Inalimpongatan ako kasi ramdam kong ako lang nagiisa sa building na 'to kasi lahat pumunta sa Free Bird nilang tawagin kaya tumayo ako at naghanap ng mask (yung half na mask tapos puti tapos ang ilong at ang bibig lang ang natatakpan nito) at jacket na malaki, malamig kasi sa labas ewan ko na lang kong bakit parang kinulang na mga tela ang sout nila, jusko!Sumakay ako ng elevator at tama nga ako, ako ang nagiisa sa building na ito.
Saan naman ako pupunta nito?
Nagting ang elevator at bumukas kaya naglakad ako na nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket niya.
Lumabas na ako sa building at naglakad, huminto na lang ako at nilibot ang tingin nasa isang park pala ako.
May swing at upoan dito at tanging ang moonlight at street light lang ang nagpapaliwanag sa gabi.
Umupo ako sa swing at nilabas ang MP3 ko sabay patugtog nito.
Ako lang ang nagiisa dito sa park, kasi nga nandoon sila lahat, ayaw ko namang pumunta doon kasi baka mawala pa ako o ano pang mangyari sa akin.
Napansin kong may bulalak na rose pala dito kaya lumapit ako at kumuha pero sa kamalas malasan naman natusok ako at dumugo yung hintotoru at napa'aray'
"Yan kasi napapala sa mga pakialamero" may biglang bumulong sa kaliwang tenga ko and I got goosebumps at naistatwa.
"O bakit ganyan reaction mo?" Tanong niya ulit pero ngayon hindi na bumulong.
Humarap ako sa kanya at mas natulala sa kagwapohan niya, ngayon lang ako nakakita ng ganitong gwapong nilala well mas gwapo naman dada ko ^.^
Maitim ang buhok, mapupungay na mata, matangos na ilong, mas mataas sa akin, naka sweater siya ngayon ng sky blue at suot ang ngiting mapangloko.
"Ah, sorry" sabi ko at nilampasan siya pabalik sa swing na kinaupoan ko kanina.
"Bakit ka naman mag-sosorry?" Nakatawa siya at umupos sa katabing swing at tinignan ako.
"Para ka kasing ano, a basta ewan" bakit parang loka loka ako sa pag nandyan siya? Anong nangyayari sa akin?
"May dumi ba ako sa mukha at hindi ka makatingin sa akin?" Mapangtokso niyang tanong sa akin at nilapit niya ang mukha niya sa akin, nakikita ko through peripheral view, ayaw ko namang tignan siya.
"Wala, hindi lang ako sanay" nilakas ko agad ang volume ng MP3 ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa building.
"Ui" tawag niya, naririnig ko kasi 'yun lang ang tanging maingay dito sa park at ang musika na naririnig ko.
Naglakad lang ako hanggang wala na ako sa park at bumalik na sa building malapit na ako nang may humila sa akin, tinakpan niya ang bibig ko at hinila sa madilim na parte na hindi ko alam kong saan.
Nagpupumiglas ako sa kapit niya kasi baka manyak to o marape ako ng di oras.
"You can't let them see that you're not wearing make up or you'll be punished" hala, oo nga nasabi din 'yun nila Angelic at nalungkot ako bigla kasi nagpupumilit akong wag silang umalis na parang close kami at hindi naman.
Tumigil na ako sa pagpupumiglas at tinanggal naman niya ang pagtakip sa bibig ko pero nakakapit parin siya sa bewang ko at nasa likod ko siya.
"Why?" 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko
"Trust me" yun lang ang sagot niya at hinila ako at pumasok kami sa back door ng building at naglakad na, walang ingay ang paglakad namin hanggang sa umakyat na kami ng hagdan.
Makakaya ko ba 'to? 7th floor ang room namin tapos nasa 1st floor pa kami, hindi kaya ako mahihimatay sa pagod nito?
Nag-umpisa na kaming umakyat at hawak hawak niya parun ang kamay ko, napaka hokage naman ni kuya.
Ay, hindi ko pa pala alam yung pangalan niya.
Tinignan ko siya at tumapat ang tingin ko sa I.D niyang nasa bulsa ng pants niya sa may pwetan kaya kinuha ko 'to ng hindi niya malalman at success na kuha ko.
Tinignan ko kung ano ang pangalan niya.
And he's JERICO MAGNISYO, ows pinoy din pala ang lalaking 'to kaya binalik ko sa kanya ang I.D niya nung naramdaman niyang mayginawa ako sa pwet niya tumingin siya sa akin at tinigna ng masama.
"Woah, e sasauli ko lang yung I.D mo" pagdedepensya ko ay nakarinig kaming may papabukas na pintuan dito sa third floor, bakit ko alam kung anong floor na? Kasi sa pintuan na 'yun may number kasing nakalagay.
Binilisan niyang lumakad at hinila ako ng malakas at pinahiga sa isang railings at ang lapit ng mukha niya sa akin, nakatalikod ako sa taong 'yun at si Jericl lang makikita mo sa pwesto niya.
"Ui, Jerico ikaw lang pala. Aba nakapingwit ka agad a" sabi nung lalaki ang boses na bumukas sa pintoan.
"Sige na pre, tataposin lang namin 'to" at hinalikan ako, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, gusto ko siyang sampalin pero hawak nya ang dalawa kong kamay.
"Hala sige pre" at pumasok naman si lalaki.
"Wag kang OA, naka mask ka" Bord niyang sabi sa akin at hinila na naman ako.
Oo nga naman, pero ramdam ko 'yung labi niya e! Nakakainis ang bakulaw na 'to! Grrrr.
Nakarating na rin kami ng 7th floor at hingal na hingal ako pero siya kampante lang parang sanay na sanay sa ginawa.
"Salamat, Jerk" sabi ko at nagsmirk lang siya.
"You're Welcome my lady, mag ingat ka Athena" sabi niya at nagpatuloy na umakyat papunta sa kung saang floor man siya.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Binuksan ko yung pinto sa 7th floor at tumambad sa akin ang tahimik na pasilyo sa floor tatapak na sana ako nung bigla tumunog ang elevator kasi magkatabi ang elevator at ang pintoan para sa hagdan ng building.
Nagtago ako sa lilod ng pintuan at binugkas ko ng maliit para makita ko kung sino at si Angelic na may kasamang lalaki na nakaakbay sa kanya at lasing na lasing sila.
Bigla na lang pinahilig nung lalaki si Angelic sa pader at hinalikan ito, napatakip ako sa bibig ang nasaksihan ko hanggang natapos sila sa halikan at hipuan.
Tumulo na lang ang luha ko sa hinding malaman na dahilan.
Dahil ba sa nasaksihan ko?
O dahil sa nalaman ko ngayon?
BINABASA MO ANG
That university
Romance✋WARNING✋ Kaya mo bang masaksihan ang isang pangyayaring hindi mo akalang mangyayari talaga? Yung akala mong sa heaven ka na yun pala hindi, pabagsak ka pala sa imperno. "I'm going to smile like nothing is wrong, talk like everything is perfect, a...