Ano mang ibato mo
Ano mang sabihin mo
Ano mang ibansag mo sakin
Saktan moman ako
Mananatili akong bato
Dahil kulang pa ang mga ginagawa mo
Sa naranasan ko
Oo inaamin ko
Naging manhid natong puso ko
Pero dimo masisisi
Dahil sa sakit na dinanas ko
Kinailangan kong ibilad ang mga unan ko
Dahil binasa nato nang mga luhang puamapatak galing sa mata ko
Mga pinipigil na iyak
Habang bumababa ito sa dibdib
Na ang hirap pigilan ..
Sa basat pintig nang puso ko
Bumibilis ito sa tuwing naririnig kong may kasama na sya
Masaya na sya
At kailan man hindi na luluha pa ..
Hindi moko masisisi
Kung dinako marunong magbigay pa
Dahil nag bigay nako dati
Ngunit walang natira
Walang natira para saakin
Sa mga araw na wala akong umalis kadin
Oo..
Inaamin kong hinahanap hanap ko
Mga halik mo sa pisngi ko
Habang hinahagkan mo ako
Mga bawat letrang lumalabas sa bibig mo isa lang ang ibig sabihin na mahal na mahal mo ako
Mga araw na puno nang kaligayahan
Pero sa loob may nassaktan
Pinilit kong itago ito sa loob nang madaming taon
Pinilit kong lokohin ang sarili ko sa mga kasinungalingang mahal mopako
Pinilit kong ipagsisikan ang sarili ko kahit alam ko may iba na sa puso mo
Kaya sa huli
Natalo din ako
Hindi ako sumuko dahil hindi nakita mahal
Sa katotohanan nga hanggang ngayon ikaw parin ang inaasam
Pero wala na ang kirot nang kahapon
Mga alaala na puno nang kasinungalingan wala na , wala nakong nararamdaman pa ,
At ngayong nakalimutan na kita
Bat kailangang mong bumalik pa?
Una palang sinabi kong ayokong maging mahalaga
Hindi ako antigo na itinitago mo para hindi mawala hindi ako alahas na ilalagay mo sa kahon upang hindi makuha nang iba ayoko nang maging mahalaga ang gusto ko ay mahalin ,
Mahalin mo ako sa kung anong meron ako
Sa kung anong sino ako
Pero , naalala ko , ayoko na pala
Pagod nakong masaktan pa
Pagod nakong umasa sa kawalan
Pero wala akong pinagsisishan
Samga araw na pinasaya moko
Sa mga araw na pinaramdam mong mahal moko
Salamat din tinuruan mokong ipag tanggol ang sarili ko
Kagaya sa mga tanginang katulad mo gago.