Weird
Pagtunog ng alarm clock ko Dali dali ko itong pinatay sabay balik uli sa pagtulog.
Ayaw ko talaga ng tunog ng alarm clock. Nakakasira ng araw. Minsan nga hate ko na din yung kantang nilalagay ko pang alarm.
Nakakatamad naman kase gumising. Lalo na kapag nag Facebook at Twitter ka pa kagabe. Tapos ang klase mo, 7:30 ng umaga. Grabe talaga patayan ang peg.
After 15 minutes na pagmumuni. Oo muni muni ko lang ito pampagising ng diwa. Bumangon nako, kinuha ang twalya at diretso na sa CR.
"Mommy ano breakfast?" Si mommy blonde na naman ang hair. Kala mo bagets eh.
Lumingon siya sa akin habang nililipat ang mga pagkain sa Plato.
"Good Morning anak ko!" Sabay lapag niya ng mga bacon.
Apat nalang kami ng mommy at dalawa kong kuya. Ayon si Daddy may iba ng asawa. Nasa Cebu siya kasama ang bago niayng pamilya.
Hindi ako galit na ganun ang nangyari sa kanila. Talaga sigurong hindi na nag work ang pagsasama nila at nagdesisiyyon na silang maghiwalay.
Kahit malayo ang daddy sinusustentuhan niya pa din kami nila kuya. Kahit Interior Designer ang mommy kulang na kulang pa din ang kita niya para sa aming apat.
Kaya kahit labag sa loob niya pumayag nalang siya sa gusto ni daddy na pag aralin sila kuya at magbigay ng allowance minsan. Kahit baliktarin mo man ang mundo meron siyang responsibilidad sa amin bilang mga anak niya.
"My kelan kaya uuwe sila kuya?" Sabay kagat ko sa bacon at simsim ng gatas.
"Siguro sa Saturday ang kuya Simon mo. May class daw siya ng Friday ng gabi eh. Ang kuya Sylver mo naman sa Sunday may Saturday class kase siya"
Ang kuya Simon ko ang pinaka matanda sa aming tatlo. Nag aaral siya sa FEU ng Med Tech. Pangarap niya daw kase mag doctor. Kaya matagal pa yan siya mag aaral. Ginusto niya yan eh. Pero kahit masungit siya na kapatid. Love na love niya ako.
Yung pangalawa naman si Sylver! Oo walang kuya! Bastos yun eh. Palagi ako binoboxing! Walang galang sa kapatid! Sana di na siya umuwe ma's masaya.
Civil Engineering ang kinukuha niya. FEU din siya. Nakatira sila ngayun sa Condo na binili ni Dad para di na sila pauwe uwe dito sa Quezon.
Minsan nga mag isa ko dito sa bahay kase OT minsan si Mommy. Hindi naman ako takot dahil kapitbahay ko yung Best friend ko si Jeyanne.
"My Alis na po ako" Napansin ko kase na mag seseven na. Maghihintay pa naman ako ng bus! Nakopo bala malate pa ako.
Dali dali kong kinuha yung bag ko sabay kiss Kay mommy. Grabe tatakbo nako. Malamang nasa school na yun si Yanne. Di ako hinihintay no eh.
Dejoke hinahatid kase siya ng dad niya eh kahiya naman sumabay kahit pinapasabay ako humihindi ako. Kase mabagal ako kumilos eh.
Hingal na hingal ako pagdating sa shed. Mula sa bahay namin konting takbo lang papuntang shed. Tapos 20 minutes papuntang University.
1st year college na ako. Taking Mass Communication. Hindi ako sa FEU nag aral. Kase ayaw ko walang kasama ang mommy.
Okay lang naman sa akin kase sa University of Quezon din nag aral mga kaibigan ko kaya okay lang.
Sa wakas may bus na! Umupo ako sa bandang likod kase ang dami ng mga pasahero kaya no choice dito nalang ang bakante.
Wala naman ako katabi kaya ma's relax ako.
Pero after 10 minutes may tabi na sa akin. Tinitiga ko siya kase kakaiba yung aura niya eh. Parang ang sama pa makayingi habang paupo siya.
Hindi na ako mapakali dito kase may something eh. Matangkad siya. May pagka ash brown ang buhok. Grabe haba ng pilik mata. Ang pula ng labi. Dahil sa suot niyang V neck shirt na red at black fitted pants para siyang nag gigym. Grabe ang muscle yummy.
Lord patawarin niyo po ako kung pinag nanasan ko po siya. Di ko po kase mapigilan.
"Hoy miss! Miss hoy!!!" Nagbalik ang takbo ng isip ko ng isang gwapong nilalang ayyy este isang galit na nila lang ang nakatingin sa akin.
"Yummy muscle bakit?" Tanong ko na agad ikinoot ng noo niya. Tangina! Anong sabi ko!? Shit.
"Miss bayad mo kako" sing it ng kondukto na kanina pa pala nasa tabi nung lalakeng gwapo.
"Ahh oo pala" sabay kuha ko sa bag ko ng barya " Jan sa QCU. Estudyante po." Sabay about ko ng bayad.
"QCU din. Estudyante." Halla tags QCU din pala siya Halla. Magka schoolmate pala kami. Anong kaya Course niya? Grabe ang gwapo niya.
Ialng sandali lang huminto na din sa tapat ng malaking gate ang bus. Naunang bumaba yung lalake at dali dali din akong bumaba para makasabay ko siya.
Natanaw ko kaagad ang apat ng naglalakihang building sa loob ng paaralan. Gusto ko talaga dito ang daming puno. Fresh air at likod ng mga building ang bundok ng Quezon na ubod sa ganda.Pinakita ko ang ID ko sa may guard at sumusunod parin sa lalaking nakasabayan ko sa bus.
Feel na feel ko ang pagtapak sa pathway kahit na gustong gusto ko ng tapakan yung Bermuda grass.
Di ko namamalayan na huminto na pala ang sinusundan ko kaya nauntog ang mukha ko sa likod niya.
"What the!?" English niyang sabi.
"Ayy Halla sorry" sabay layo ng kunti habang minamata niya naman ako.
"Weird." Yana ng sabi niya sabaya alis. Nakita ko papunta siya sa building ngga Business Ad. BA pala siya.
Sungit naman ni kuya. Pero hayaan mona nga yun. Bala mabugbog nako ni Jeyanne kapag wala pa ako.