2

67 12 2
                                    

"Hija? Lumabas ka na diyan. Kakain na tayo" Sigaw ni tita Sab sa labas ng kwarto

"Okay po tita. Coming" I answered

I jumped out of my bed and put on a cardigan. Naka tank top lang kasi ako. Then I left my room

"Apo!" Paps excitedly said as he saw me walking downstairs

"Paaaaps. I miss you so much" I ran towards him at niyakap ko siya ng mahigpit

"Namiss ko rin ang paborito kong apo. Kamusta ka na? Kumakain ka ba doon ng maayos? Bakit pumapayat ka yata?" Sunod sunod niyang tanong

"Dami niyo naman pong tanong paps" I chuckled

"Mamaya na kayo makipag kwentuhan. Kumain na tayo" She said without giving any emotion

Nauna nang pumunta si paps sa dining habang naiwan kami ni mommy

Mommy just looked at me and left

Wala ba siyang sasabihin saakin? Wala man lang 'hi anak namiss kita'? Wala man lang yakap? Matagal ko na siyang hindi nakita, nayakap. Miss na miss ko na siya. Siguro ganito na talaga siya. After ng pagkamatay ni daddy, she changed. She's not the mother that I used to know. She might never come back to her old self.

I sighed and went to the dining table

"Pasensiya na at hindi makakadalo sila Emilio. May sakit daw bunso niya. Si Eunice lang ang pumunta" Ani tita Sab

"Syempre. Miss na miss na yata kita uy" Ani ni Eunice na nakangiti saakin

Hindi nakatira sila tito Emilio sa mansyon ni paps. They moved out of the mansion after Eleazar, their second child was born. At nasundan pa ni Ethan, ang kanilang bunso. Sa mansyon na ito, si paps, tito Arturo , tita Sab at iilang kasambahay nalang ang nakatira rito. Si mommy naman ay nakatira sa bahay ng bago niyang asawa

"Ewan ko sayo. Dati inaaway moko tapos ngayon miss moko?" Sabi ko habang nakataas ang kilay

"Syempre miss kitang awayin" Ani Eunice tapos humalakhak

"Umayos na kayo. Magsisimula na tayong kumain" Ani mommy

"Apo dito ka" Masayang sabi ni paps at tinapik-tapik niya ang upuan sa gilid niya

Naka tingin lang saakin si mommy. I tried to smile at her but she wasn't looking anymore. May problema ba saakin si mommy?

Umupo na ako sa tabi ni paps. Si paps ang nasa harap ng table tapos ako sa right niya, si mommy naman ang nasa left side. So bale, magkaharapan kami ni mommy. Katabi ko naman si Eunice sa right side ko at katabi naman ni mommy ang kapatid niyang si tito Arturo. Katabi ni tito ang kanyang asawa na si tita Sab.

Napansin ko na wala pala si governor Manuel. Ang napangasawa ni mommy after namatay si daddy. I didn't go to their wedding. I think it was only tito Arturo, tita Sab, tito Emilio and his wife, tita Rebecca came. Paps didn't even go. Katawagan ko siya nung mga panahong iyon. He was trying to comfort me. Hindi ako pumunta kasi nasa abroad ako nun at hindi ko kayang may iba nang lalaki si mommy. Nasaktan ako ng sobra kasi ganun na lang pala kadali palitan si daddy. They contacted me weeks after the wedding. Mommy looked happy with governor. Wala na akong nagawa. I want mommy happy. She was miserable after my daddy died. Nagkukulong sa kwarto, laging lutang. Minsan nga bigla nalang siyang umiiyak. Ngayon masaya na siya sa piling ni governor Manuel. If mommy is happy then I'm also happy

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon