#1

19 0 0
                                    

Chapter One

"Kill the man." Maikling tuwiran nitong lalaking naka black, "and,"

"Boss." Tawag sakanya ng hot na lalaki este nitong mukhang harinang to. Bumulong sya dito sa 'boss' DAW at halata dahil bossy naman talaga.

"Alright. Buhayin mo yung babae at bata." Sabay alis sa harap ko.

"Wait nga! Sino ka ba hah para mag-utos kung sino ang ililigtas ko? Lahat ng pasyente dito kelangan iligtas kaya tsupi tsupi." Inis na sabi ko, nakakaloka to ah!

"Hey, you bit--"

"Mr. Rockwell Samantha wants to talk to you." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil mabilis na inabot ni mukhang harina yung cellphone at bigla nalang umalis.

Pag-alis niya sunod-sunod na yung mga men in black niya, "Miss ikaw ba ang doctor ng pasyente?" Tanong ni mister harinang kulay.

"Sino dun?" Mataray na sagot ko, aba kahit doctor may karapatan mag taray.

"Yung lalaki."

"Yung may apat na tama ng baril, isa sa paa dalawa sa tyan at isa sa likod?" Paninigurado ko.

"Oo, oo tama, mabubuhay pa ba yun?"

Tinignan ko siya ng parang nagtataka, "I will do my best sir." Sabay alis sa harap niya.

"Wait miss, it's weird if sasabihin ko na kahit wag mo na siya buhayin." With kamot sa batok, "He-he-he kung di mo lang kaya." Kasabay ng awkward na tawa niya.

"Mister kaya ko. 9 hours ang gagawin naming operation so pwede ka munang kumain and you better to call me Doctora or doc kesa sa 'MISS'. Excuse me." Lakad ko palayo sakanya, ang weird naman nung lalaking yun.

"DOC! KUNG DI MO KAYA WAG MO NA GAWIN YUNG BEST MO, HAYAAN MO NALANG SIYANG MAMATAY. BYE!" Rinig kong sigaw nung lalaking baliw di na siya mister harina.

ㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇ

"Thank you lord natapos din!" Masayang sigaw ni Grace co-doctor ko. "Let's eat."

After 8 hours natapos din yung operation and success, ano pa ba? Pag labas namin ng E.R hinanap ko yung lalaking sumigaw kanina.

"Hey, sinong hinahanap mo? Nako may nakita ka na namang gwapo? Daya mo talaga hay." Sabay pout niya.

"Wag kang mag pout di bagay. Yung lalaki kase kamag-anak ata nung enoperahan natin kanina bago ako pumasok nandyan siya. Weird nga eh." Sabi ko.

"Dito nalang tayo," turo niya sa bakanteng upuan. "Baka naman umuwi tignan mo alaskwatro palang ng madaling araw." Sabay subo ng ulam niya. "Pero nagtataka talaga ako grabe naman yung tama ng baril nung lalaki, may mga pulis na ba daw para mag investigate?"

Tumingin ako cellphone ko bago magsalita, "Grace alam mong bago din ako kagaya mo kaya hindi ko pa alam kung pano ang process dito, mauna na ko."

Umalis na ko para icheck yung pasyente ko, Paolo Imperial ang name niya na nakalagay sa list, pag dating ko sa loob shet lang daming men in black na naman. "Kaano-ano nyo po yung patient?"

"Doc, hi ulit hehehe galing mo nabuhay mo pa tong kumag na to." Sabi ni mister harina habang ako naman nakatingin sa pinoposasan nilang si Paolo.

"Mister bakit niyo siya pinoposasan? Hospital arrest or what?" Takang tanong ko.

"Doctora killer po yan." Sagot nung lalaking nasa may pintuan na kinagulat ko.

"Ha-a?" Takang tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mafia's DoctorWhere stories live. Discover now