Who is she? - 2

2.8K 102 8
                                    


A/N: HEHE HI!! SORRY SA NAPAKATAGAL NA UPDATE. Nagkaproblema kasi yung internet namin, ngayon-ngayon lang nagkaroon. Yung ginagamit ko nung nakaraang araw eh, pocket wifi lang. Kaya ang hirap.


Maraming-maraming salamat po sa mga nagcomment, nagbabasa nagvote. Sana po hanggang sa huli ay basahin jyo pa rin ito.


So ito na...


HUWAG NIYO PONG KALIMUTANG MAG-VOTE AT MAG-COMMENT.


AY WAIITT!!

COMMENT AT VOTE SA GUSTONG MAGPADEDICATE!!


Chapter 2

Daniel's POV

Nandito ako ngayon sa park, sa park kung saan kami nagkakilala, sa park kung saan ko siya niligawan at sa park kung saan niya ako sinagot.


"Miss na miss na kita." bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako sa may bench, sa tapat ng fountain.

Naalala ko dito mismo sa bench na 'to lagi kaming umuupo. Dito kasi sa spor na 'to makikita mo yung sunset dagdag pa yung kaharap mo na fountain.

Kung tinatanong niyo kung nasaan si Gabby. Na kay Chenin kasama sila mama.


"Ang ganda dito no? Kitang-kita mo yung sunset. Tapos kitang-kita mo yung ganda ng fountain." hindi ko namalayan na may tumabi na pala saakin, sa sobrang pagiisip ko.


"Oo nga eh. Alam mo bang napaka-special nitong park na 'to. Lalo na tong spot na 'to." sabi ko habang hindi pa rin tumitingin sakanya. Ewan ko nga kung bakit ako magsh-share sakanya, eh hindi ko naman siya kilala. Pero ang gaan ng loob ko sakanya.

"Talaga? Bakit naman?" tanong naman niya saakin.

"Kasi dito kami nagkakilala nung girlfriend ko, dito ko siya niligawan at dito rin niya ako sinagot. At dito naman sa spot na 'to lagi kaming naupo." ako


"Talaga? Alam mo bang pamilyar na pamilyar 'tong park at itong bench na inuupuan natin ngayon?" sabi naman niya saakin. "Lagi ko 'tong napapanaginipan, lagi daw akong may kasamang lalaki. Ang sweet-sweet daw namin. Pero malabo yung mukha eh. Hindi ko siya kilala. Ewan ko. Pero alam kong special siya saakin." mahabang dagdag niya.

"Nagsh-share na tayo sa isa't isa pero di pa rin natin alam yung pangalan ng isa't isa." sabay tawa niya. "I'm Kathryn by the way."

Kathryn? Nagulat ako sa narinig ko kaya napalingon ako sakanya. Nanlaki ang mata ko ng makumpirma kong siya yun.


Yung babaeng tinutukoy ko. "Huy, huy ok ka lang?" winagayway niya ang kamay niya sa mukha ko. "AHHH! I'm D-daniel." utal-utal kong pakilala sakanya at nanginginig na inabot ang mga kamay niya.

"Ahh. Alam mo pamilyar pangalan mo. Ah sige mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni mommy. May bisita pa naman kami." Siya "Sige alis na ako. Sana magkita pa tayo." paalam niya saakin.

Tumayo na siya at umalis na.

Hindi ako makapaniwalang nakita ko siya ulit. Siya na babaeng mahal ko at ina ng anak ko.


Makaraan ang ilang minuto ay naisipan ko na din pumunta sa bahay.


Bibisita kasi kami sakanila, gusto daw makita nila Tita Min si Gabby. Dumaan muna ako dito sa Park kaya nauna sila.


Habang naglalakad ako ay may nakita akong kumpulan ng tao. Rinig ko nay nahimatay daw. Psh. Mga chismoso't chismosa nga naman oh.

At dahil wala akong lahing chismoso ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.


Mga sampung minuto lang ay nakarating na din ako kela Tita.

Nasa may pintuan pa lang ako ay rinig ko na ang tawanan nila mama.

"Nako, Karla! Wala talagang namana itong apo ko kay Kathryn." rinig king sabi ni tita Min.

