Pretty little liar

32 3 0
                                    

"Tara labas tayo, bessy" yaya sa akin ng kaibigan ko.
  
   
  
"Ayoko dito lang ako sa room" sagot ko naman sa kanya.
  
   
   
Gusto ko lang maiwan dito para mapagmasdan ng matagalan si Chelo habang natutulog pa ito.
  
  
Pansin ko ang palaging pagtulog niya nitong mga nakaraang araw. Lagi sigurong puyat dahil sa training ng basketball.
  
   
  
Maya-maya pa'y wala narin si Andi kaya tumayo na ako sa upuan ko para lumapit sa desk ni Chelo.
  
   
   
Crush ko siya pero di niya alam.
  
   
   
Bakit?
  
  
   
Kasi. . . Ayoko! 
  
     
 
Kasi may mahal na siyang iba.
  
  
   
His with Ann for almost 2 months.
  
   
   
2 months ago when this realization hits me.  
    
   
  
I'm late.
 
  
   
"Chelo, nasan na yung ballpen na hiniram mo kanina?" Mahinang sabi ko sa kanya habang niyuyogyog pa ito para magising.  
   
   
   
"Huh? Meron ka pa naman siguro"
Sabi niya habang kinukusot ang kanyang mga mata.
   
   
  
Isa lang ang naisip ko. . . Cute.
  
   
   
"Nagiisa lang kasi yun eh." Kumakamot ulo kong sabi.
  
  
   
"Eh bakit mo pa ipinahiram" tumatawa siya habang sinasabi niya yun. Ano namang nakakatawa?
Dang! Anong sasabihin ko.
  
   
   
"Kasi. . . Nanghihiram ka?"
 
   
   
"Pilosopo ka pala kristel" sabi niya habang ni-pa-pat ang ulo ko. and I find his gesture, very weird.
  
   
   
"Hindi naman masyado." Sagot ko nalang. Ang awkward kasi talaga.
  
  
  
"Sandali kukunin ko" tumalikod siya at nagsimulang hanapin yung ballpen ko.
 
  
  
Bakit kahit nakatalikod ka, ang gwapo mo parin Chelo.
 
  
 
"Eto oh" sabay abot sa akin.
  
   
   
Dahan-dahan ko itong inabot dahil hinihintay kong magpasalamat siya.
  
  
  
Pero tuluyan ko nang nakuha ang ballpen sa kanya, at ni ano mang salita wala siyang sinabi.
  
   
  
Mahirap ba talagang magpasalamat.
  
   
   
Simpleng thank you lang. . .
  
  
  
"S-sandali!" Paalis na sana ako nang hawakan ni Chelo ang kamay ko.
  
  
  
"Pwede ba tayong mag-usap?" Dagdag pa niya.
  
   
  
Tumango ako bilang sagot, kahit na hindi ko pa alam ang pag-uusapan namin.
  
  
   
Dinala kami ng mga paa namin sa mini-garden ng school.
   
   
   
Agad akong umupo sa bench katabi ng fountain, tumabi din naman siya sa akin.
  
   
  
Pero hindi siya dumikit. . .
May nakakahawang sakit ba ako? Di ko maiwasang isipin. Kanina kasi tinawanan niya ako nang walang dahilan, tapos ang layo-layo niya sa akin ngayon— sana naman di niya gawing awkward yung ambiance. Kahit magpakitang tao lang siya sa akin, hindi yung ako pa rin— ako na nga palagi eh.
  
  
   
"Kamusta?" Biglang sabi niya.
Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya, hindi ko kasi alam kung bakit niya ako kinakamusta.
   
   
   
"B-bakit?" Naguguluhang tanong ko.
  
   
   
"Aling bakit? Kung bakit tayo pumunta dito o kung bakit kita kinakamusta?" Nangiti niyang sabi. Natatawa ba siya dahil di ko masagot ang simpleng tanong niyang iyon?
   
 
  
"Parehas"
   
   
  
"Pumunta tayo dito dahil gusto kitang kamustahin"
  
   
   
"EH BAKIT HINDI NALANG SA ROOM!?" di ko maiwasang hindi sumigaw. FOR PETE'S SAKE! ANG LAYO NG GARDEN SA ROOM NAMIN, TAPOS KAKAMUSTAHIN LANG PALA AKO. And DANG! I FELT A PANG ON MY CHEST,  Akala ko kasi katulad ng ibang story, ito na yung time na magco-confess si guy. pero mali ako. oo nga pala may girlfriend na siya. I should be happy for him, right?
  
  
"Kasi gusto kong makasama ka nang matagal." Mahinahon niyang sabi.
Naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Ano bang meron?
   
  
   
"Chelo, hindi kita maintind—"
   
   
  
"Gusto mo ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya.
  
   
  
May girlfriend siya, bakit siya nagtatanong ng ganon.
   
    
   
"ANO BANG PINAGSASABI MO? MAY GIRLFRIEND KA TAPOS NAGTATANONG KA SA AKI
   
    
    
"Kung wala akong ba akong girlfriend, magugustuhan mo ako?"
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, pero mas nagulat ako sa reaksyon niya. Nakangiti lang siya, pero napaka genuine ng ngiting iyon. Wag niya sanang gawing biro ang lahat.
 
  
  
"Hindi talaga kita maintindihan, Chelo. Hindi ko alam kung anong punto mo."   
    
   
   
"Sagutin mo nalang. . . Gusto mo ba ako?" Nakangiti parin siya habang sinasabi niya iyon.
  
   
   
Sa totoo lang, OO, matagal na, Chelo. Gusto kong sabihin pero iba ang lumabas sa bibig ko.
  
  
  
"H-hindi." Napatingin ako sa ibang direkyon dahil hindi ko kayang magsinungaling sa harap niya.
 
  
  
"Bakit nabubulol ka? Bakit di ka makatinggin sa akin? Bakit nanginginig ka? Sabihin mo sa akin Kristel."
  
  
  
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. . .
  
   
   
Nakatawa parin siya. . .
 
   
   
Hinihintay ang magiging sagot ko.
  
   
  
"Tumingin ka sa mga mata ko." Sabi niya habang nAkahawak sa dalawang pisngi ko.
  
  
 
Hindi ako makapag-salita.
   
   
Gusto kong sabihin na mahal ko siya pero hindi ko pwedeng sabihin ang totoong nararamdaman ko. Masaya na sila ni Ann, at masaya din sa kanya si Ann. Hindi ko kayang sumira ng isang relasyon.

Pretty Little Liar (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon