Chapter Four

77 13 2
                                    

Chapter Four: Her Roomates

Athena's POV

Naglalakad kami ngayon sa hallway pero lutang ang isip ko, Kanina pa kasi paulit ulit na nag re replay sa utak ko yung mga nalaman ko at ang nagiisang tanong na di ko masagot...

Kasama kong naglalakad si Blaize ba yun yung pangalan niya? Ewan!

Nasa likod niya ako at sumusunod lang ako sa kanya, Tinitingnan ko ngayon yung mga kwarto dito..

Pinto pa lang yung titingnan mo pang mayaman na talaga at halata mo na sosyal

Kakatingin ko sa mga pinto dito, di ko namalayan na huminto siya kaya nabunggo ako sa likod niya...

"Arayy!" pagmaktol ko habang hinhawakan yung ilong ko, Leche! Baka mapango to huhu

"Tss. Stupid" rinig kong bulong niya Aba't!

Magsasalita na sana ako ng kinatok niya yung pinto kaya tinikom ko na lang ulit yung bibig ko

Kakatukin niya sana ulit yun pero bigla na ito bumukas

"Oh kuya? Anong ginagawa mo dito?" tanong ng babae na nagbukas ng pinto, meron siyang magandang mata, saktong pilik mata, natural blush on, at pinkish lips, Ang cute niya, at sa tingin ko mavait siya~

"Your new Roommate, Explain EVERYTHING to her, She's new here, Guide her slowly so she can absorb all the informations you'll tell her" seryosong sagot nitong katabi ko

"Wow kuya, Record breaking! Ang haba ng sinabi mo!!!" tuwang tuwa habang naga clap na sabi ng babae hahaha Ang cute niya lalo!

"Tss" sabi niya at humarap sakin "This will be your room together with your roommates, They will be the one to answer your questions, You already have some clothes and uniforms for tomorrow so you don't need to worry, Everything here is Free so you don't need to pay for anything, Every week you'll get allowance cost 5000 pesos, if you have further questions, Ask her" sabay turo sa babae "I'll get going"

Humarap ako don sa babae pero parang wala siya sa isip niya, Anyare dito?

Naglakad ako at tumigil sa harap niya

I waved my hand infront of her face but it seems like she's not here

"Hoy Aira! Ano bang----" biglang may lumabas na babae, napatingin siya sakin na may nagtatakang mata pero binaling niya yun ulit yun sa babae na parang natulala

"S-Si K-Kuya, mahaba ang s-sinabi niya!" sigaw niya at biglang nagtatatalon na ikinagulat ko at pagka shock ng babae kanina

"Kyahhhhh!!!" muntik na akong mapatalon dahil sa mga tili nila, Aish!

"Hala! Baka di yun si kuya O M O!!!" sigaw ulit ng babae kanina

"Haha! Iba nga ata mood ng kuya mo,Pero BTW, Sino siya?" tanong ng babae na kakalabas lang sabay turo sakin

"H-Hello" nahihiyang sabi ko

"Hi! Tara pasok ka!" hyper na sabi ng babae kanina na sumalubong samin

"Ahh, Siya ba yung bago nating roommate? Haha! Hello~!" bati sakin nung nagtanong

Pumasok na kami sa loob

"Lika, Upo ka muna" sabi nung bubbly girl

Umupo naman ako sa couch, Inikot ko yung tingin ko sa kabuuan ng kwarto, I mean, Bahay... Meron siyang personal kitchen, katabi nito yung Dining hall, mula dito kita ko yung veranda at sa tingin ko maganda ang view mula doon

May hagdan din sila, hindi lang basta hagdan kasi may red carpet siya, actually buong kwarto/bahay may red carpet

Nasa harap ng couch yung malaking flat screen TV, na may kasamang 4 na joysticks, katabi nun yung DVD Player at mga CDs

"Hi, Ako nga pala si Aira Blaire Cullin, Air Elementalist"sabi nung nagbukas ng pintuan kanina, ngayon ko lang napansin yung gray tattoo sa wrist niya, Para siyang symbol ng hangin

"Ako naman Ashley Rain Chua, Water elementalist" nakangiting sabi nung babae kanina na nagtanong kung sino ako, Katulad ni Aira, meron din siyang blue tattoo na parang ocean waves sa wrist din

"Ikaw, Anong pangalan mo?" dugtong niyang tanong

"Ako si Athena Davis" sabi ko at nginitian sila

"Haha, Anong powers /magic mo?" tanong sakin ni Rain

"Ughmm...H-Hindi ko a-alam?" sagot ko, di ko kasi alam eh, nakita ko naman na parang nagulat sila

Nang makabawi, Biglang nagsalita si Aira "Baka late bloomer ka lang" sabi ni Aira, Hayy Sana nga

---------

Hanggang jan po muna~ Pinakilala ko lang yung roomates niya haha

Keep supporting guys!

Thank you sa nagbabasa nito at sorry sa mga typos or grammatical errors

AlphaQueen_17

Long Lost Light PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon