Who is Kathryn Bernardo? ( A KathNiel Short Story )
A/N: Short story lang po ito. Mga hanggang Chapter 5 or baka nga po hindi na umabot.
BUMOTO AT MAGCOMMENT PO KAYO, PLEASE. Ayoko po ito magaya sa isa ko/namin story na dinelete ko dahil, walang bumoboto o nagcocomment man lang.
Pinaghirapan ko po ito. Please.
NO PROLOGUE.
Chapter 1
Daniel's POV
Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong may humahalik-halik sa buo kong mukha.Dinilat ko unti-unti ang mata ko.
"Good morning daddy!!"
Bumungad saakin ang mukha ng gwapo kong anak. Aba siyempre kanino pa ba magmamana yan. Siyempre sa tatay niya. ;))
"Good morning baby." hinalikan ko yung noo niya bago ako umupo.
"Daddy, breakfast is ready. Bangon na po."
"Ok, ok. Mauna ka na sa baba. Daddy will wash his face muna ha."
"Ok! Mommy and I will wait for you po! Faster po ha?" sabay labas niya ng kwarto.Siya si Gabriel John. Anak ko, anak namin. Ngayon ay 4 years old pa lang siya. Pero akala mo 10 years old na dahil napaka-talino. Englishero pero kaya niyang magsalita at makaintindi ng tagalog.
Kung sino mommy niya? Hindi ko muna masasagot ngayon yan.
•••••••••••
Bumaba na ako at naabutan ko silang nakaupo na.
"Daddy! Come na, I'm so hungry na po!"
"Yan na nga diba?"
"Kuya ang tagal kumilos parang babae." nakapoker-face na sabi ni Chenin, kapatid ko. Siya yung tinutukoy ni Gabby, short for Gabriel, na mommy. Dahil simula ng pumunta kami dito sa Amerika siya na ang tumayong mommy ni Gabby. Tinulungan niya akong palakihin ang anak ko na dapat ang totoo niyang ina ang gumagawa.
Para nga hindi namin kapatid si Chenin, dahil sobrang puti. Samantalang kami eh mga moreno except kay papa. Palibhasa kasi dito lumaki sa Amerika. Nagmana pa kay papa kaya ganyan. Eh kami ni JC kay mama nagmana.
Kaya kapag lumalabas kaming tatlo, lagi kaming pinagkakamalang Pamilya.
Tapos si Gabby din, napakaputi. Buti hindi naman yung kulay namin ng nanay niya. Kaya para talaga anak siya ni Chenin.
"Ok, ok. Let's pray muna before we eat." nagdasal na kami at nagsimula ng kumain. Summer ngayon kaya walang pasok si Gabby.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na kami.
"Gabby dun ka muna sa sofa. Tutulungan ko muna si mommy mo magligpit ng mga plato." Sabi ko kay Gabby.
"Ok daddy!" at pumunta na siya sa may sofa at binuksan ang TV.
"Kuya, kailan tayo babalik ng Pilipinas? Tumawag si mama kagabi, namimiss na daw nila tayo nila papa, pati ni Kuya JC." sabi ni Chenin. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay, sumunod si JC at bunso namin at nagiisang babae na si Chenin.
"Chenin, alam mo naman diba.... Paano pag nagkita sila ni Gabby."
ako"Kuya, maaalala't maalala niya din ang lahat kuya."