Tumawa naman si Mama. "Oo nga. Yan din ang napansin ko. Lakas talaga ng genes ng mga Padilla eh." pailing-iling na sabi ni mama.


"Grandma." tawag ng anak ko kay Tita Min. Si Tita Min yun sigurado, ang tawag naman niya kay Mama eh, lola. "Who's Kathryn po? I always hear that name."

Nagtatakang tumingin si Tita Min kay Mama.


"Ahh... Min..."

"Good afternoon po, tita." singit ko na sabay beso ko kay tita. Kanina pa kasi ako nakatayo dun sa may pintuan.

Mukhang nagulat naman si Tita Min, "Oh. Dj, iho. Jusko mas lalo ka pang gumwapo." sabi ni Tita saakin. "Pero iho, may pag-uusapan tayo mamaya. Marami akong gustong itanong saiyo."

"Oho." magalang kong sagot.


"Mare, asan na ba si Kathryn? Bat parang hindi ko nakikita." tankng ni Mama kay Tita.


Andun nanaman yung nagtatakang mukha ng anak ko. Hayy. Baby, malalaman mo din, pero hindi pa ngayon.

"Ay, teka lang DJ. Hindi mo ba nakita si Kathryn diyan sa labas? Wala kasi dito, sabi saglit lang siya hanggang ngayon eh, wala pa." tanong ni tita saakin.


"Kanina po, nagkausap kami sa may Park. Nauna na po siyang umuwi. Baka lang may dinaanan..." bago ko pa matuloy yung sasabihin ko eh, nagring yung cellphone ni Tita Min.

"Hello?"

"....."

"Oho, sino po sila? Ano pong kailangan niyo?"

"....."


"ANO?! ANONG NANGYARI? SIGE SIGE. ANONG OSPITAL?! PAPUNTA NA HO KAMI." nagulat kami ng biglang sumigaw si Tita. Binaba na ni Tita yung cellphone.


"PASENSYA NA KARLA, PERO KASI SI KATH......" Naluluha-luhang sabi ni Tita.

~

Nandito kami ngayon sa ospital. Nadito mismo sa room ni Kath.

Nahimatay daw kasi sabi nung tumawag kay Tita Min.

Yung kanina pa lang pinagkukumpulan ng tao eh, si Kath pala yun. Tanga-tanga ko sht. Minsan naman kasi hindi masamang makichismis letche. Natampal ko noo ko.


"Sabi ng doktor eh, sobrang pagod daw. Eh hindi naman siguro napagod sa paglalakad. Saan naman kaya 'to nanggaling." sabi ni tita. Siya kasi yung kuma-usap sa doktor kanina.

Wow ha, parang kakausap lang namin kanina... tapos pagod agad.

"HMMMMM...." unti-unting dumilat yunng mata ni Kath.

Inilibot niya yung mata niya sa buong kwarto, ng umabot saakin ang tingin niya, katabi ko kasi si Gabby at Chenin, ay huminto ito. Tinignan niya si Gabby at si Chenin. Pero saglit lang yun.

Pero kahit saglit lang may nakita akong kung anong, emosyon sa mata niya.

"Mommy, sino po sila?" tanong niya kay Tita Min. "Diba ikaw yung l-lalaki sa park kanina? Bakit ka nandito?" baling naman niya saakin.


"Anak, sila yung bisita natin. Siya si Tita Karla mo." tinuro ni Tita si Mama. "Si Daniel." tinuro ako ni Tita. "Si Gabby anak ni Daniel." tinuro ni tita si Gabby. "at si Chenin..."


"MY MOMMY!" masiglang dugtong ni Gabby sa pagpapakilala ni Tita kay Chenin. May nakita akong kung anong emosyon sa mata ni Kath nung sinabi iyon ni Gabby. Pero binalewala ko na lang.


"Anak." hinaplos-haplos ni Tita Min ang buhok ni Kathryn. "Ano ba talaga nangyari? Alam mo bang pinagalala mo kami? Ako?"

"Medyo s-sumakit lang po ulo ko, mommy. Siguro dahil sa p-pagod." utal-utal sagot ni Kath st nagiwas ng tingin kay Tita.

Parang may mali....

..........

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!!!

Who is Kathryn Bernardo?! ( A KathNiel Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon