Chapter 3
Ten years later...
No matter how much she tried, Carmela can no longer avoid the inevitable. It's been ten years since Third and she, came face to face. Nasa library siya ng mansyon ng kanyang Tito Santi.
Since he's funeral, she did everything to never cross path with Third. A few days after his fathers death; due to heart attack; Third returned to the Philippines. Carmela purposely never showed at the funeral house again, kung saan nila nilagak ang labi ng kanyang Tito Santi. Sa araw ng libing nito ay hindi rin siya sumabay sa mga tao. Nasa kotse lang siya at hinintay na umalis ang lahat ng mga tao before she gave her respect to her Tito Santi. Who is nothing but a kind and patient father to her. Lagi nitong sinasabi na pakiramdam nito ay siya ang mas tunay na anak nito kaysa kay Third. Ganun rin naman siya rito. She had learned to love him like a father.
Kahit isang beses ay hindi nagtanong sa kanya ang Ina. Alam niyang marami itong nalalaman sa mga nangyayari. Kahit hindi nila napag-uusapan ang mga bagay-bagay ay nirerespeto nito ang pananahimik niya.
Third came back with his new girlfriend in tow. Kahit ayaw niya ay nalalaman niya ang mga bagay-bagay tungkol rito. Hindi niya alam kung sinasadya ng kanyang Mommy at Tito Santi noon na pag-usapan ito sa harapan niya. Lahat ng taktika ay ginagawa na niya para malihis ang kanilang usapan kapag nababanggit na ang pangalan ni Third. Hanggang sa siya na ang sumuko at hinayaan na lang ang mga ito na magsalita ng mga bagay tungkol kay Third.
Pagkagraduate nito sa kurso nito sa Chicago ay nagtrabaho na ito sa Dubai kung saan may opisina ang Oil Company nila roon na direktang nag-aangkat ng mga krudo. Hindi na muli pa itong tumapak ng Pilipinas. Madalas ay ang Tito Santi niya ang nagpupunta sa Dubai basta't tungkol sa kumpanya at para na rin makita ito.
Ngayon narito na ulit ito sa Pilipinas alam niyang ito na ang hahawak ng kumpanyang iniwan ng ama nito. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pinatawag siya ngayon ng Attorney ng kanyang Tito Santi. Kahit anong pilit niya rito na sabihin na sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan ang presensya niya sa pagbabasa ng huling testamento ng kanyang Tito Santi. Tikom ang bibig nito tungkol doon, ang sinabi lang nito ay mahigpit ang bilin ng Tito Santi niya ay dapat pareho silang present ni Third bago basahin ang testamento.
Ang isa pa sa ipinagtataka niya ay wala rin dito ang kanyang Mommy na dapat ay may pakialam dahil legal itong asawa ng Tito Santi. Pagkalibing ng asawa nito ay umalis na ito ng Mansyon at umuwi sa Ancestral house nila sa Laguna. Sa mga magulang iyon ng kanyang Mommy na ipinamana na rito. Dahil doon ay nagpapasalamat siya na umalis na ito at pumunta roon. After this baka ganun na rin ang gawin niya susunod siya rito. She had to keep away from Third as far away as she could.
She felt sick. Dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa na nasa loob ng library. Tumayo siya at dumungaw sa bintana. Tanaw sa bintana ng library ang Garden na alaga ng kanyang Mommy. Her Mom loves gardening, kaya hindi na nakakapagtaka kung puno iyon ng iba't ibang klaseng halaman at ang mga bulaklak. Nakita niya ang swing sa gilid ng garden.
She missed sitting there. One thing na nagustuhan niya sa swing na iyon is that it was installed there after Third left. Isang bagay sa Mansyon na iyon na hindi makakapagpaalala sa kanya ni Third.
BINABASA MO ANG
Love Misunderstood (Completed)
RomanceCarmela and Third almost grew up together since their parents married each other they became Step Siblings. Carmela knew even at a young age that Third holds a special spot in her heart. She swore that she would do everything para mahalin rin siya...