"Hoy! Anu kaba? Si Kuya Renzo lang 'yun. Tsaka "Bunso" tawag niya sa 'kin. MALABO. At ikaw, ha Frems, MALABO ka rin. tse."
"Eh sabihin mo na kasi feelings mo sa kanya! Yaaay! Sasabihin na niya!" At nag cheer pa ang bruha.
"Gaga. Old school ako. Remember babae ako, hindi ako 'yung mag aakyat ng ligaw! Tsaka hindi ko hobby ang lumandi! Unlike you, Frems, hobby na ang pag-cocollect ng mga boys." >.<
"Gaga ka din!" Sabi ni Frems. Kulang na lang sakalin niya ako eh! "Siya ideal man mo! siya si Your Prince mo! Make your move or hindi pagsisihan mo talaga 'yan! Ikaw ang MALABO, Heena! Hindi hanggang puro daydream lang! napaka slow mo 'teh."
>___< Ako pa may kasalanan.
Maybe she's right. Ako ang magsisisi kung hindi ako gagalaw.
Teka?! Ako babae dito eh! Ako dapat ang nililigawan. Anebeyen? Ah OO nga naman, baliktad na ngayon ang mundo. Pffft. >.<
"Hoy kayong dalawa!" May sumulpot na bakulaw, ah este Dyosa! :D
"Ay Aswang!" Nasabi ni Frems, talagang nerbyosa to kung ano-ano ang pinagsasabi eh.
"Ako? Aswang?! HAHA." Sabi ni Maica at umupo sa tabi naming dalawa.
Natawa na lang ako, "Hot news?"
"Wala eh. HAHA. Miss ko lang kayo, talagang busy kasi kami ngayon." -Maica.
"Weh?" -Frems.
"Weh. Totoo." -Maica.
"Uoy girl, punta kami sa mall mamaya, sama ka?"-Frems. X)
"Ah?" Napayuko si Maica at napaisip. "H-hindi siguro. Sasama ako kay Sam kasi eh, punta kami sa lola niya. Hehe. Sorry talaga ha?"
Ah . . . just so that you know, si Sam boyfriend ni Maica. :) Ang sweet nga nila eh.
"Ah eh . . . bukas?" Tanong naman ulit ni Frems, napaka lakwatsyera niya. Ganun siya ka adik!
"Doon kasi kami matutulog eh. Total friday din naman. :)" -Maica.
O__________________O
"Ha?! Baka anu pa magawa niyo dun? Ay jusme--"
Bago ituloy ni Frems ang mga sasabihin niya, pinalo ko ng kutsara ang kamay niya na nakaturo kay Maica. Siya lang parati magpapahamak sa 'min eh. >>.<< "Grabi ka Frems, ang ingay! Satsat ka ng satsat jan. Hindi naman nila gagawin yun eh. OA mo! Pigilan mo nga sarili mo maglakwatsa?"
"Sige isa pa!" sabi ni Frems sa 'kin, "Ikaw na nanay ko! At least lakwatsa! Hindi yung mga nakkakilabot na mga kababalaghan na--"
"OO na, ako na nanay mo! Tumahimik ka nga?"
"Hehe."
BIPOLAR. Sa ganitong klaseng mga tao, dapat mala-wall of China ang pasensya. Pasalamat siya bipolar din ako!XD Naiintindihan ko siya! At kung hindi mahaba pasensya ko baka wala na siyang ulo ngayon.
Napatahimik si Frems nang biglang my umupo na gwapo sa tabi niya. T-teka? HAHAHA. Mukhang may naka jackpot sa mga mata niya ha? Parang diamonds! Thahaha. Siya yung lalaking kanina pa nakatitig sa kanya sa likod. Ooy, hahaha! Kinilig ang peste! ^-^
"Hi," sabi niya kay Frems. "Ako pala si Mike. Grabi, napakaganda mo talaga kung lapitan . . . a-a-and I can't stop getting lost in those eyes.'
!O_____o! -----> AKO.
dO_____b -----> Maica.
*^______^* ------> Frems.
---
Pagkatapos ng dalawang subject namin sa hapon. Bigla ako hinila ni Frems at agad sumakay sa taxi papunta sa mall. Hindi naman ako nagreklamo kasi siya naman ang babayad. muahahah. Ganyan epekto ng kaibigan ko sa sobrang kilig!
Pumunta kami sa school supplies section. Sinamahan ko siya bumili ng mga gamit niya. Syempre sino pa? Ako naman ang nag-iisang bipolar na kaibigan niya eh since wala 'yung isang bipolar rin na si Maica. Thaha.
"Uhmm, Heena"
"Hmmm?"
"Saan ba dito mas maganda?"
May ipinakita siyang dalawan color pink na notebook.
"Adik?" sabi ko.
"Ah, eto nalang color orange mas maganda. :)"
"Ah teka teka teka." Kinuha ko ang dalawang notebook bago niya ibalik ito.
Halatang inlab. HaHa >:)))
"Tingnan mo nga silang dalawa Frems. PAREHO silang color pink. PAREHO sila ng style! PAREHO sila as in PAREHO. Identical copy! Iisa lang sila ng itsura! Grabi ka, nabubulag kanaba ng LOVE?" :D
"ah . . . hehe. sorry kung ano-ano kasi iniisip ko eh." *^_^* angsmile at nagblush siya, then she added, "halos lahat kasi ng design si Mike nakikita ko."
Tooot!OoO
Inlove nga!
Haha, kung nakikita niya lang mukha niya ngayon. :D
Hindi naman ako ganun ka exagge paisipin kung si Kuya Renzo My Prince ang pag-uusapan ah? Ay baliw! Adik na babae 'to!.
"Jan ka na nga! Bahala ka jan pumili! Kung lahat ng notebook bibilhin mo dahil si Mike ang design, sige bilhin mo, hindi naman pera ko ang winawalgas. Punta muna 'ko dun. Pfft."
Iniwanan ko siya. Haha. Pumunta ako kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko, napatingin ako sa scrapbook section bla bla bla ...
Then suddenly as I face my way back.
Suddenly ...
Suddenly ...
Suddenly ...
*WUSHU*
May lalaki na bumangga sa 'kin.
>_____< ugh!
"Why are you so careless?" Sabi niya.
Aba? Siya pa ang may gana magsalita ng ganyan ha? Siya nga nakabangga eh! Wala man lang sorry?! Psssh! Suplado effect ang moko. >.<
"Sorry!" sabi ko, parang sigaw na parang hindi naman sigaw. ;"D
"I'm sorry. I'm just . . . too, sorry. Sorry miss."
ENGLISHERO?
Hindi halata sa mukha pero may accent ha?
At least nag-sorry, pero kinabahan ako dun ha? Masungit na mayabang na may pa-suplado effect pa? Tss.
Tapos...
Oh my ghaddd!!!
o___O
Si Mike 'yun ah? K-KASAMA SI FREMS?!
Muntik na ako mapasigaw, pero pinigilan 'ko 'to. Ang landi ng babae 'to! Ayaw ko mag-karoon ng best actress award dito lalo na sa maraming tao. Grr. Pero cute din naman si Mike eh, bagay sila. Pero kanina lang sila nagkakilala! Waaaah, Frems! Anung klaseng alien ka?!
Nakaready na ang mga paa ko sa paglakad para sugurin ang dalawang naglalandian . . . kaso lang may humawak sa braso ko.
O_O
Waaa!
*Patawad HAHA pabitin effect.XD pki leave lang po ng comments niyo. Thank you Thahaha^-^*