"Miss na kita,"
Natawa ako nang mabasa ko yung nilalaman ng message na aking natanggap. Nung alas otso pa iyon nagtext pero dahil galing sa unknown number ay hindi ko muna binasa agad at pinalipas ko muna ang dalawang oras bago ko binuksan. Kakauwi ko lang rin kasi galing sa office at tinapos ko pa ang mga natirang gawain, inuwi ko na lang sila dahil ayokong maiwan mag-isa sa building. Malapit na pa naman ang bisperas ng mga patay. Medyo creepy na rin ang dating ng mga gusali ngayon.
"Hello, good evening, who’s this?"
Reply ko naman sa kanya. Actually iyon na yata ang pangatlong beses na nagtext sa akin ang number na iyon eh. Yung unang dalawang text ay kinamusta lang ako. And since busy nga ako sa mga gawain sa office dahil naghahapit ang company’t magkakaroon ng three day vacation dahil sa undas ay hindi ko na natext pa kung sino siya. Ngayon na lang nagkatime.
Lumipas ang fifteen minutes ay hindi pa siya nagreply. Nagkibit balikat na lang ako kasi baka tulog na yung nagtext. Nagshower na muna ako at nahilamos para gumaan naman ang pakiramdam. Nang matapos ay binuksan ko ang tv at naghanap ng mapapanood. Since last week na ng October ay puro kababalaghan na ang palabas. Mag-isa pa naman ako sa apartment ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako matatakutin.
Nasa kalagitnaan ako ng isang palabas na nakita ko lang sa isang channel nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang tinignan kung sino iyon. Walang duda, yung unknown number nga.
"Hindi mo na ako kilala. Pero okay lang, alam ko namang wala lang ako sa’yo."
Sabi sa text. Napakunot naman ng maigi ang noo ko. Agad agad akong nagreply sa kanya.
"Excuse me, pero pwede po bang sabihin mo na lang ang name niyo? Wala po akong time makipaglokohan. Thanks."
Pero hindi katulad nung tinanong ko ang pangalan niya’y mabilis siyang nagreply sa pangalawang message ko. Napataas naman ang kilay ko sa aking nabasa. Sino ba itong nagtetext na ito?
"Alam kong limot mo na ako. Pero ikaw hindi kita makalimutan. Mahal pa rin kita."
Medyo hindi nagprocess ang utak ko ng ilang segundo. Mahal pa rin daw niya ako. Pero sino ba ito? Nakakaloko. Agad ulit akong nagreply at tinanong ko ulit kung sino ba siya. Sinabi ko pa ngang naiinis na ako at mabuti pang burahin na lang niya ang number ko’t huwag na siyang magtetext kahit kailan kung nanti-trip lang ba siya.
Akala ko nga magtetext pa siya sa akin pero hindi na. Inabot na ng madaling araw pero hindi na siya nagtext pa. Pero ang nakakainis, umaasa akong magtetext pa siya kahit na sabi ko sa kanyang huwag na.
Kinabukasan, nagising ako ng mag a-alas nuebe. Wala naman nang pasok ang company namin at dadaan na lang ako sa office para ibigay ang mga papers na natapos ko kagabi. Since wala pa akong kain ng umagahan, dumaan ako sa isang coffee house na nasa ibaba lang ng building namin pagkabigay na pagkabigay ko ng papers. Medyo konti ang tao sa loob. Akala ko pa nga close sila dahil October 31. But good thing hindi, yung iba kasi sarado talaga.
Um-order lang ako ng isang maliit na cheese roll cake at caramel coffee. Nilabas ko na rin ang phone ko para makapagbasa ng ebook. Pero pagkabukas na pagkabukas ko ng screen, may nakita akong isang message. Agad naman akong kinabahan dahil galing do’n sa unknown number yung text.
BINABASA MO ANG
Unknown Number [One Shot]
Mystery / ThrillerNakatanggap ka ng text mula sa unknown number na nagsasabing miss ka na niya. Tinanong mo ang pangalan pero hindi niya sinabi. Sinubukan mo pang tawagan pero hindi naman sinasagot. Pero ano ang gagawin mo kung malaman mong...