2:00 AM

672 17 8
                                    

Ako si Mikaela Perez.

Isang batang di naniniwala sa multo.

Alamin ang aking storya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isang madaling araw, nagising nalang ako.

Narinig ko ang clock naming antique ay nag ti-tick, tock, tick tock..

1:59 AM

At nag 2:00 AM

Bumangon ako sa kama.

Bumaba...

Uminom ako ng tubig...

 Nagulat ako ng mayroong akong presensya sa likod ko.

Lumingon ako.

"Sino ka?" tanong ko

Ngumiti naman ito, "Ako si Raquel."

Nakipagkamayan naman ako dito.

Nangilabot ako dahil super lamig ng kamay niya.

Pero, di ko na inisip iyon.

"Tara, Raquel laro tayo!" sabi ko

Ngumiti naman ito..

Pero iba ito sa mga ngiti na nakita ko,

parang mayroong siyang binabalak na masama.

Pero, di ko na ulit inisip iyon.

Naglaro kami,

naghabulan..

matagal na oras kaming naglaro, pero..

Nagising nalang ako na umaga na pala.

***

Nung madaling araw, nagising nanaman ako.

Nakita ko siya sa hagdanan,

hinihintay ako.

***

Ilang weeks kaming ganun. Nagigising lagi ako ng 1:59 AM, at sumusulpot siya ng 2:00 AM.

Nag-pasya akong mag kwento sa ate ko.

"Ate, may kalaro ako tuwing madaling araw." sabi ko sakanya

Biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Sino iyon, baby?" tanong niya

"Raquel daw po ang pangalan niya, at lagi niya ako hinihintay sa baba tuwing 2:00 AM." pagkukwento ko sakanya

"Baby, wag kang bumaba dito tuwing madaling araw." sabi niya

"Bakit naman po, ate? May masama po ba?" tanong ko sakanya

"Baby, patay na si Raquel." sabi niya

"Ate naman eh! Wag mo nga akong takutin!" sabi ko sakanya, pero ganun paden expression niya sa mukha

"Baby, tandaan mo, mag-ingat ka sakanya...baka ipahamak ka niya." sabi ng ate ko, at umalis siya ka-agad

Nung Tanghali, naghiwa siya ng maraming sibuyas at kinalat sa paligid. Pero di ko alam kung bakit. At nagtatapon siya ng asin sa paligid....

Di ko na pinigilan si ate at pumunta nalang sa kwarto..

Kinagabihan,

nagtxt nalang si ate na di siya uuwi sa bahay...

at yun nga, di nga siya umuwi.

Nagpasya na akong matulog..

Nagising nanaman ako ng madaling araw, di ako nakinig kay ate at bumaba padin.

"Mikaela, tara laro tayo?" tanong ni Raquel, may dugo sa labi niya, at may hawak siyang kutsilyo...

nakaputi siyang damit at duguan..

Laro?

Anong klaseng laro?

Napatulala ako........

nakita ko nalang bigla itsura ko sa salamin...

Nasa likod niya ako,

at pinugot niya ang aking ulo.

Gumulong ang ulo ni Mikaela sa harapan ni Raquel. Kinuha ni Raquel ang ulo nito.

"Tapos na tayo maglaro, Mikaela."

2:00 AM (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon