Chapter 1

19.3K 205 6
                                    

Chapter 1

Pagkatapos ng klase ay dali-daling lumabas si Carmela ng University na pinapasukan at nagtungo sa direksyon ng parking lot. Naroon na ang kanilang driver na si Mang Lando. Nang makita nito na palapit na siya ay agad naman nitong binuksan ang pinto ng backseat.

"Salamat." sabi niya rito at sumakay na.

Importante ang araw na iyon dahil iyon ang uwi ni Third galing Chicago kung saan ito nag-aaral ng Business Management. School vacation nito ngayon doon kaya naman sigurado siya na dito sa pilipinas nito gugulin iyon gaya ng ginagawa nito taun-taon.

Si Third o Santino Figueroa III ay ang stepbrother niya. Ang Daddy nito ay napangasawa ng kanyang Mommy noong Thirteen years old pa lang sila at ito naman ay Sixteen. Unang beses pa lang sila pinakilala sa isa't-isa ng kanya-kanyang magulang ay malaki na ang paghanga niya kay Third.

Mabait ito sa kanya kaya naman naging close sila sa isa't-isa. Maraming luha ang nailuha niya ng magtapos ito ng high school at pinili nitong manirahan at mag-aral ng kolehiyo sa Chicago kung saan naroon rin ang Ina nito kasama ang bago nitong pamilya.

Naiibsan lang ang kalungkutan niya kapag school break nito ay umuuwi ito ng pilipinas. At ngayon nga at nakatakda itong umuwi. Ayon na rin iyon sa kanyang Tito Santi niya ang Daddy ni Third.

Kahit kailan ay hindi alam ni Third na may lihim siyang pagtingin dito. Batid niyang pagtingin na tulad sa nakababatang kapatid ang kaya lang nitong ibigay sa kanya.

Pero determinado siyang baguhin iyon. Inayos niya ang sarili. Ngayong College na siya pwede na siyang gumamit ng kung anu-anong pampaganda. Inalagaan niya ang maputing balat na mamula-mula at makinis dahil hindi niya kinaliligtaan na maglagay ng lotion. Ganoon din ang mukha niya na swerteng hindi man lang tinutubuan ng pimples.

Marami na rin nakakapansin sa kanyang ganda at hindi lang iisa ang nanliligaw sa kanya sa University, pero ni isa sa mga ito ay hindi niya pinagtuunan ng pansin dahil iisang tao lang ang gusto niyang makasama. At iyon ay si Third.

Napangiti siya sarili. Siguradong magugulat si Third kapag nakita siya. Hindi na siya ang simpleng bata babae noon na sunod ng sunod kung saan man ito magpunta. She would be Eighteen in two weeks time. Isa na siya ngayong dalaga. Dalagang pwedeng maging kasintahan, at hindi lang isang kapatid para dito.

Nang ihinto ng driver ang kotse sa garahe ay hindi na inantay pa ni Carmela na pagbuksan siya nito ng pinto. Dali-dali na siyang pumasok sa loob ng Mansyon. Pagpasok niya ay narinig niya ang boses ni Third na nasa may patio at kausap ang kanyang Mommy at ang Daddy nito.

Tumigil muna siya sa akmang paglabas sa patio at tinignan ang sarili sa isa sa mga salamin sa living room, inayos niya muna ang sarili at naglagay ng kaunting lip gloss at powder. Nang masiguro niyang maayos at presentable na ang itsura ay tsaka niya pinaalam ang presensya niya sa tatlong naroon.

"Carmela, andyan ka na pala. How's school?" tanong sa kanya ng Ina.

"Fine." humalik siya sa pisngi nito ganoon din sa Tito Santi niya. Wala siyang masasabi sa bait ng Tito Santi niya kaya naman itinuring niya na ito na parang tunay na ama, although hindi niya pa magawang tawagin din itong 'Daddy', because she still felt it will be betrayal to his deceased father, who is equally a great man like Tito Santi. Umupo siya sa katapat na upuan ni Third. "Third."

Nang magtama ang kanilang tingin ay simpleng tango at ngiti lang ang isinagot nito sa kanya. Bagay na ikinainis niya pero hindi siya nagpahalata. Hindi man lang siya nito binati sa malaking pagbabago sa kanya.

Sumali na rin siya sa usapan ng mga ito. At tahimik na nakinig sa mga kwento ni Third tungkol sa pag-aaral nito sa Chicago. Nasa huling taon na si Third sa kurso nito. Pagkagraduate nito ay magti-train na ito para sa pamamahala ng kumpanya. Lalo siyang humanga rito nang sabihin nito sa ama, na magsisimula muna ito sa mababang posisyon and make his way up through hard work. Nang sa gayun ay hindi ito masabihan ng mga tao na kaya lang nakarating sa mataas ng posisyon dahil sa anak ito ng may ari ng pinakamalaking Oil Company sa bansa. Truly a man of pride and dignity.

Love Misunderstood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon