ang expression niya dahil nacu-cute-an ako sakanya.
Naalala ko tuloy yung kinwento niya. She doesn't deserve to be treated like this. Ang babaeng katulad niya ay dapat pinapasaya at hindi pinapaiyak at pinapahirapan ng ganito.
Siya pa naman yung tipo ng babae na magaling magtago ng nararamdaman niya. Inayos ko yung mga buhok niya na nakatakip sa mukha niya. God. Why is she so beautiful? Natutulog, gising, bangag o ano. Ang ganda niya parin sa paningin ko.
"You're inlove with my baby sis. Tingin mo palang." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng kuya niya. Si Alain. Magkaedad lang kami. 16. Tropa ko rin siya magsimula pagkabata.
"Oo bro. Ang ganda kasi ng kapatid mo. Mabait pa." I admmited.
"May balak ka bang ligawan siya?" biglaan niyang tanong.
"Meron. Pero hindi pa ngayon. We are still enjoying our relationship as bestfriends. Gusto ko munang maging kaibigan niya bago ko masabing saakin na siya." matapang kong sagot.
"Good. Give her time first. She may not open up to me but I can sense that she has a problem in terms of her love life. Wait for her to be ready to fall in love again." seryoso niyang sabi bago umalis ng kwarto ni Andrea.
Noon pa man nagiging maingat na talaga siya sa kapatid niya. Hindi naman ako nagtataka dahil siya kaisa-isang kapatid nilang babae sa pamilya. I love the way that she is being cherished and spoiled by her brother. She didn't became a spoiled brat though and that is the best part.
Nilingon ko ang babaeng pinakamamahal ko. Ang tagal ko ng naghihintay sakanya. Ang tagal ko ng pinipigilan ang sarili kong iparamdam sakanya ang totoong nararamdaman ko. Ayokong makahalata siya, baka mawala pa yung pagkakaibigan na meron kami. Ayos na muna sa akin yung ganito kami. Kailangang maghilom muna rin ang mga sugat sa puso niya. Hinaplos ko ang buhok niya.
"Hintayin mo ako. Malapit ko ng maiparamdm ang pagmamahal ko sayo."
BINABASA MO ANG
NO LABEL
Teen FictionTrust, love and communication. 3 key words na kakailanganin para sa isang maayos na relationship. Ngunit, paano naman kung ang relasyon ninyo mismo ang wala? No Label and all, they only knew they have the same feelings for each other. Sapat na nga b...