Maraming tao ang nag hahanap nang pag ibig
Ngunit kanilang sinambit "hindi ko nais masaktan"
Paano kangaba mag mamahal nang di nasasaktanNoong bata kapa ,
Mga panahong hindi kapa makatayo sa sarili mong paa
Mga panahong wala kang kamalay malay sa mundo
Sumugal kana
Sumugal ka sa paglakad
Hindi mo alam kung saan to tutungo pero sumugal ka
Sa paglakad mo maraming beses ay nadapa ka ,
Akala mo pagod kana pero sumugal kapa
Akala mo huli na pero pinilit mopa
Sa bawat pagtapak mo
Mga pagkakataong nadapa ka
Hindi mo ito binalikan pang muli
Mga maling hakbang dinaanan mo
Dahil natuto kanaNgayon
Gusto mong matutong magmahal,
Ngunit
Kaya mong languyin ang pinakamalalim na dagat nang lungkot,
Pinaka malakas na alon nang pag iisa,
Di mo alam kung kaya mo pero sa isa pang pagkakataon tumaya kapa
Hindi ka lumubog sa pag subok nang dagat
Pero inalon ka nang pag iisa
Dahil sa lalim nang dagat nang lungkot
Ngumingiti kalang
Mga ngiting bakas ang sakit
Mga ngitingg may bakas nang pananabik
Pananabik sa isang bagay na nais mong makamtan
Ang umibig ,
Dumating ang pag ibig mo
Madaming burol nang pagtatalo ang inakyat nyo
Madaming ilog nang di pagkakasunduan ang tinawid nyo
At hindi ka sumuko
Ngunit may isang bagay pala na hindi nasanay ang sarili mo
Sa kung paano tanggapin ang bagyo nang katotohanang wala na sya
Wala na syang yumayakap sa gabing malalamig
Wala na syang bumubulong sa gabing madilim
Wala na syang nag papalakas nang loob mo
Dahil inanod na sya , nang isang malakas na bayo nang tukso ,
Dimo alam ang gagawin mo,
Tumulo ang mga luha sa mga mata moPero pagkatapos ng maraming gabing kay dilim, umagang kay ginaw... sa wakas, ngumiti muli siya. Hinamon ulit ang pagsubok lulusong muli sa tubig, susugal at susugal pa. Dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit para sa pagmamahal? Hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?