Tapatan

14 0 0
                                    

       Ang sakit ngunit wala na akong pagpipilian kundi ang harapin ang katotohanan.
Hindi na ako nakipagtalo pa kaya sumama nalang ako sa bahay nila upang mabigyang linaw ang mga bagay-bagay.

       Namangha ako sa ganda ng bahay nila Fred ngunit sandali lamang ito dahil natabunan yata sa kaba na aking nararamdaman. Hindi ko lubos maisip kung hanggang dito nalang ba talaga ang kwento ng aming pag-ibig o may karugtong pa.

"Fred", di ko mapigilang tawag sa kanya saka niya ako nilingon. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Everything will be going fine, Belle. Trust me. Sooner or later...", pagpagaan niya sa aking nararamdaman.

"What if...", parang ayaw ko ng tumuloy, para kasing tinatambol at kasabay ng may sumaksak sa aking puso lalo na sa isiping this will be over soon...

"Shhh, did I not tell you to trust me?", balik tanong nya. I just nodded. Then he presses the doorbell. At may nagbukas na isang babaeng medyo may edad na.

"Nanay Siding, si Alfred po ba andyan sa loob?", tanong ni Fred sa babaeng Nanay Siding ang tawag nya. Sa tingin ko yaya nya ito.

"Oo, Z nasa loob si Al. Halika pasok kayo.", sagot naman ni Nanay Siding. Habang papasok kami at papalapit na sa pintuan, hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Fred o siguro mas magandang Z nalang. Binuksan ni Nanay Siding ang pintuan at ...

"Z, ikaw na ba yan?", tanong ni Alfred na ikinagulat ko. Akala ko kaya kong sumbatan sya at magalit sa kanya ngunit sa nakikita ko ngayon ay parang nawala lahat ng galit at mga tanong sa isip ko. Hindi ko alam pero kusang tumakbo ang mga paa ko papunta kay Alfred at saka sya niyakap nang mahigpit. Namiss ko sya.

"Sino ka?", tanong nya sa akin at gulat na gulat sa aking ginawa. I can't help but cry.

"Hindi mo na ba ako matandaan? Ang daya mo sabi mo hindi mo ako kakalimutan, sabi mo hinding hindi ka magsasawang tingnan ako sa malapit o malayo man. Bakit ganun? Hindi mo lang ako kinalimutan, hindi mo na rin ako matitingnan?", humihikbi na talaga ako, hindi ko inaasahan na ganito pala kabigat.

"Excuse me Ms. I'm sorry I can't remember some of my memories. Who are you?", tanong nya uli at medyo lumayo sya nang kaunti sa akin. Natauhan naman ako sa aking ginawa at saka ko lang napagtantong nakakahiya pala kasi para sa kanya I am just a stranger.

"I'm Isabela", Kumunot ang noo nya sa pagkarinig nya sa pangalan ko. Does my name ring a bell?

"Oh, Isabelle my twin's one and only love?", sagot nya at syang ikinapagtaka ko. Sasagot pa sana ako but we are interrupted by a fake cough from Z.

"Ehem...", Z's. "Shall we sit first? We will do the story telling while having our snacks? Nanay Siding, pahanda po ng meryenda?", baling nya kay Nanay Siding.

Naguguluhan talaga ako ngunit 'di ko maintindihan ang aking sarili na parang buong-buo ang tiwala ng aking puso at isip na magtiwala kay Z gaya ng sabi nyang magiging maayos din ang lahat.

Ikaw Ba S'ya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon